Kabanata Dalawampu't Tatlo 2/2

2.8K 34 5
                                    

Mikhail?

Gab Mikhail?

Magkakilala sila?

"Vin. What a pleasant surprise" sabi nung nasa likod ko pero bakit parang di naman pleasant ang tono nya?

Hawak pa rin ni Super Love ang kamay ko and pagtingin ko kay Gab ang sama ng tingin sa kamay namin kaya agad kong kinalas.

Isinabit ko ang braso ko sa braso ni Gab and I smiled at him sweetly pero blanko pa rin ang mukha nya.

Kakausapin ko sana sya kaso kinuha nung present director ang attention naming mga critics.

Ako, si Gab at si Super Love Vin Alden Acosta.

Si Vin Alden Acosta a.k.a my Super Love ay dati ding member ng theater group na ito, freshman pa lang ako noon samantalang sya ay Sophomore. Kaya nga lang, pumunta sya sa France para dun mag-aral. Si Gab nung mga panahong yun ay di pa estudyante dito dahil transferee sila ni Terry.

Lumapit sa amin yung bagong director. Di ko sya kilala. Simula kasi nung nag quit ako, din a ako nakakapunta dito.

"Miss Yvonne, Mr. Khail, Mr. Vin, it's good to see all of you here." Bati nya.  Nginitian namin sya ni Vin samantalang si Gab NR lang, as in no response.

Umupo kami sa unahan, yung malapit sa stage, yung parang sa jury, napapagitnaan nila ako.

Nakapagtataka, hindi man lang hinahawakan ni Gab ang kamay ko. Ito namang si Vin, panay lang ang pangungulit sa akin.

"Baby Love," napatingin ako sa kanya. May idinrowing sya sa papel na dapat sana e lalagyan namin ng comments, nagdrawing sya ng human stick na magkahawak kamay na babae at lalaki, may nakasulat, super love and baby love.

Lagi naman nya yung ginagawa. Sabi nya dati bawal daw akong magboyfriend kasi dapat daw sya ang boyfriend ko, para namang possible yun. Napangiti na lang ako nung maalala ko yun, mga bata pa kami noon.

I heard Gab clear his throat. Napatingin ako sa kanya at blanko pa rin ang mukha nya. Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay nya pero di pa rin nagbago ang expression ng mukha nya.

Maya-maya pa'y nagbukas na ang kurtina at lumabas yung dalawang estudyante na kanina ay nagtatalo.

Biglang nalipat ang focus ko sa stage dahil sa unang linyang nabanggit nung nasa stage.

"Kung talagang Masaya ka, it should be endless, ang happiness wala namang hangganan dapat yun kaya wag mong limitahan ang sarili mo," sabi nung lalaki habang naglalakad papunta sa babae na nakatalikod sa kanya. Ipinatong nya ang kamay nya sa balikat ng babae na syang dahilan upang mapaharap ito.

"Paano ako magiging masaya kung mas malinaw pa sa sikat ng araw ang trahedyang naghihintay sa akin." Sabi nung babae habang umaagos ang luha mula sa kanyang mga mata.

Di ko alam pero parang nabalik ako sa nakaraan, nawala na lang ang lahat sa paligid ko, ang tanging nakikita ko na lang ay ang sarili ko doon mismo sa stage na yun, ang stage kung saan naniwala ako na may happy ending.

"Ano bang mas magandang ipresent?"         tanong ng isang member ng group.

"Tragedy." Sabi ko.

"Ano namang maganda sa tragedy?" biglang may nagsalita mula sa likuran ko.







Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon