Chapter 60: I'M NOT JEALOUS!

3.2K 79 2
                                    

[Colleen Mae’s PoV]

Lunch break.

Napahinga ako ng malalim. Alam kong ako ang pupunta sa office ni Miku para sunduin siyang maglunch. Dahil kung aantayin ko siya ay baka natapos na lang ang lunch break ay hindi pa niya nalalaman na tapos na ang lunch break sa sobrang pagkaabala.

Nag-ayos muna ako bago lumabas ng office ko.

Bakit kasi ganito? Habang tumatagal ay nawawala na lang ang galit ko. Parang every day ay naghahanap na lang ako ng ikakagalit ko sa kanya para hindi mawala itong pagdaramdam ko. Minsan nagkukunwari na lang na hindi ko siya nakikita dahil baka makita niya sa mga mata ko kung gaano ko siya kagustong yakapin, hawakan at… halikan.

Namimiss ko na ang Hubibi ko. Pero hindi naman pwedeng patawarin ko siya ng ganoon lang. Ayoko. Kahit ngayon lang ay papanaigin ko ang pride ko. Kahit ngayon.

Simula noong magising ako sa as Colleen Mae Austria ay mabibilang sa mga daliri ko kung ilang beses ako naging totoong masaya. Sa pagiging Colleen Mae Austria ko ay ilang beses nanganib ang buhay ko.

Sana kapag tuluyan ko na siyang mapatawad ay hindi na siya maglihim sa akin. Sana kahit ano ay sabihin niya agad sa akin. Sana.

Naglakad na ako at nakita kong papalapit sa akin si Christine. Gusto niyang Angel ang itawag ko sa kanya kaya lang ay ayoko na ng pangalang Angel. Kaya Christine lang ako ng Christine. We’re getting close. Lahat na ‘ata nasabi ko sa kanya.

Hay! I just miss my bestfriend, Bii. Ang tagal ng vacation nila. At ayokong makaabala sa kanila lalo na at alam kong masaya siya sa vacation nila.

“Hi, Colleen!”

Yeah! Colleen lang ang tawag niya sa akin. Walang Ma’am dahil iyon ang sabi ko. Naiilang siya noong una pero habang tumatagal ay nakakasanayan na niya rin.

“Hello, Christine. Sorry but I need to have lunch with my husband.”

Natigilan siya pero ngumiti din agad. “Okay. I’ll just eat alone.”

Humawak ako sa braso niya. “Sorry. Bawi ako tomorrow. Kailangan lang talaga eh.”

“Okay lang.” Ngumiti siya ng malapad sa akin.

Napangiti din naman ako nang dahil sa ngiti niya.

--

Nasa floor na ako kung saan ang office ni Miku. How I wish I can call him Miku when I am talking to him. But I can’t. I just can’t. Not now.

Napakunot-noo ako nang makita kong si Angel na nanlilisik ang mga habang tumatakbo palayo ng office ni Miku. Nakasiangot siya at animoy makakapatay ng tao kapag may humarang sa kanya. Sa sobrang bilis ng takbo nya at hindi niya ako napansin.

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon