Chapter 14: KISS

5.5K 105 5
                                    

[Colleen Mae’s PoV]

I took a deep breath before I open the door of the room. Kailangang maging handa ako na makikita ko siya pagkalabas ko pa lang. Kailangan kong maging perfect ang bawat projection ko para hindi niya masabing ako si Princess Allison Mercedez.

Pero sino nga ba ang maniniwalang hindi ako si Allison kung pagmumukha niya ang nakikita ng mga nakakakilala sa kanya? Ayoko namang magpaplastic surgery. I shook my head, kung anu-ano na ang iniisip ko para lang maka-iwas kay Mitchell Kurt Morrison.

Bakit ba ako natatakot sa kanya? Hindi naman ako si Allison. Dapat nga siya itong matakot o makaramdam ng guilty kapag nakikita niya ako dahil nakikita niya ang mukha ng babaeng iniwan niya dati.

Nang buksan ko na ang pintuan ay wala akong nakitang naghihintay. Bakit nakaramdam ako ng disappointment?  Hindi. Mali lang ako ng akala. Pagod lang ako dahil sa kasal na ‘to.

“Ma’am…”

Lumingon ako kay Beth na tumulong sa akin para makapagpalit ng dress, “yes?”

“Naghihintay po si Sir sa inyo sa baba. Sabi niya po sa akin kanina ay d’on ka na lang hihintayin,” magalang nitong sabi habang hawak hawak ang purse ko.

“Sinong Sir?” tanong ko dito at naglakad na ako papuntang elevator.

“Si Sir Kurt po.”

Napatango naman ako, “okay,” parang wala lang na sabi ko pero parang may kumuhit sa puso ko pagkarinig ko sa pangalan ni… ng asawa ko.

 

Asawa.. asawang maituturing nga ba siya?

----

Nagtaka ako kung saan ako dinala ni Beth. I thought one of the Restaurants here in Hotel pero bakit palabas kami?

“Where are we going?” I asked her.

“Sa garden po, Ma’am,” nakangiting lingon sa akin ni Beth.

Garden? Tsk! Naghihirap na ba ang asawa ko kaya hanggang garden lang ng Hotel na ‘to? I rolled my eyes. Feel na feel ko naman ang asawa thingy, ni Allison pala.

As we entered the Garden, the spot light focused on me. Medyo nasilaw pa ako pero I still managed to smile. Nagulat pa ako ng may humawak sa braso ko. Tiningnan ko iyon at ang nakita ko ay ang nakangiting mukha ni Mitchell Kurt Morrison. I gasped. Lagi na lang akong naghahabol ng hininga kapag sumusulpot ‘tong isang ito.

Ghad! Bakit ba ganito ang epekto ng lalaking ito kay Allison? Pati tuloy akong may katawan ay nadadamay. Behave Allison. Ako muna ang masusunod ngayon. I already gave you one minute kanina, so behave.

“No need to escort me,” I said in a low voice to him. Having his hand on my arm still feel awkward and Allison might kiss him kapag hindi ko napigilan ang sarili ko. Ang tanga kasi ni Allison, sobrang mahal pa rin itong lalaking ito kahit sobra siyang nasaktan dahil sa mga sinabi nito dati.

Ms. Don't-know-the-nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon