Chapter 22: WHAT'S YOUR NAME?

4.5K 90 5
                                    

[Colleen Ma's PoV]

Past eight na nang gabi and Miku's not yet here. Two to three hours pala ha! He's a liar! More than four hours na siyang wala. 

Mag-isa akong nasa dining area dahil may dinner meeting sila Grandpa ang Julius. Angel's not yet here and I hope, h'wag na siyang dumating.

Napahinga ako ng malalim. Nakakalungkot at nakakawalang ganang kumain kapag ganitong ang daming nakahain pero nag-iisa ka lang na nakaupo sa dining table. 

Kumuha na ako ng pagkain ko. Hindi ako matatapos kung tititigan ko lang ang mga nakahain. Nagsimula na akong kumain at pinilit nguyain ang bawat pagkaing isinusubo ko. 

"Sorry, I'm late. Traffic." 

Hindi ako nagsalita o kahit ang tumingin lang sa kanya. Kunwari he didn't exist. Kunwari I didn't hear anything. 

"Misis... Ang konti ng food mo. Damihan mo," sabi pa nito at nilagyan nang kanin ang plato ko. 

Tiningnan ko siya dahil sa ginawa niya. Tinaasan ko siya ng kilay, "how dare you?" mahinang sabi ko sa kanya. Inilapag ko ang hawak kong spoon and fork, "I lost my appetite." 

Nagulat naman si Miku sa inasal ko, "I just put a little rice. What's wrong?" 

I rolled my eyes, "I'm almost done. I'm already full at inuubos ko lang ang food ko dahil hindi magandang inaaksaya ang pagkain. Tapos darating ka at parang ikaw ang kumakain at dadagdagan ang pagkain ko? Bakit hindi ikaw ang kumain niyan?" 

"I'm sorry," mahina nitong sabi at tinanggal ang rice na inilagay niya sa plato ko and put it on his plate. 

Uminom ako ng tubig at tumayo niya. 

"You want to know each other; those are what you've said to Grandpa, so sit. I'm going to ask some question." 

Napatingin ako sa kanya pero hindi ako umupo, "just ask Julius. He knows everything about me." 

"I said, sit," medyo malakas nitong sabi. Seryoso ang mukha niya habang kumakain. 

Umupo na lang ako at baka magsigawan pa kami sa harap ng pagkain. 

"What do you want to know, Mister?" I asked in not so interested voice. 

Ngumiti siya sa akin, "what's your name?" 

Napataas ang kilay ko sa tanong, "are you freaking boring at ako ang inaabala mo? You married me na hindi man lang inaalam ang pangalan ko? And in case you forgot, I already told you my name, thrice!" 

"I know your name. I just want to hear it again," nakangiting sabi nito, "I just want to convince myself," bulong niya pa. 

"Convince what?" tanong ko pa rin kahit alam ko naman. 

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon