Kabanata Dalawampu't Siyam 2/2

2.7K 38 9
                                    

Nagising ako na puro puti ang paligid...

At may liwanag na nakatutok sa akin.

Nakasuot rin ako ng puti.

Lahat ng tao sa paligid nakaputi rin.

Where am i?

Have I already left?

Ang baby ko?

"Both the Mom and the baby are in danger." Narinig kong sabi ng isang lalaki na halata sa suot nya na isa syang doctor.

Bakit ako nasa hospital?

Ano bang nangyari?

Naalala ko na, nanghihina ako at bigla akong natumba. Napahawak ako sa tummy ko.

Baby, you're still there, right?

"The only choice that we have for now." Tiningnan nung doctor si Gab ng seryoso. Nasaan ba si Ninong Dane?

"As the husband and the father, I want you to know."

Ano ba?

Kinakabahan ako sa sasabihin ng doctor na ito.

"That the only thing left to do is to take the baby out."

What?

"That the only thing left to do is to take the baby out."

"That the only thing left to do is to take the baby out."

"That the only thing left to do is to take the baby out."

"That the only thing left to do is to take the baby out."

May inabot yung nurse na katabi ng doctor kay Gab na isang papel at ball pen.

Is Gab going to sign that stupid paper, that stupid consent to take my baby out?

Anak rin naman nya yun ah.

Anak namin.

And before Gab could sign that freaking consent I shouted.

"NOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!"

Lahat sila napatingin sa akin.

Sinubukan kong bumangon.

"Don't dare sign that consent!"

"But Misis, it's the only thing we could do." Sabi nung doctor.

"I don't give a damn kung yun na lang ang choice. Just don't sign that stupid consent. Ako pa rin ang ina, ako pa rin ang may karapatan. I want my baby to stay."

"but Forever Love."

"Don't call me forever love kung pipirmahan mo yang consent na yan."

Naiinis ako.

"Margue, listen." Pakiusap ni Gab.

"Napag usapan na natin to, I won't take that chance. Ayoko ng chemo therapy. Ayokong alisin ang baby ko. Ang baby natin, Gab anak natin."

Patuloy na namang bumabagsak ang luha sa aking mga mata.

Nilapitan ako ni Gab at niyakap ako ng mahigpit. Isinandal nya ang ulo ko sa kanyang dibdib.

"Mas gugustuhin ko pa na mamatay ngayon kaysa alisin ang batang ito. Sana man lang kahit hanggang sa mailuwal ko sya bigyan ma ako ng karapatan, na sana man lang kahit dalhin lang sya sa sinapupunan ko ay magampanan ko ang obligasyon ko sa kanya bilang ina, wag mo namang ipagkait sa akin yun. I have always wanted to be a mother, to have a family at alam mo yun Gab, alam mo yun."

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon