Kabanata Labing-lima
"Hello Margue." Naramdaman ko na lang ang kuryenteng dumapo sa noo ko. Hinalikan niya ako doon. Nakarating na pala siya sa tabi ko na hindi ko namamalayan. Kanina lamang ay kausap pa niya si Niah. Gaano ba ako katagal na nakatulala sa kawalan?
"Alam mo bang nakatulala ka na naman diyan?" Sambit ni Gab habang nakangiti ng malapad. Napakaganda talaga ng pagkakakurba ng kanyang labi kapag nakangiti. Parang tatalon ang puso ko sa tuwing ginagawa niya iyon. Nakakahawa. Wala na akong magagawa kundi ang ngumiti na lang din. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya.
"Tara." Naglandas ang kamay ni Gab mula sa braso ko patungo sa aking kamay. Pinagmasdan ko lang kung paano niya pinaghugpong ang aming mga daliri. Kung magmamaterialize siguro ang kuryente ay kanina pa nagsulputan ang mga sparks.
"Our fingers fit together." wika ni Gab.
Naglalakad kami papuntang food court na magkahawak-kamay. Naiilang ako. Ngayon lang kasi nangyari sa amin ito kaya tumahimik na lamang ako. Ang dami na ring matang nakatingin sa amin. Ayoko na. Gusto kong kaiinin na lang ako ng lupa ngayon.
"Margue, I love you." Bulong niya sa may tainga ko. Kailangan ba niyang gawin iyon? Palagi niyang sinasabi sa akin iyon pero ako ni isang beses ay hindi.
Hindi ako kinikilig. Hindi ako kinikilig. Hindi ako kinikilig.
Sige na nga. Kinikilig na.
"Yung text ko sa iyo kanina, tuloy iyon. You better get ready. May mga kasama nga pala ako at alam na rin ng parents mo."
"Ah, yun ba. Okay." Ang tipid ng sagot ko. Naiilang pa rin kasi ako habang kinikilig. Posible naman iyon di ba? Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Hay! Bakit ba masyadong mapagmatiyag ang mga tao? Bakit ang dami nilang napapansin?
"Sila na ba?"
"Ngayon ko lang ulit sila nakitang magkasama. Baka nga sila na."
"Nagpropose pa nga ng kasal si Khail kay Yvonne eh."
"So you mean engaged to be married na sila?"
"Siguro naman. Hindi naman sila maglalakad ng magkahoding hands kung walang something sa kanila."
"Awww... I wonder what happened to them pero kung ikakasal sila then I think that's fate."
Okay na!Pwede mo na akong kunin ngayon kaysa naman ganito araw-araw. Hindi ako sanay na pinag-uusapan ng ibang tao.
At last, narating na namin iyong lamesa. Madalas kami ni Gab dito noon. Dito rin kami nagkikita. Inilapag ko na ang mga gamit ko sa isang silya at umupo na rin.
"Bibili lang ako ng pagkain natin." Sabi ni Gab at umalis na siya.
Lunch time na kaya masyadong mahaba ang pila sa counter. Ever since I learned about my illness ay ngayon lang ulit ako ginanahang kumain. Para bang nagkaroon ako ng reason to stay pero kahit naman gusto kong magstay ay hindi na pwede.
Inilabas ko na ang netbook ko while waiting for Gab. I opened romantic_destiny's account para makapagsocial networking at super flooded ang notifications ko mula sa mga "fans" daw ni romantic_destiny a.k.a ME.
At kung bakit flooded? Maraming nagset ng mga lines mula sa mga stories ko as their status updates and to give credits daw ay nakatag sa akin yung mga wall posts.
"Bakit mo hahayaan ang sarili mo na sumuko na lang? Ganyan ka ba kaduwag? Hindi porket papalubog na ang araw ay katapusan na ng mundo dahil may darating na bukas para muling sikatan ng araw." Ms. RD (Romantic Destiny)
"Wag mong isiping naiwan ka na ng mundo dahil nandito lamang ako." Kurtney ~ Ms. RD (Romantic Destiny)
"Ever wonder why I love the rain? Dahil tuwing bumubuhos ang ulan, kasabay noon ang pagbulusok ng sakit at problema na dinadala ko at kasabay din noon ang pagpapakawala ko sa kanila. Sabi nga nila, "There's a rainbow always after the rain." Romantic Destiny
"Kung hindi mo kayang lumaban para sa sarili mo, lumaban ka para sa mga taong nagmamahal sa'yo. At ako naman ang lalaban para sa'yo." Rain (Forever Yours/ Loving You Eternally)
IamYourNumberOneFan tagged you in a post.
"Just Believe."
Sino naman kaya iyon? Bahala na nga lang.
Is it just me or pinatatamaan talaga ako ng mga lines na yan na ginawa nilang status?
Nagtype na lang ako ng status update. "I'll never make the same mistakes again."
Nagpakawala ako ng buntong hininga matapos kong ipost iyon. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko si Gab na papalapit with his sunny smile, the smile that makes my heart skip a beat. I immediately shut my netbook down at ibinalik sa bag ko.
Inilapag na niya ang mga pagkain sa mesa saka siya umupo sa tapat ko. Hindi ko maalis ang pagtitig ko sa mukha niya. Nahulog na ako sa kanya at hindi na ako makaka-ahon pa.
Inabot niya sa akin ang pagkain ko raw. Seriously? balak ba niya talaga akong pakainin sa lagay na ito? Isang rice at isang lutong gulay na di ko alam ang tawag sa putahe basta meron itong kalabasa, sitaw at kung anu-anong dahon, meron ding green apple at mineral water.
Tumayo na ako, wala na akong ganang kumain. Aalis na lang ako, alam naman niyang hindi ako kumakain ng gulay samantalang siya , beef steak, fruit salad at soda. E'di siya na nga ang nang-iinggit.
Napatingin naman sa akin si Gab noong tumayo ako at agad niyang hinawakan ang kamay ko.
"Saan ka pupunta?"
"Aalis na ako, tinatamad na akong kumain." Tiningnan naman niya ako ng di-ka-makaka-alis-look at sinabing "upo". Nakaka-intimidate ang tingin niya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod. "Ang sabi ng doctor saka ng nurse ay iyan daw ang mga dapat mong kainin. Bawal ang junk foods, acidic at oily foods lalo na ang carbonated drinks."
Saklap! Wala akong nagawa kundi kainin itong binili ni Gab. It's not that bad anyway pero gusto ko talaga nung steak. Beef steak yun eh. Favorite ko.
"Margue." Napatingin naman ako sa kanya. "Say ah." Bigla naman akong sinubuan ng beef steak. Akala ko ba bawal?
"Baka kasi maghimutok ka, alam ko naman na favorite mo 'yan. Tsk. Bakit kasi hindi kita matiis? Pero isang subo lang yan. Hindi na mauulit. Drink more water na lang." sabi niya at nagpatuloy na sa pagkain.
Drink more water na nga lang daw. Ay oo nga pala, wala nga palang lasa yung inumin ko.
"Kahit ba fruit juice bawal."
"Pwede naman kaso walang fresh fruit juice dito puro instant. Hindi naman yun katiwa-tiwala. Punta na lang tayo sa mall mamaya bago umuwi kung gusto mo talaga nun."
"Wag na lang." sagot ko at nagpatuloy na kami sa pagkain.
Hindi ako kinikilig. Sige na. Oo na. Kinikilig na.
Kung ganyan siya ng ganyan ay baka lalo ko siyang mahalin. Ready na ba ako? Mahal ko siya eh.
Pero ayokong maging dahilan ng paghihirap niya. Ayokong maging selfish. Ayokong kaligayahan ko lang ang isipin ko.
Pero siya talaga ang mahal ko. Siya yung nandito para sa akin. Siya yung nagsabi na sasamahan niya ako.
Selfish ba kung hahayaan ko siyang alagaan ako? Kadayaan ba kung hahayaan ko siya na dalhin ang burdens ko? Kahit ilang beses kong sabihin na ako na lang ang magdadala ng lahat ng ito ay nagpupumilit siya. Gusto ng sumigaw ng puso ko na 'I love You Gab Mikhail Rodriguez Evangelio'
Sabagay, hindi naman niya alam iyong kondisyon ko sa sarili ko na sasabihin ko lang ang magic three words sa lalaking pakakasalan ko, at gusto kong siya iyon.
"Gab." Tapos na pala siyang kumain. "I-I-I-"
BINABASA MO ANG
Just Believe- PUBLISHED under LIB-
EspiritualPublished! Now available in all Precious Pages Stores, National Book Stores, Pandayan Bookshops, Expressions nationwide. 119.75 php Grab your copy now! "Happy ending does exist. Hindi mo lang makita dahil ayaw mong tingnan. Hindi mga mata ang magt...
