[Miku's PoV]
Ilang minuto nang nakatigil ang kotse sa labas ng Mansion pero hindi ako gumagalaw. Nakahawak lang ako sa manibela habang nakatingin ng diretso sa harapan, sa labas ng kotse.
Hindi ko na alam. Parang lahat ng ginagawa ko ay mali, lahat ng ginagawa ko ay kinagagalit niya.
I heave a sigh at napahigpit ng hawak sa manibela.
"Hmn."
Napatingin ako kay Princess nang marinig kong umuungol siya. She's sleeping peacefully.
Hinaplos ko ang mukha niya na hindi ko na nagagawa dahil lagi siyang umiiwas. "I love you."
Napangiti ako nang ngumiti siya.
Napahinga ulit ako ng malalim at lumabas ng kotse. Alam kong hindi magigising si Princess kahit na gisingin ko pa siya. Binuhat ko na siya para makahiga na siya ng maayos.
Nakasalubong ko pa si Julius nang makapasok ako sa Mansion.
"What happened to, Miss?" nag-aalalang tanong nito.
"She's just sleeping. No, I can take care of her," mabilis kong sabi nang tatangkain niyang kunin si Princess.
Hindi naman siya nakapalag. Umakyat naman na ako.
-
Nang maihiga ko na ng maayos si Princess ay inayos ko ang pagkakakumot niya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang kamay niya.
"When are you going to hold my hand like before? When am I gonna hold your hand like this?"
Tumagilid si Princess.
I lowered my head and kissed her forehead. "Good night, Princess. Sleep tight." Sana dumating na ang araw na mapatawad mo ako at tanggapin mo ako ulit.
Isang patak ng luha ang nahulog sa mga mata ko at pumatak sa may eyelid ni Princess. Pinunasan ko iyon ng dahan-dahan at lumabas na ng kwarto.
"Kurt."
Napatingin ako ng Angel na nakasandal sa may wall. I clossed first the door before I respond to her. "Gabi na. Hindi ka pa matutulog."
Nagulat ako ng bigla siyang yumakap sa akin. Naramdaman ko na lang na umiiyak siya. Napahawak ako sa balikat niya at pilit siyang tinulak pero nakapulupot ang braso niya sa katawan ko. "Angel, what's wrong?"
"Everything," mahina niyang sagot.
"What?"
"Everything is wrong, Kurt. 'Yang nararamdaman mo towards Colleen's really wrong."
BINABASA MO ANG
Ms. Don't-know-the-name
Romance[Completed] BOOK III of Mr. Don't-know-the-name Princess Allison Mercedez or Colleen Mae Austria? Sweet or the Bitch one? which one do I live? ----------------------