[Colleen Mae's PoV]
I just woke up and I saw the other side of my bed empty. Nakaramdam ako ng lungkot. Maybe he's mad or something. Maybe he wants me to make lambing on him. Tumagilid ako sa pagkakahiga at kinuha ang unang ginamit ni Miku. Inamoy ko iyon at niyakap habang nakapikit.
'Ang bango niya talaga.'
For the mean time, iisipin ko munang si Miku 'to. Magtitiis na muna ako na hanggang unan lang ako.
Sana mahintay pa ako ni Miku. Sana hindi niya ako ipagpalit sa iba. Sana.
Napahinga na naman ako nang malalim at bumangon na. Dumiretso ako sa banyo para makaligo na.
After that ay bumaba na ako para pumuntang dining.
Isang tawa ng inipit na ipis ang narinig. Napasimangot na agad ako dahil alam kong si Angel ang nagsasasayang iyon. Tumalikod na ako dahil nawalan na ako ng gana. Sa Garden na lang ako magbebreakfast.
"Kurt, paabot naman ng ham."
Natigilan naman ako sa narinig kong pangalan na binanggit ni Angel. At talagang nilalandi ng malanding Angel na 'yan ang Hubibi ko wah!
Tumalikod ulit ako paharap papuntang dining at naglakad papuntang dining area. I pretended that I didn't see them doing some landian thingy and sat sa medyo malayo layo sa kanila, our dining table is worth 16 pax. But deep inside ay kumukulo na ang dugo ko dahil sa selos. Kaya pala iniwan lang akong nakahiga sa kama dahil sabay silang magbreakfast.
Matagal na ba nilang ginagawa ito?
I cleared my throat soundly para mapansin nilang andito ako. I can sense that they both look at me. Kung hindi pa ako magpapansin ay hindi nila ako mapapansin.
"Pri—“
"Kurt, samahan mo naman ako mamaya. Mag-aapply ako sa Austria Company and I'm kinda nervous."
Lihim akong napasimangot sa kaartihang taglay ng napapanggap na anghel dito sa Mansion.
"Bu—“
"Please? I'm really so nervous. First time kong interviewhin."
"O—“
"Just give me a bowl of fruits," biglang sabi ko sa maid na nasa tabi ko lang. Pinutol ko ang pag-ookay ni Miku dahil sobrang nasasaktan ang puso ko, "I'll be in Garden. Pakidala na lang, do'n. And also, apple juice. Thank you."
Tumayo na ako at marahas na inusog ang upuan na nagpaingay sa buong dining, "ops!" I looked at them, "sorry. I disturbed you two. You can continue flirting," I said as if I'm giving them permission.
"Princess," tawag sa akin ni Miku.
Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay, "what, Mister?"
BINABASA MO ANG
Ms. Don't-know-the-name
Romance[Completed] BOOK III of Mr. Don't-know-the-name Princess Allison Mercedez or Colleen Mae Austria? Sweet or the Bitch one? which one do I live? ----------------------