[Colleen Mae's PoV]
“Ang ganda ganda niyo, Ma’am.”
I didn’t say a word sa papuri sa’kin ng make-up artist ko. I was just looking, or should I say, I was just staring at my reflection on my mirror. Everything is perfect, my super light make-up, that makes me turn to a sweet Colleen, my wedding gown na nakasauot sa mannequin sa may likuran ko. My shoes sa tabi ng wedding gown ko. The only imperfect is me, my feelings.
I heave a sigh. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Empty. Hindi naman dapat ako makaramdam ng ganito dahil hindi naman talaga ‘to wedding, isa lang itong proporsal para lalong tumatag ang AGC.
“Kinakabahan ka, Miss Colleen? H’wag kang mag-alala dahil ganyan talaga kapag ikakasal. Ganyan din po kasi ang naramdaman ko nang ikinasal kami ng asawa ko. Masaya na sobrang nakakakaba na hindi mapakali. Yung parang gusto mo ng tumakbo dahil parang ayaw mo na pero gusto mo. Basta po gan’on ang pakiramdam,” masayang sabi ng make-up artist.
Ngumiti lang ako ng tipid dito. Gan’on ba kapag totoong ikakasal? Wala nga akong maramdaman ngayon. Siguro nga masaya na nakakakaba kapag ikakasal pero sabi ko nga, hindi ‘to pangkaraniwang kasal kaya hindi ko nararamdaman ang mga sinabi ng make-up artist.
Habang abala ng mga tao sa kwarto ko ay naka-upo lang ako sa harap ng salamin at pinapanood sila sa pagkabusy sa mga kung anu-anong bagay. Picture dito, video doon. Hindi ko nga pinagkaabalahang ngumiti kapag tumatapat sa akin ang camera.
Tumayo ako at tiningnan ang wedding dress ko. Dinama ko ang beads sa upper part ng dress. Napangiti ako, “ang ganda,” mahinang sabi ko.
“Miss Colleen, ikaw ang may pinakamagandang wedding gown na nakita ko. Paniguradong sobrang perfect n’yan sa’yo kapag naisuot mo na.”
Hindi ko siya sinagot o kahit tinaasan ng kilay ang make-up artist, I do not know her name kahit nagpakilala naman siya kanina. Wala ako sa mood para magtaray.
“Miss Colleen, bakit parang hindi kayo masaya?” nagbago ang tono ng make-up artist.
Napatingin ako dito at binigyan siya ng tipid ng ngiti, “dapat ba akong maging masaya?” tanong ko dito. Dapat ba talaga akong maging masaya na ikakasal ako sa taong hindi man lang nakipagkita sa’kin? Kahit sana pakitang tao lang ay pumunta siya when he found out na okay na ako from the accident two years ago. Sana inilam niya kung buhay pa ang kanyang fiancé. O kaya ay kahit simpleng pagsama lang sa akin sa mga pinupuntahan ko regarding our weddings.
Kung sana may ginawa siya kahit papaano para makilala ko man siya pero hindi eh. Masyado naman niyang pinapahalata na ayaw niya sa kasal na ‘to. Bakit? Gusto ko ba ang kasal na ‘to? Gusto ko ba siya para itrato niya nang ganito ang isang Colleen Mae Austria?
Natigilan ang make-up artist ko at tiningnan ako, “hindi niyo po mahal o hindi kayo mahal ng papakasalan niyo?”
Umiling lang ako sa kanya. Gusto ko man sabihing ‘both’ pero pinigilan ko ang sarili ko. Wala akong balak na ipaglandakang hindi pag-ibig ang dahilan ng pagpapakasal namin. Hindi ko hahayaang kaawaan ako ng ibang tao dahil lang hindi ako ikakasal sa taong hindi ko mahal o sa taong kahit likod lang ay hindi ko pa nakikita.
BINABASA MO ANG
Ms. Don't-know-the-name
Romance[Completed] BOOK III of Mr. Don't-know-the-name Princess Allison Mercedez or Colleen Mae Austria? Sweet or the Bitch one? which one do I live? ----------------------