Chapter 41: I'M SORRY

3.9K 99 8
                                    

[Colleen Mae's PoV]

Unti-onti kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya at habang ginagawa ko iyon ay parang binibiyak ang puso ko. Kung alam lang niya kung gaano ko kagusto siyang hawakan but this time, ako naman ang bibitaw, ako naman itong mang-iiwan.

Kaya ko ba?

Hindi ko pinansin ang tanong ko na iyon sa sarili ko. Tumalikod ako sa kanya, didn't even care if he's looking. All I want is to disappear from his sight now because I want him to feel how hurt when someone turn their back especially when that someone is that important. I did that because, I want to feel like, I am Colleen Mae Austria not Princess Allison Mercedez, who he left two years ago.

Naglakad ako papalayo sa kanya habang patuloy na tumutulo ang walang katapusang luha at nakahawak ng mahigpit sa laylayan ng damit ko.

Ang hirap pa lang maglakad papalayo sa taong mahal ko. Ganito ba ang naramdaman niya dati?

"I'm sorry, I'm sorry, please, Princess, forgive me please."

Napahinto ako nang maalala ko 'yon. Iyon ang unang pagkakataon na umiyak siya sa harapan ko na may halong sakit. Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko ang sakit na matagal na niyang tinatago.

Nilingon ko siya at nakitang nakaupo pa rin siya. Can't even see his face but I can see the crystallize form falling from his eyes.

Without second thought, naglakad ako pabalik sa kanya at niyakap siya. Tanga na kung tanga. Pero wala eh, si Allison talaga ang nanaig sa pagkatao ko.

"Princess," hindi makapaniwalang tawag niya sa pangalan ko.

Niyakap ko pa siya ng mahigpit. "Bakit kahit sobra mo akong nasaktan dati ay hindi man lang nawala ang nararamdaman ko sa 'yo? Hindi man lang nabawasan? Bakit hanggang ngayon kahit galit ako sa 'yo ay tumatalon pa rin ang puso ko kapag nakikita kita? Bakit nasasaktan ako kapag nakikita kitang nasasaktan? Gano'n ba talaga kita kamahal, Miku? Gano'n ba ako katanga pagdating sa 'yo?" umiiyak kong tanong sa kanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit, mas mahigpit sa yakap ko. "I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry. I'm so—“

Sinuntok ko siya ng mahina sa likod. "Puro sorry na lang ba ang maririnig ko?"

Hindi siya nakasagot agad.

Kumalas ako ng yakap sa kanya at pinunasan ng dalawa kong palad ang magkabila kong pisngi. "Puro sorry na lang ba? Wala ba man lang ‘I miss you’? ‘I love you’ or anything?"

Napangiti naman siya sa tanong ko at niyakap niya ako uli. Hinihintay ko na sabihin niya 'yon pero wala akong narinig. Niyakap niya lang ako at nagsumiksik sa leeg ko.

"Mister!" tawag ko sa kanya at itinaas ng konti ang balikat ko.

"Call me Hubibi. Please," bulong niya sa akin.

Napanguso naman ako at tinulak siya. "Makapag-utos ha? Samantalang ang mga gusto kong marinig ay hindi mo masabi!" kunwari ay tampo ko. Pero ang saya-saya ng pakiramdam ko ngayong malayang sinusunod si Allison.

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon