Kabanata Labing-Tatlo

3.7K 70 10
                                    

"Good evening Ma'am I'm Gab Evangelio, may I have a word with you?"

Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko si Gab. Ano namang sasabihin niya sa Mommy ko?

"Gab, uwi na, gabi na." sabi ko sa kanya. Eh, naman kasi!

"Margue, let me handle this okay. Pasok na sa loob, malamig na. magpahinga ka na."

"Pero..." he pinched my cheeks.

"Wag nang makulit, okay."

Lumingon ako kay Mommy. Mukhang gulong gulo siya.

"Hon, what took you so long, andiyan na ba si Yvonne?" narinig kong tawag ng daddy ko. Andoon na siya sa may front steps habang kami ay nasa may gate.

"May bisita pala tayo." Naglakad si Daddy papalapit sa amin.

"Good evening sir, I am Gab Evengelio." Inilahad niya iyong kamay niya at nagshake hands sila. Humarap si Gab kay Mommy, "So Ma'am, pwede na po ba tayong mag-usap?" he asked casually.

"Babe, pasok sa loob." Si Mommy naman pinapasok pa ako! May ibinulong siya kay Dad at nagnod na lang si Dad. "Doon tayo sa study room mag-uusap at kasama natin ang asawa ko."

"That's better po." Tugon ni Gab.

"Margue." Halata namang nagulat ang parents ko sa pagtawag sa akin ni Gab, wala kasing tumatawag sa akin na Margue or Marguerite.

"Don't worry and don't forget what Dela Vega said. Sleep na, it's been a long day." Dela Vega talaga, walang Doc sa unahan, pero mabuti na rin yun.

Naglakad na kaming lahat papasok sa loob. Nauna ang parents kong maglakad. Nasa likod kami ni Gab pero pansin kong sumusulyap sa amin si Daddy.

"Ano bang plano mo?" bulong ko.

"Basta, magtiwala ka na lang." Hinawakan nya iyong kamay ko at napahinto kami sa paglalakad. "Mahal kita at di kita pababayaan."

Mahal din kita pero di kita pahihirapan.

Bumitaw na ako at naglakad na kaming muli.

"Pasok na sa kwarto mo." Sabi ni Mommy.

Buti na lang nagdinner kami bago umuwi kundi gutom ang aabutin ko nito. Umakyat na ako sa second floor. Andoon din yung study room ni Daddy. Nakita ko silang pumasok, three rooms away iyon mula sa sarili kong kwarto. Pagkapasok nila ay kaagad sumara iyong pinto.

Ano ba kasing naiisip ni Gab? Don't tell me he'll ask for my hand in marriage. No! Hindi pwede.

Hindi na ako pumasok sa room ko. Nandito ako ngayon sa tapat ng study room ni Daddy. Bakit ba kasi sound proof ito? Gusto kong malaman ang pinag-uusapan nila. Kanina pa ako palakad-lakad. Kinakabahan ako. Baka kung anong gawin at sabihin ni Gab sa mga magulang ko, baka madisappoint sila kaagad sa kanya.

Matapos ang apatnapu't limang minuto ay lumabas na sila. Nagkunwari akong napadaan lang at may kinuha sa library. Pero obviously, hindi iyon kapani-paniwala.

Nakita ko ang mukha nila Mom and Dad. They looked in pain. Parang tinusok ng karayom ang puso ko ng makita ko ang sakit sa mga mukha nila. Namumugto rin ang mga mata ni Mommy.

Gab I'm gonna kill you now!

Lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako ng mahigpit. "I love you babe, kung ano man ang desisyon namin, alam kong iyon ang tama. Gusto kong maging masaya ka kasi iyon ang magpapasaya sa amin."

Hindi ko na mapigilan ang luha sa mga mata ko. Kusa na silang tumulo. Wala na ba akong gagawin sa araw na ito kundi ang umiyak?

"I love you Mom, Dad, sorry po."

Binalot kami ng katahimikan, tanging mga hikbi ko lang ang naririnig ko. Mahigpit pa ring nakayakap sa akin si Mommy samantalang may pinag-uusapan sila Daddy at Gab na sila lang ang nakakarinig.

Huminga ako ng malalim bago magsalita. Siguro alam na nila ang sitwasyon ko pero hindi dahil doon ay ipapakita ko ng mahina ako. Dapat humarap ako sa kanila na mukhang malakas. Nadudurog na ako sa loob, hindi ko hahayaan na pati sa labas ay ganoon din.

"I'm okay Mommy. I know I'll be okay. Tara na po."

 Inihatid namin si Gab sa front door pagkatapos noon.

"Everything will be alright, I promised." At hinalikan ako ni Gab sa noo, sa harap pa mismo ng mga magulang ko. Heto na naman ang kuryente.

 "Handa ka na bang maging prinsesa ko? Let's have a happily-ever-after." Bulong niya sa akin.

Anong isasagot ko? Umiling na lang ako sa kawalan ng matinong sasabihin.

"Umuwi ka na nga lang, gabi na." Ipinahatid na siya ni Daddy sa driver namin.

 "Babe, tulog na." sabi ni Daddy at nagpunta na ako sa room ko.

Nakasilip ako sa may pinto at nakita ko si Mommy na nakayakap kay Daddy at pareho silang umiiyak.

Kaya ba ayokong malaman nila kasi ayokong makita silang nasasaktan.

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon