Chapter 29: PLAN

4.1K 97 4
                                    

[Miku's PoV] 

When I heard a shot of gun. Nanlalaki ang mga mata kong puno ng luhang napatingin kay Princess na nawalan ng malay sa upuan kasabay ng lalaking nakahawak sa kanya. Parang tumigil ang mundo for about three seconds. Nakikita ko pa ang mga mata ni Princess na puno ng takot habang nakatingin sa akin na ngayon ay pawang nakapikit na.

And then I saw the kidnapper was bleeding on the part of his knees at tumilapon ang hawak niyang baril malapit sa amin. Kinuha agad iyon si Julius habang ako ay tumakbo para makalapit kay Princess.

Tinanggal ko ang taling nakapulupot kay Princess, sa katawan, kamay at paa. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Sobra akong nasasaktan dahil sa sobrang torture ang naranasan ni Princess ngayon to the fact that she's still hurting inside because of me. 

"Princess! Princess!" sigaw ko para gisingin siya. Tumutulo ang luha ko sa mukha niya pero hindi man lang siya nagmulat ng mata. 

Natatakot akong mawala na naman siya sa akin sa pangalawang pagkakataon. Natatakot akong hindi man lang makahingi ng tawad at makapagpaliwanag dahil sa pananakit ko sa kanya dati. 

"God! Princess!" patuloy kong panaghoy, "I'm sorry! I'm sorry, wala akong nagawa para ilayo ka sa lalaking iyon. I'm sorry dahil hanggang sa pagsigaw lang ang nagawa ko. Patawarin mo ako, Princess! Princess! God! Wake up!" 

Isang kamay ang naramdaman kong humawak sa balikat ko. Tiningnan ko kung kaninong kamay iyon at nakita ko si Julius. Iniabot sa akin ni Julius ang isang jacket, "lumabas na kayo at nando'n na ang ambulance para magamot na rin kayo, lalo na ikaw. You’re bleeding." 

Hindi ako nagsalita at ibinalot ang jacket kay Princess dahil nasira na ang damit niyang suot kanina. Ni hindi ko nga ramdam na may tumutulo pa lang dugo sa ulo ko. All I can see is Princess from the start, the way she called my name. The way she shouts to ask for help but damn! I wasn’t able to help her!

Tumulo na naman ang mga luha ko, sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko man lang siya natulungan. Sa pangalawang pagkakataon ay wala akong nagawa kung hindi ang panoorin siya habang tumutulo ang luha niya.

Damn! Damn! I feel so helpless! Kung hindi pa dumating sila Julius ay hindi pa maliligtas si Princess sa kamay ng kidnapper na ‘yon.

Binuhat ko na si Princess papuntang ambulance. Kahit ganito na lang ang kaya kong gawin para sa taong mahal ko ay gagawin ko.

--- 

Almost twenty four hours na and yet hindi pa si Princess nagigising. I am so worried about her even though the Doctor said that it's normal because of shocks and trauma for what happened to her. 

But then, I'm still worried. What if hindi na siya magising? What if, tuluyan na niya akong iwan? 

I felt my tears fell down. I hold her hand and whispered, "Princess, please wake up. Let me prove to you that I am really sorry for breaking your heart. Let me apologize to you for life. Let me prove to you how much I love you. Princess, open your eyes." 

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon