Kabanata Labing-anim 1/2

3.4K 54 5
                                        

Chapter  16

Boy, I Love You So

Naglalakad kami pabalik nila Geriel at Amy sa classroom namin. Sina Lena at Riz, pupunta daw sila sa Grand Hall kasi may event daw dun.

"Beh, pabasa naman ng tula mo para mamaya." Sabi ni Amy habang inaagaw yung folder na hawak ko.

"Ayoko nga, wala namang kwenta yung sinulat ko, ni hindi ko nga napaghandaan." -____-

 "Ready ka na para sa presentation natin?" tanong ni Geriel habang nagbabasa ng story sa phone nya. 

"Ready? Saang banda? Ni hindi ko nga alam na ngayon pala yung presentation. Hindi man lang ako nakapag-practice. Sabaw nga lang yung nasulat ko kanina." Sagot ko.

"Oh, ayan na pala yung tatlong baliw." Narinig kong sabi ni Rach habang may hinahanap sa folder nya.

 Errr. Manonood si Gab mamaya. Pano na to?

 Nilapitan ako ni Castiel at kinuha yung mga gamit ko. "Ako na magdadala."

Eh?

"Naku wag na. kakahiya naman sa'yo."

"No worries Yvonne, napag-utusan lang din naman ako. Pag di ko sinunod I better go to other planet."

Ano daw?

"Sino nag-utos?"

Nakakacurious kaya.

"Basta." at nagpatuloy na sya sa paglalakad.

Impossible namang si Gab kasi parang di sila magkasundo.

Sino?

Think.

Think.

Think.

Si Castiel, kahit Accountancy student. Ang passion pa rin nya ay photography. As in malakas ang ka-adikan nya sa line na yun. Minsan ko ng hiniram yung camera nya at napakaraming pictures, nagulat pa nga ako sa nakita ko di ko akalain na ......

"ATE YVIE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" narinig kong sigaw ni Niah habang tumatakbo sya papalapit sa amin.

"Onni-sama!" bati nya kay Castiel.  Magkasama sila sa Visual Arts Society. Fine Arts ang kurso ni Niah.

"Bakit ka tumatakbo?" tanong ko.

"Manonood ako ng play nyo." Sagot nya at humarap sya kay Castiel. "Onni-sama! Pahiram ng camera mo, magpipicture ako sa play nyo."

Binuksan ni Cas yung bag nya at kinuha yung camera nya.

"Bakit ito? Bakit hindi yung isa?"

"Naiwan ko eh."

"Sige na nga."

"Ate Yvie, pipicturan kita ha."

"Ha! Naku wag na, baka masira  pa yang cam na yan." Biro ko.

Napalingon ako sa classroom namin. "Bakit wala pang design, malapit na ang play ah."

"Sa Grand Hall tayo." Sagot ni Rach. "Tara na, malapit ng magsimula, naghihintay na yung iba dun."

 Seriously? Eh ang laki ng Grand Hall tapos super sabaw ang poetry ko.

Bahala na si Batman, isama pa nya ang buong Justice League.

Kailangan ko talaga ng good luck. Matagal na rin akong hindi nagpeperform and worse, di ako nagpractice.

Dumiretso na kami sa Grand Hall. Wow lang ha, ang daming tao. Kanina ko nga lang naalala na may activity sa Lit kasi masyadong pre-occupied ang utak ko.

"Onni-sama, Gambattane!!!" at nagtatakbo na si Niah papunta sa audience area. "Ate Yvie, good luck."

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon