Chapter 68: I WILL

3.1K 97 12
                                    

[Colleen Mae’s PoV]

Nakahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Napabuntong-hininga ako. Nakakapagod ang trabaho ko lalo na kung puro numbers ang nakikita. Tapos hindi pa kami nagkita ni Hubibi buong araw dahil busy na siya sa mga meetings at kung anu-ano pa kaya mas naramdaman ko ang pagod. Hindi din siya ang naghatid sa akin dito sa Mansion.

Ano pa nga bang magagawa? Isa siya sa mga big boss.

Isa na namang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Namimiss ko na siya agad kahit ngayong araw ko lang siya hindi nagkita. Tumatawag naman siya pero iba pa rin kapag nakikita at nahahawakan ko siya.

“Oh my Hubibi,” bulong ko at pumikit. Tumagilid ako sa kama at niyakap ang unan ko. I haven’t eaten anything or even change my clothes. Pagod na pagod ako na parang gusto ko na lang matulog kesa gumawa ng kung anu-ano.

--

Nasa loob ako ng simbahan when I saw Miku standing there, waiting for me. Napangiti ako at napahigpit ang hawak ko sa bouquet. Maglalakad na sana ako nang may dumaang babae sa harapan ko with the same gown and flowers. Tumingin siya sa akin but I can’t see her face.

 

Gusto ko siyang pigilan dahil hindi naman siya itong ikakasal pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, para akong naistatwa nang makita kong nakangiting hinawakan ni Miku ang babae. Halos lahat ay masaya nang magsimula silang maglakad papunta sa harapan ng Paring magkakasal sa kanila.

 

“Hubibi!” sigaw ko pero walang boses na lumabas sa akin. “Hubibi!” sigaw ko ulit pero wala talagang lumalabas na boses sa bibig ko. Naiiyak na ako pero wala man lang nakakapansin sa akin.

 

Ano bang nangyayari? Hindi ba namin ito kasal ni Miku?

 

Nang tanggalin na ni Miku ang belo ng babaeng katabi niya ay tumingin ito sa akin. Natigalgal ako nang makita kong ang nakangising mukha ni Angel ang humarap sa akin.

 

Hinawakan niya si Miku sa mukha and in front of me they kissed. Halos mabingi ako sa palakpakan ng mga saksi sa kasal nila.

--

“Hubibi.” Napaigtad ako nang marinig ko na nagriring ang phone ko. Nakaramdam ako ng kaba ng ang pangalan ni Miku ang nakaregister na tumatawag. Nanginginig ang mga kamay ko na sinagot ang tawag. “H-hello?”

“Wife!” magiliw niyang bati. “Where are you? Pwede bang lumabas ka muna o kaya ay kahit sa veranda lang ng kwarto mo?”

“Ha?” parang wala ako sa sarili. Hindi ko naintindihan ang sinasabi ni Miku.

“Nakatulog ka na ba?”

“Oo. Nakatulog na ako,” mahina kong sagot. Malinaw pa sa akin ang mukha ni Angel habang nakatingin sa akin at kung paanong hinalikan niya si Miku. Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ako ng kirot. Isipin ko pa lang na mangyayari iyon ay nasasaktan na ako, ano pa kaya kung actual na?

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon