Chapter 15: GIRL IN THE MIRROR

5.1K 101 11
                                    

[Colleen Mae’s PoV]

What was that? Iniwan niya ako dito sa unahan? Can’t believe him, after he kissed me he’ll just walk away? Napailing ako at napabuga ng hangin dahil sa ginawa niya. Is he making fun of me?

Bahala siya sa buhay niya. Anong akala niya sa akin? Hahabol sa kanya dahil nagustuhan ko ang halik niya? Oo, nagustuhan ko, and so? Hindi na ulit ako magpapakatanga sa kanya. Hindi na ako si Princess Allison na madadala sa mga paganun-gan’on niya.

Tumalikod na ako ng nakasimangot. Walang pakialam kong pag-usapan pa ako ng mga tao dahil sa itsura ko. Naglakad na ako papuntang Ladies room, maglalabas ng sama ng loob at magtotoothbrush. Feeling ko kasi nalalasahan ko pa ang labi niya kahit tapos na ang halik.

“Princess…”

Natigilan ako sa paglalakad dahil pamilyar ang boses kahit ilang taon ko ‘yong narinig. Pero hindi ako lumingon, hindi nga kasi Princess ang pangalan ko.

“Princess, anak?”

Nagsimulang mag-init ang mga mata ko dahil sa pagtawag niya sa akin ng anak. Mabuti na lang at medyo madilim sa kinatatayuan ko kaya walang makakakita ng itsura ko. Hindi pa rin ako lumingon kahit gustong gusto ko ng yakapin ang tumawag sa akin ng anak.

 

“Papa…”  bulong ni Allison.

Hindi pwede Allison, baka makita ka ng asawa mo at kapag nangyari iyon ay malalaman niya na ako ikaw. Humakbang na ako para balewalain ang tumawag kay Princess kahit sobrang nadudurog ang puso ko na balewalain sila.

“Princess.”

May naramdaman akong humawak sa kamay ko. Naman eh! Hindi nga kasi ako si Allison o Princess na ‘yan. Huminga muna ako ng malalim at kumurap kurap para mawala ang pamumula ng mata ko. Nakangiti akong lumingon sa humawak sa mata ko.

Nakangiting mag-asawa ang nakita ko.

Gosh! Bakit parang pumayat si Papa? Si Mama bakit sobra naman ang pagkapayat? Nagsimula na namang mag-init ang mga mata ko nang makita ko ang mga itsura nila. Bakit puro sadness ang mababanag sa kanilang mga mata?

“Yes?” tanong ko sa taong nakahawak sa kamay ko na si Papa ni Allison. Super calm ng boses ko pero sobrang opposite n’on sa nararamdaman ko ngayon.

“Princess, kamusta ka na?” sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko naman alam kung ano na namang gagawin ko. Bakit ba nagsusulputan ang mga taong nang-iwan kay Allison sa iisang araw? Ano yun? Iniwan si Allison ng parehong araw kaya ngayon babalik sila in a same day din?

Ganito ba ako kasama kaya sobrang torture na sa puso ang nangyayari sa akin?

Napatingin ako sa harapan ko at nakita si Miku, I mean si Mitchell Kurt Morrison. Nakatingin siya sa amin.

Ano ‘to? Ginagamit niya sila Mama para lang mapaamin na ako si Allison? No way! In his fvcking dream, I will never be the weak Allison again. Hindi na nila ako magagawang saktan ulit.

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon