Kabanata Isa

11.3K 146 31
                                    

Unedited Version.

Just Believe by ShaniahMystiqueBlue

Life Is Beautiful Publishing Corp.


"Huwag mong isiping naiwan ka na ng mundo dahil nandito lamang ako." Iyan ang mga katagang binitiwan ni Kurtney noong nakita niya ako sa gilid ng isang bangin tatlong taon na rin ang nakalipas. At nang mga sandaling iyon ay nagsimulang mabago ang takbo ng buhay ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit niya sinabi ang mga bagay na iyon, kung bakit pinili niyang manatili sa tabi ko kahit pa ipinagtatabuyan ko siya ng paulit-ulit. Pero magkagayon man ay masaya ako dahil dumating siya sa buhay ko, dahil binago niya ang mga baligho kong paniniwala, dahil pinaniwala nya'ng hindi ako nag-iisa. Dahil minahal niya ako sa kabila ng lahat ng kahinaan ko.

I am proud to be Mrs. Jamilla San Miguel, I'm honored to share the rest of my life with him and our promise will prolong to forever.#

~Wakas~


Isinara ko ang aking laptop matapos kong isulat ang huling mga katagang iyon. Wakas. Marahil ito na nga ang wakas. Ito na nga ang huli. Ang huling 'happy ending' na maaari kong isulat.

Isa akong writer, well frustrated writer. Isang amateur blogger na nangangarap na magkaroon ng sariling fairytale...

Muli kong binuksan ang aking laptop. Nakipagtitigan ako sa screen nito. Nagdadalawang isip kung pipindutin ko na ba ang 'save and publish' button. Maraming naghihintay sa kabanatang ito sa kwento na sinulat ko. Ang Epilogue. Ang pang-wakas. Dito malalaman ng mga mambabasa kung ano ang kinahinatnan ng mga karakter sa kwento. Kung magiging happy ending ba o tragedy.

At kasabay ng pagtatapos ng kwentong ito ay ang pamamaalam ko sa kanila. Sa kanila na mga mambabasa na patuloy na sinusuportahan ang bawat akda ko. Magpapaalam na ako sa kanila at sasabihing ito na ang huling kwentong ihahandog ko sa kanila. Pero hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon.

Paano nga ba magpaalam? Paano ko ba sasabihin ang salitang goodbye? Paano ko ipapaliwanag sa kanila ang desisyon ko na umalis?

Saying goodbye is one of the hardest things to do especially if you don't want to.

Ayokong umalis, ayokong magpaalam pero sa puntong ito, wala akong ibang mapagpipilian. Ito lang ang option na meron ako. Ito lang ang pwede kong gawin.

Hindi na kasi ako muling susubok na magsulat ng panibagong kwento. Bakit ko pa sisimulan ang isang bagay kung una pa lang ay alam ko na hindi ko magagawang tapusin? Bakit ko pa susubukang sumulat muli ng isang happy ending story kung hindi ko na nga kayang bigyan ng mala-fairytale ending ang buhay ko?

Marahil, sa dinami-rami ng mga tauhang binigyan ko ng masayang wakas ay naubusan na ako ng para sa akin. Nakapanghihinayang na hindi ko man lang naranasang maging si Cinderella. Hindi ko man lang nasayaw ang Prince Charming ko. Ni hindi ko man lang siya makikilala o magagawang hintayin pa.

Bilang na ang mga araw ko at kahit pa bigyan ako ng true love's kiss gaya ng kay Snow White at Sleeping Beauty ay hindi na ako maliligtas pa.

"Your story has been published"

Napangiti ako ng makita ko ang katagang iyon sa screen. So this is it, this is my last day as romantic_destiny. This is the last time that I would visit this online blog site that has been my home for the last two years. This is my last shot at happy ending.

Goodbye, romantic_destiny. Thank you for the memory.

Pinunasan ko ang butil ng luhang namuo sa gilid ng mga mata ko at muling ngumiti, isang mapait na ngiti. Ngiting hindi mababanaagan ng kasiyahan.

"shut down"

Ipinasok ko sa bag ko ang laptop ko at tumayo mula sa damuhan sa garden ng eskwelahan kung saan ako nag-aaral. Isa ito sa paborito kong lugar dito sa school. Iginala ko ang aking paningin at pinagmasdan ang paligid; sinusubukan kong mag-ipon ng mga alaala na maaari kong dalhin kahit saan man ako mapunta.

One year. Just one more year. Susulitin ko na ang huling taon ko sa eskwelahan na ito. Ang huling taon ko sa buhay na ito.

My epilogue is near. I will not believe in happy ending anymore, because sadly, mine is a tragic one.

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon