Day ten.
Sampung araw na ang nakalipas mula noong simulan ko ang aking countdown.
Babalik ako sa ospital pagkatapos ng klase. Nakakabaliw ang mga doktor na iyon. Mamatay na ako't lahat lahat pero kailangan ko pa ring magpabalik-balik sa ospital. Inuubos nila ang savings ko. Paano na lang kapag nakita ni Mommy na paubos na ang laman ng ATM ko? Siguradong lagot talaga ako sa kanya.
Pero as of now, I will handle things on my own. Ako ang kikilos para sa sarili ko. Hindi ko idadamay ang ibang tao sa pasaning dala-dala ko. Sa akin nangyari ito. Para sa akin lamang ito. Hindi pwedeng maapektuhan ang ibang tao lalo na ang mga mahal ko.
Nandito ako ngayon sa library. Boring sa classroom dahil walang professor, wala rin namang iniwan na activity. Iniwan ko muna doon ang mga kaibigan ko. Hindi ko kayang makipagsabayan sa mga kwentuhan at halakhakan nila dahil sa tuwing nakikita ko silang ganoon ay kumikirot ang puso ko.
Tinititigan ko ang piraso ng papel na nagsasabi ng kapalaran ko. Dahil sa isang pirasong papel na ito ay magbabago ang takbo ng buhay ko. Hindi ito nagmula sa kung sinong fortune teller. Hindi ito isang hinuha lamang. Siguradong mangyayari ito sa hinaharap.
Ang noo'y pinapangarap kong happy-ever-after ay mauuwi pala sa isang tragic ending.
Yes, It is true. Naisulat na ang aking kwento at may kasiguraduhan na kung paano ito magtatapos.
"I'm so damn young
Yet, I'm leaving too soon"
Iyon ang isinulat ko sa likod ng papel matapos ko iyong matanggap. Bakit? Bakit ako? Bakit ngayon? Bakit kailangang mangyari? Napakaraming tanong. Napakaraming 'bakit' na hindi ko mabigyan ng kasagutan.
Tinanong ko pa nga ang mga doktor noon kung ano ba ang dapat kong gawin pero sinagot lamang nila ako ng pinak-cliché na sagot sa balat ng lupa. Wala ba silang originality? Kung saan-saan ko na nabasa at napanood ang mga sinabi nila. Masyado ng gasgas ang linyang iyon.
Pero ang sakit pala! Ang sakit pala na sa iyo mismo sabihin ang bagay na iyon, ang sakit pala na malaman na iyon na lamang ang pwede mong gawin.
"What we can only do is hope for a miracle Miss De Vera."
Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng luha sa mga mata ko. Dumausdos ang mainit na tubig sa pisngi ko na para bang bukas na gripo ang aking mga mata.
Milagro. Uso pa ba iyon hanggang ngayon? Saan ko naman hahanapin ang milagro? Magkikita ba kami ni Miracle sa loob ng isang taon?
Ito na marahil ang pinaka-cliché pero ito pa rin ang pinaka-imposible.
"I'm so damn young
Yet, I have to say goodbye."
Truth is, I'm really going and there's no way stopping it. I'm leaving. I am going to say goodbye way too soon than I have imagined.
Tumayo na ako at isinipit sa pagitan ng pahina ng aking libro ang papel na iyon. Pilit kong pinusan ang pisngi kong basang-basa na at ang mata kong hilam na sa luha.
Nahihilo na ako. Nahihirapan na akong huminga, parang may pumipiga sa dibdib ko. Humakbang na ako palabas ng library at nakayuko habang tumatakbo. Patuloy ko pa ring pinupunasan ang pisngi ko pero sadya nga atang pasaway ang mga mata ko. Ayaw tumigil.
Patuloy ako sa pagtakbo. Wala na akong pakialam kung may nakakabungguan man ako ngayon. Hindi ko sila binibigyang pansin.
Nanatili akong nakayuko. Ayaw kong makita nila ang umaagos kong luha.
Hanggang sa...
"Aren't you looking on your way?"
Automatic na huminto ang mga paa ko noong marinig ko ang boses na iyon. Para akong nanigas at napako na lang sa kinatatayuan ko. Nahihirapan akong huminga perong damang-dama ko pa rin ang tila tambol na dumadagundong sa dibdib ko.
Unti-unti akong tumunghay at nakita ko ang abo at singkit niyang mata na nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyon noon, nanlalabo rin ang mga mata ko dahil sa walang tigil kong pag-iyak.
"I'm sorry, I wasn't looking." Halos nabubuhol kong sabi. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makita ang mukha niya. Masyadong blanko.
Unti-unti kong inihakbang ang aking mga paa kahit parang ang bigat-bigat nito. Hindi ko kayang manatili pa ng mas matagal sa harap niya lalo pa't hindi humihinto ang mata ko sa pagluha.
Pero hinawakan niya ang braso ko. Ramdam na ramdam ko ang malakuryenteng dumadaloy mula sa palad niya. Naglakbay ang bolta-boltahe ng enerhiya sa aking ugat diretso sa dibdib ko at mas lalong lumakas ang beat ng tambol.
Binigyan ko siya ng bitiwan-mo-ako look. Binitiwan niya ako pero nanatili lang kaming nakatayo sa loob ng ilang segundo, sa college lobby, sa harap ng maraming tao. Naririnig ko ang parang mga bubuyog na nagbubulungan pero hindi pumapasok sa isip ko ang mga sinasabi nila. Nanatiling nakatuon ang atensyon ko sa lalaki sa harap ko.
And it's killing me more, this humiliation that is.
Parang huminto ang oras sa paggalaw. Parang tumigil ang mundo sa pag-ikot. It's the most maudlin and clichéd way of describing it pero habang nakatayo lamang kami at nakaharap sa isa't isa ay parang naglaho na lang ang lahat gaya ng isang bula.
Patuloy pa rin ang malakas na pintig ng puso ko. Ang pagkalabog nito ang tanging naririnig ko sa kabila ng katotohan na maingay ang paligid.
Napansin ko ang kanyang pag-iling at pagbuntong hininga. Sa tingin ko ay aalis na siya na wala man lang sinabi kagaya ng dati, pero mali ako.
Imbes na umalis ay humakbang siya papalapit sa akin. Naglandas ang kanyang daliri sa magkabilang pisngi at ilalim ng mga mata ko. Hindi siya nagsalita. Patuloy lamang siya sa pagpupunas ng luha ko. Nagririgodon naman ang mga paru-paro sa tiyan ko na animo'y nakuryente, dala siguro ng boltahe mula sa mga daliri ni Gab.
"Gab." Wika ko nang muli kong mahanap ang boses ko. Tiningnan ko ang mukha niyang blanko ang ekspresyon. Ni hindi man lang nagbago noong banggitin ko ang pangalan niya.
"We have to talk, haven't we?"
Nagbubutterfly at backstrokes na ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko nang marinig ko ang pamilyar at baritone niyang boses. Tumango na lamang ako.
"A'ight." Inilayo niya ang kanyang mga daliring kanina lamang ay humahaplos sa pisngi ko. Nagluksa at nanahimik naman ang mga insekto sa sikmura ko. Ang bilis nilang mangulila!
Unti-unting humakbang ang mga paa ni Gab, nakasunod lang ako sa kanya. Pinagmasdan ko na lamang ang matipuno niyang likod na nasa harapan ko. Habang naglalakad ay kapansin-pansin ang mga matang nakatingin sa akin, sa amin ni Gab. Marahil ay naguguluhan sila kung bakit muli kaming magkasama.
Pumasok kami sa isang pamilyar na silid. Medyo matagal na rin mula noong huli akong nagawi dito. Wala pa ring halos ipinagbago. Iginala ko ang mga mata ko, walang ibang tao kundi kami lamang dalawa dito sa theater club room.
"Spill it."
Humugot ako ng malalim na buntong hininga saka ko siya tiningnan. Nagbabadya na naman ang pagtakas ng mga pasaway kong luha. Parang pinipisil ang dibdib ko. Sabi ko noon sa sarili ko, walang ibang makakaalam ng nangyayari sa akin.
Pero bakit pagdating kay Gab ay handa akong sumugal?
Muli akong huminga ng malalim. Taimtim lang na naghihintay si Gab sa sasabihin ko.
"I only have less than a year." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Tinalikuran ko na siya. Akala ko'y kaya ko na pero hindi pa rin pala. Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. Ayokong makita na naman niya akong umiiyak.
Tumakbo na ako palabas ng club room. Hindi ko na kayang alamin pa ang reaksyon ni Gab. Ang mahalaga ay nasabi ko na sa kanya. Siya na lamang ang bahalang umintindi.
BINABASA MO ANG
Just Believe- PUBLISHED under LIB-
EspiritualPublished! Now available in all Precious Pages Stores, National Book Stores, Pandayan Bookshops, Expressions nationwide. 119.75 php Grab your copy now! "Happy ending does exist. Hindi mo lang makita dahil ayaw mong tingnan. Hindi mga mata ang magt...