[Colleen Mae’s PoV]
“Misis…”
Narinig kong tawag niya sa akin. Nakahiga na kami ngayon after a long day ng pagpapanggap ko na matatag ako sa harapan niya, nakakapagod din pala lalo na at may nararamdaman akong sakit sa dibdib. Lagi ko na lang naiisip na ‘kung hindi ba ako humabol kay Miku ay hindi mapapahamak si Alex?’, ‘Kung hindi ba ako nakipagkita kay Miku ay hindi madadamay si Alex?’, ang daming if na naglalaro sa isip ko. At isa lang ang nararamdaman ko, I’m regretting everything happened before the accident.
Hindi ako gumalaw o kahit sumagot sa kanya. Why should I answer him? Baka madulas lang ako at masabi ko sa kanya na ako si Princess Allison.
“I know, gising ka pa,” sabi nito, “what happened ba?”
Hindi pa rin ako sumagot. Naiiyak na naman ako dahil naalala ko si Alex. Tinakpan ko ang bibig ko dahil nararamdaman ko na na mapapabunghalit ako ng iyak.
“If you’re sick, we can go see a doctor.”
Tumayo ako bigla at nagmamadaling pumunta ng banyo. Hindi ko na kayang pigilan ang pag-iyak ko. At hindi ko rin hahayaang umiyak sa harapan niya.
‘I’m sorry Alex… I’m sorry… I’m sorry… I’m so sorry…’ umiiyak kong bulong habang nakaupo sa sahig ng banyo at nakasandal sa pintuan. Impit akong umiiyak ngayon. Kahit anong pigil kong hindi umiyak ay patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.
Kung pwede nga lang ibalik ang time para mabago ko ang kapalaran niya, kung pwede nga lang ay gagawin ko kahit ang kapalit pa n’on ay kasiyahan ko. Gagawin ko para lang mabuhay si Alex. Kung pwede lang.
‘I’m sorry, Alex…’
----
After that night, sumama ang pakiramdam ko kaya isinugod ako ni Miku sa hospital. Hindi na natuloy ang one month honeymoon namin daw sa other country. Kahit ang honeymoon ay hindi ko alam kung saan. siguro mabuti na rin na nagkasakit ako dahil wala akong panahong magsaya lalo na at naalala ko na ang lahat-lahat.
Si Miku, hindi ko siya kinakausap kahit ilang beses na siyang nag-attempt na kausapin ako. Himala nga eh, hindi siya umaalis sa tabi ko. I wonder if he has some work na naiwan niya.
Nagmulat ako ng mata ng makarinig ako ng ingay sa loob ng kwarto kung saan ako nakaconfine. Madalas kasi ay sobrang tahimik lang ang paligid kahit nasa loob naman si Miku.
“Oh, gising na siya wo!” narining kong sabi ng isa. Napatingin ako sa nagsalita si Brayden lang pala.
Napatingin naman ako sa taong nasa tabi lang ng kama nakaupo, si Miku, ngumiti siya. Hindi ko siya binigyan ng ngiti. Nakatingin lang ako sa kanya ng blangko. Nabasa ko sa mga mata ang lungkot pero wala akong pakialam. Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil iyon. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at binigyan ako ng halik sa noo.
BINABASA MO ANG
Ms. Don't-know-the-name
Romantizm[Completed] BOOK III of Mr. Don't-know-the-name Princess Allison Mercedez or Colleen Mae Austria? Sweet or the Bitch one? which one do I live? ----------------------