Chapter 50: MAMA, PAPA

3.6K 82 11
                                    

[Colleen Mae's PoV]

"Papa," mahinang tawag ko kay Papa. Hindi ko nga alam kung maririnig nila iyon sa sobrang hina ng pagkakabigkas ko.

Napatingin sa may gate si Papa at napatayo sa pagkabigla. Gusto kong magtago dahil nahihiya ako pero mas gusto kong makasama sila ulit.

"Hon, ang anak mo! Ang Prinsesa natin! Tumayo ka, Bilis! Baka umalis siya agad." napasigaw sa sobrang excitement na sabi ni Papa kay Mama na nakatalikod sa may banda ko habang nakatingin sa akin.

Napatingin sila sa aking dalawa. Naluluha naman akong ngumiti sa kanila. "Mama. Papa," halos pabulong lang na tawag ko. I'm sorry.

"Son? Ikaw ba talaga 'yan?" tuwang-tuwang tanong ni Mama habang papalapit sila sa akin ni Papa. Inaalalayan ni Papa si Mama. Siguro sobrang weak pa ni Mama. I wonder kung nakarecover na siya kahit matagal na siyang naoperahan. Ang sama kong anak dahil hindi ko man lang si Mama kinumusta.

Ngayon ko narealise na ako itong masama hindi sila.

Ipinasok ko ang dalawa kong kamay sa rehas ng gate na parang inaabot sila. "Bilisan niyo, Mama! Papa!" parang batang tawag ko sa kanila. I miss them so much. I want to hug them. I want to hold them both.

Binilisan naman nilang dalawa at nang nasa tapat na silang dalawa ay hinawakan nila ang kamay ko, mahigpit na hawak na parang ayaw na nila akong bitawan, na parang any moment ay aalis ako at hindi na nila ako hahawakan.

"Naalala mo na kami, Son? Naalala mo na ang Papa at Mama mo?" naiiyak na tanong ni Papa.

Tumango ako ng maraming beses at ngumiti. Para lang pala akong tangang nag-aalala sa mga what ifs ko. Dahil mahal nila ako kahit tinanggi ko sila noon.

"Papa, ang sakit na ng kamay ko. Pwedeng pabukas po ng gate?" medyo nakagiwi kong sabi. Hinahawakan kasi nila ng mahigpit ang kamay ko. Kaya nasasaktan ako sa bakal na gate.

Binitawan naman nilang dalawa ang kamay ko. "Sorry, anak."

---

"Pa, sorry po!" nakatungo kong hingi ng paumanhin ng makaupo na kaming tatlo. Sa laki ng kasalanan ko ay nahihiya akong tingnan sila. Gusto ko silang yakapin pero nakakaramdam ako ng hiya na hindi naman dapat.

Naramdaman ko na may humawak sa kamay kong nakapatong sa table. "Son," tawag ng Mama ko sa pangalan ko. She held my hand with care.

Tiningnan ko si Mama and I saw tears fell down. "'Ma..."

Hinagod ni Papa ang likod ni Mama.Tumingin naman sa akin si Mama habang hindi niya binibitawan ang kamay ko. "Hindi ka dapat nagsosorry, Son. Kami dapat itong humihingi ng tawad sa pagsisinungaling namin sa 'yo, sa paglilihim namin sa 'yo. Son, anak, patawarin mo ang Mama, ha? Sa kasabikan naming magkaroon ng Prinsesa ay inilihim namin ang tunay mong pagkatao. Itinago ka namin sa totoong nagmamay-ari sa 'yo. Patawad, anak, ha? Itinago namin sa 'yo ang totoong ikaw at binuhay ka sa ibang pangalan at pagkatao."

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon