Kabanata Siyam

4.3K 86 24
                                    

"I only have less than a year...."

Mabilis ang paghakbang ng mga paa ko. Lakad-takbong umalis ako sa club room. Natatakot akong malaman ang reaksyon niya, ang sasabihin niya.

Paano kung pagtawanan niya lang ako? Paano kung hindi siya maniwala?

Pero hindi naman ganoong klase ng tao si Gab, hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya.  Si Gab 'yung willing makinig. Si Gab 'yung laging handang magbigay ng payo.

Iyon ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan, kung bakit ko siya minahal.

I know this is pathetic.I fell in love with my bestfriend. I have loved him and it's so hard. He's so near yet so far. Kasama ko palagi iyong taong gusto ko pero alam ko na kahit ganoon siya kalapit ay hindi ko pa rin siya maabot. Of all people to fall in love with, sa isang tao pa na ang tingin lang sa akin ay isang kaibigan.

Kaya nagdesisyon ako na lumayo na lamang sa kanya. Without a word...without a goodbye. Palagi akong umiiyak noon, ang sakit-sakit sa dibdib na lubayan ang taong sobrang importante sa akin.

But sadly, he did the same. Lumayo rin siya sa akin at umiwas. We've been avoiding each other like plague since then. Noong oras na nalaman kong mahal ko na ang bestfriend ko, alam kong hindi ko na siya pwedeng maging kaibigan ng basta-basta. Mas mabuti rin siguro na iniwasan na lang namin ang isa't isa.

"Yvonne." Parang huminto ang puso ko sa pagtibok nang marinig ko ang pagbanggit niya sa pangalan ko. Naririnig ko rin ang yabag ng kanyang mga paa na papalapit sa akin. Sinundan niya ako? Pero bakit? Hindi ba't estranghero na lamang kami sa isa't isa?

Sa kabila ng pagtigil ng pagpintig ng dibdib ko ay ang patuloy na paghakbang ng mga paa ko. Hindi ko na kayang harapin pa siya sa lagay kong ito. Siguradong hindi na ako mukhang maayos, nahihirapan akong huminga at alam kong namumutla na rin ako ngayon.

Pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. Nandoon na naman ang pamilyar na kuryente. Ininda ko ang enerhiyang gumagapang sa balat ko. Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya kaya naman nakaalis ako. Tumakbo ako habang patuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi ko.

Nasa kabilang dulo pa ang classroom na pupuntahan ko, iniwan ko ang mga gamit ko doon, kukunin ko muna bago ako tuluyang umalis. Pilit kong inaalis sa isip ko ang taong sumusunod sa akin.

Ignore lang Yvonne! Run faster!

Nasa tapat na ako ng room ko nang maramdaman kong may nakahawak sa braso ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino. Si Gab iyon, walang duda.

Nakita kong nasa loob na ang mga kaklase ko, pati na rin ang professor namin. Iyak pa rin ako ng iyak. Bakit ba ayaw tumigil ng mga luhang ito?

 "Yvonne, talk to me." Sabi niya. Hawak pa rin niya ako.

Bakit Yvonne? Ganoon na ba talaga? Am I just a total stranger kaya Yvonne na lang ang tawag nya sa akin?

Hinarap ko siya, nagtatanong ang aking mga mata.  Bahagyang nakakunot ang kanyang noo at sari-saring emosyon ang nababasa ko sa abo niyang mata. Sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon ay muling nagkaroon ng emosyon ang mukha niya. Nakikita ko ang repleksyon ko doon at gaya ng dati ay tumagos na naman ang titig niya hanggang kaibuturan ng kaluluwa ko.

"Stay with me. Be with me." Sabi ni Gab. Ano bang pinagsasasabi niya? Parang anumang oras ay hihinto na ng tuluyan ang puso ko sa pagtibok dahil sa mga litanya niya. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagkalabog nito, konti na lang at mauubusan na ito ng energy.

"I am stupid for letting you go. I'm sorry for leaving you on your own. But Yvonne, I don't want to be stupid again. I-I- I am in love with you. For Pete's sake! I love you."

Dumadagundong na naman ang tambol sa dibdib ko habang nagsasaway ng rigodon ang mga paru-paro sa aking tiyan. Bakit ganito ang reaksyon ko? Mali ito. Maling mali.

Tinitigan ko siya ng diretso sa mata. Pilit kong inaalis sa sistema ko ang pagmamahal at pangungulila ko sa kanya. Hindi ito tama, hindi tamang sabihin niya sa akin na mahal niya ako.

 "Don't say that. Wag mo akong papaniwalain, wag mo akong kaawaan." Sabi ko. He's making things more complicated. Alam ko na kahit hindi ko man sinabi ng tuluyan sa kanya ay naunawaan na niya iyon, matalino siyang tao. Mabilis siyang umintindi. Kung ipapahiwatig ko sa kanya na itigil na niya ito ay gagawin niya... or so I thought.

"Hindi ako sa'yo naaawa kundi sa sarili ko. I have lost you once, I don't want to lose you again." Sa kabila ng mga gumugulo sa isip ko ay hindi nakatakas sa akin ang pagpungay ng kanyang mga mata.

At mas lalo pang dumami ang luha ko, nagpatuloy ang walang humpay nitong pag-agos.

"Pwede bang hayaan mo akong ipadama ang pagmamahal ko sa iyo ngayon?"

"Stupid idea." Sabi ko na lang at sinusubukan kong pumasok na sa room ko. Hindi maganda kung ipagpapatuloy pa namin ang walang kwentang pag-uusap na ito. Kahit anong pilit niya ay hindi ko siya hahayaan.

"Stupid na kung stupid, just let me love you."

"Baliw ka ba?" tanong ko. For Pete's sake, nasabi ko na sa kanya na less than a year na lang ang natitira sa akin.

"Hindi ako baliw, pero mababaliw ako kung di ko man lang mapaparamdam sa'yo na mahal kita."

 "Didn't you understand? I only have almost a year left. Useless lang kung maaawa ka sa akin. Hindi na noon mababago ang kapalaran ko."

 Ramdam ko ang mga titig ng mga kaklase ko. Wala na akong pakialam kung malaman nila. Doon din naman pupunta yun.

 "Bakit Yvonne? Dahil meron kang..." nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang hawak niya sa isa pang kamay. Paano iyon napadpad sa kanya? nalalaglag ba iyon nung tumatakbo ako? "Hemophagocytic lymphohistiocytosis.Hindi awa ang nararamdaman ko Yvonne, pagmamahal. Magkaiba iyon."

"Wala na akong paki-alam. Please lang, sa ginagawa mo ngayon, pinahihirapan mo ako. Mas lalo mo akong ginugulo."

Nakakainis! Bakit ba hindi ko magawang maglihim sa kanya? Bakit ba hinayaan ko ang sarili ko na malaman niya?

"Wag mo na akong mahalin dahil masakit. Mas mahihirapan akong umalis, mas mahihirapan akong lumayo."

"E'di huwag kang umalis." Halos pumipiyok na niyang sabi.

"Sira! mamamatay na nga eh... syempre aalis ako whether I like it or not, pero mas mahihirapan akong umalis ngayon dahil sa ginagawa mo. Even if I chose to be with you, I can't be with you forever."

"Hayaan mo akong mahalin ka, alagaan ka. Ano naman kung isang taon na lang? at least sa loob ng isang maaalagaan kita, sa loob ng isang makakasama kita, sa loob ng isang tao ay magagawa natin ang lahat ng gusto natin, sa loob ng one year, ikaw at ako ang magkasama."

"Gab Mikhail, please lang! don't make things harder for me."

"I don't want to make things harder for you, I want to make it easier. Let me help you carry your burden."

Mahal nga ba talaga niya ako?

"Gab Mikhail, you don't need to do that."

"But I want to."

"You don't need to make a dying person your girlfriend if that's what you mean."

"Sinong may sabi sa'yong pagiging girlfriend ang pinag-uusapan natin ngayon?"

Napahiya ako dun ah!

"Marry me instead." 

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon