Kabanata Tatlumpu

2.9K 42 9
                                        

Chapter 30

Broken Vow

"Loko ka lang pare, di ba sabi ko sayo, ingatan mo ang baby love ko, kapag may nangyaring masama sa kanya, titirisin kita na parang kuto." Sabi ni Vin habang inaambahan ng suntok si Gab pero napigilan ko.

"Super love wag na, okay lang ako."

Nandito pa rin ako sa hospital, agad na sumugod si Vin nung nalaman nyang dinala ako dito. Pagkapasok pa lang nya sa pinto si Gab agad ang napag-initan nya.

Simula nung dumating sya galing France lagi nya akong kinakamusta. Minsan bumibisita sya sa bahay, madalas nya akong tinatawagan.

"Gab lumabas ka muna. Ayaw kitang Makita."

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na muntik na nyang napirmahan yung consent na yun. Muntik nya ng pinatay ang baby ko.

Agad din namang lumabas si Gab. umupo si Vin sa silya sa side ng bed.

As if on cue, tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na muntikan na nyang napirmahan yung consent para tanggalin yung baby."

Tumayo si Vin at umupo sa tabi ko. Niyakap nya ako, yung ulo ko nakasandal sa dibdib nya.

"Ang sakit... ang sakit sakit lang superlove."

"Sheessh. Tahan na." sabi nya habang hinahagod ang likod ko. "Ginawa lang yun ng asawa mo kasi yun ang alam nyang makakabuti. Mahal ka ng asawa mo at ayaw nyang mawala ka."

"Alam ko naman yun eh, pero sana naman gawin na lang nya yung kahilingan ko, kung tatanggalin man ang baby ko ngayon, hindi na mababago ang katotohanan na mamamatay ako."

"Tahan na baby love... tahan na. itulog mo na lang yan, magpahinga ka na. babantayan na lang kita. I love you babylove ko." Tapos hinalikan nya ako sa forehead.

Muli akong nahiga sa kama. Sinusubukan kong matulog pero di ko magawa.

Si Vin pa rin ang nakabantay sa akin, kada papasok si Gab, pinapalayas ko sya. Ayoko syang Makita.

Mayamaya pa'y dumating sina Mommy at Daddy.

"Kamusta na si Yvonne?" tanong ni Daddy kay Vin.

"Okay na po sya Uncle, pero under observation pa rin." Sagot ni Vin.

"Tumawag si Khail sa amin at sinabi ang nangyari, thank God at okay ka na," sabi naman ni Mommy. lumapit sya sa akin and she kissed my forehead. Ganun din ang ginawa ni Daddy.

"Ikaw talaga princess ang tigas ng ulo mo." Sabi ni Daddy.

"Dad naman eh."

"Vin, salamat nga pala." Sabi ulit ni Dad.

"wala po yun Uncle, dib a baby love?" and he winked at me.

"Vin gabing gabi na, alam kong kanina ka pa dito, magpahinga ka muna. Kami na lang ang bahala kay Yvonne." Sabi naman ni Mommy.

"Okay lang po ako Auntie pero sige po, moment nyo yan eh, babalik na lang po ako. Kapag may kailangan po kayo, tawagan nyo lang ako."

Lumapit sa akin si Vin and he kissed my forehead. "Pagaling ka babylove."

Pag kalabas ni Vin muling pumasok si Gab.

"Anong ginagawa mo dito? Di ba ang sabi ko, ayokong Makita ka. Alin ba sa salitang ayokong Makita ka ang hindi mo maintindihan?" wala akong paki-alam kahit nandito ang parents ko.

Basta ayokong Makita sya.

Ayokong Makita ang dahilan kung bakit muntikan ng nawala ang baby ko.

At bukod dun dapat masanay na sya, masanay na wala ako sa paningin nya.

Hindi ibig sabihin na galit ako ay nawala na agad ang pagmamahal ko, mahal na mahal ko pa rin sya.

At nasasaktan ako sa tuwing nakikita syang nasasaktan,

Sa tuwing umaasa sya sa wala.

Umaasa sya sa bagay na impossible.

"Pero Margue."

"Lumabas ka sabi eh, ano ba?"

"Babe calm down." Sabi ni Mommy.

"Son, sige na. lumabas ka muna. Pakalmahin muna natin ang situation. Umuwi ka na muna at magpahinga. Alam kong pagod ka na rin." Sabi ni Daddy in a very calm tone.

"Okay lang po ako Dad."

"Khail, hijo. Gawin mo muna ang sabi ni Daddy. Magpahinga ka muna." Sabi naman ni Mommy.

As if on cue, lumabas na mula sa room ko ang asawa ko.

"Babe, I know that you don't like what you are doing?" sabi ni Mommy.

"Huh?"

"Don't play stupid anak, alam namin na ayaw mo ng ginagawa mo, ayaw mong itaboy ang asawa mo hindi ba?" singit naman ni Dad. Si Mom nakaupo sa tabi ko, si Dad naman sa couch.

"Anak, mahal na mahal ka ng asawa mo." Dagdag ni Dad.

"At mahal na mahal mo rin sya."

Tumango ako.

"Hindi mo sya kailangang awayin at ipagtabuyan." Sabi naman ni Mommy.

"Pero Mom, kailangan eh."

"Anak, pumayag kami na magpakasal kayo sa kabila ng sakit mo dahil alam namin na yun ang magpapasaya sayo." Sabi ni Daddy. "Anak, gawin mo na lang ang magpapasaya sayo. Huwag mong saktan si Khail, dahil alam kong nasasaktan ka sa tuwing itinataboy mo sya. Anak lumaban ka. Please anak, mabuhay ka. Paano kami lalaban kung ikaw mismo sumusuko na. anak, lumaban ka naman, kahit hindi na para sa amin ng mommy mo, kahit man lang para sa asawa at anak mo."

"You made a vow, don't you? Do what you said on your wedding vows."

Ginagawa ko naman ah, mamahalin ko sya hanggang sa kabilang buhay.

After two weeks nakalabas na rin ako mula sa hospital, ligtas na ang baby ko. And as for me, heto, tuloy tuloy pa rin ang countdown.

Madalas akong dalawin ng mga bffs ko, pati na rin ang sisters-in-law ko.

Si Gab, hindi ko sya pinapapasok ng room ko, pero alam ko na pag tulog ako sya ang nakabantay sa akin, minsan kasi sa madaling araw nagigising ako na naka-ub-ob sya sa side ng bed.

At hanggang ngayon di ko pa rin pinapansin.

Ayoko syang harapin.

Kahit papaano ay nahihiya na ako sa kanya.

Na sa kabila ng lahat ng sakripisyo nya para sa akin ay nagawa ko pa rin syang ipagtabuyan.

At syempre di ko pa rin nakakalimutan yung ginawa nya.

Tinawagan ko si Kuya Vin para sunduin ako sa bahay, wala kasi si Gab ngayon, nasa school, nagaayos ng requirements nya.

After kong mag-ayos ng gamit ko kahit sobrang nanghihina na ako ay lumabas na ako ng kwarto ko.

"Sigurado ka ba?" tanong ni Vin.

Tumango na lang ako.

"Don't tell anyone please."

He nodded.

"Pero ang parents mo?"

"Don't worry about them, I'll tell them I'm okay."

Binuhat nya ang gamit ko at naglakad papunta sa kotse.

Muli kong nilingon ang bahay namin ni Gab.

I pledge to cherish every moment that we will share, to comfort you even at times that I myself feel pain, to make you smile and not make you regret staying by my side.

I love you

But I have to leave

I vow to love you

I vow to stay beside you

But now I couldn't stay

And now the only thing I could leave to you

Is a broken vow.

I'm sorry Gab.

I can't make you smile.

I can't comfort you.

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon