Kabanata Labing-anim 2/2

3.3K 59 16
                                    

Ako lang naman ang dakilang back-up singer sa play na ito yung tipong kakanta pag naka-freeze yung mga characters. Ang daya ko nga daw kasi hindi ako umacting kaya yun ako ang pinagawa ng tula para sa ending ng presentation.

Nagmadali na kaming nagbihis ng costume. Yung suot ko, isang simpleng evening gown na kulay black and white, isa lang ang strap, yung parang sa greek goddess.

On the spot ang pagpeperform ko. Tsk.

Nakita ko naman si Gab na naka-upo sa may front seat katabi ang mga members ng The Actor's Repertoire. Waaah. Infairness na miss ko sila at may mga bagong members na di ko kilala.

"Siya ba yung dating director?"

"Aacting ba sya ngayon?"

"Wow, gusto kong makita, idol daw kasi sya ni direk."

"Balita ko ang galing galing daw nyang umacting pati magsulat."

Lagot ako nito. Ni hindi ako naghanda para dito, nagulat na lang ako na may dress na provided for me.

Nilapitan ako ni Geriel at seryoso ang mukha nya. "Wag kang magagalit ha, ako ang gumawa ng script ng play natin eh."

"Bakit naman ako magagalit?"

"Kasi, isa sa mga stories mo ang ipepresent ngayon, gusto daw nila ng story ni Romantic_Destiny."

WHAT??? Nanlaki na lang ang mga mata ko.

Bakit ba hindi ko man lang pinagkaabalahang tingnan yung script?

Pati nga ata title di ko pinansin.

Okay. Ako na ang nagulat pero may magagawa pa ba ako, andito na din naman to.

"Okay lang beh. Sige na. start na tayo." At pumunta na ako sa stage kasi dakilang emcee din daw ako.

"Good Afternoon Ladies and Gentlemen, I am Yvonne Marguerite De Vera of BSA Block 3-A and we are going to present to you a different kind of story. This story is not known neither it has been told in history but this story as told by my classmates catches the heart of many in its own little way. So I proudly present to you The BSA Block 3-A Play Presentation."

Nagbukas na ang kurtina at nagsimula na ang kwento.

At dahil wala naman ako sa eksena at susulpot lang ako pag kailangan ko ng kumanta ay lumabas muna ako  sa back stage at nagpunta sa may audience area para manood. Bakante naman yung upuan sa tabi ni Gab kaya tumabi ako dun.

Narinig ko naman ang usapan ng mga nanonood.

"Loving You Eternally? Yan ba yung kay Romantic Destiny? Di ba tragic yun, namatay yung babaeng bida."

"Oo yan nga yon pero happy ending naman di ba kasi magkasama naman sila sa huli."

"Iyak nga ako ng iyak nung binasa ko yun eh."

"Kakaiba yung ending, kakaibang happy ending ang ginawa ng writer, nakakakilabot."

"Astig nga eh. Iba yung interpretation ng happy ending sa story na to."

Di ko alam na tumutulo na yung luha sa mga mata ko. Pwede naman din na maging happy ending kami ni Gab di ba? Pwede naman na magkasama kami sa kabilang buhay.

"Umiiyak ka?" tanong ni Gab at pinunasan nya na yung luha ko.

"Alam mo bang sobra tayong nakakarelate sa story na yan?" muli nyang sabi.

"Nabasa ko kasi yan sa online reading site. Wala ka pa ring kakupas-kupas magpasabog sa stories mo."

"Alam mo?" tanong ko. Weeeee.. alam nya na ako yun?

Nag-nod lang sya. Tumayo na ako kasi malapit na akong kumanta.

"Break-a-leg" sabi nya.

"Makinig ka, para sayo yun." Sabi ko. Ngumiti naman sya.

Crap, nasabi ko ba talaga yun. Nasabi ko ba talaga na para sa kanya yun. Kung di ko madaan sa diretsuhan, idadaan ko na lang sa kanta.

Umakyat na ako sa stage. Kinakabahan ako.

Bahala na ang Justice League.

Tumingin ako sa audience. At tumingin din ako kay Gab. He gave me an encouraging smile.

*insert I love You So Here.*

Matapos akong kumanta umalis na ako sa stage.

Parang tumigil ang mundo ko nung nandun ako sa stage. Si Gab ay taimtim na nakikinig sa akin. (taimtim, what a word) he is staring at me with so much love and passion in his eyes.

Kung nakakatunaw lang ang titig ng isang tao malamang nagmelt na ako doon kanina pa.

Papalapit na ng papalapit ang ending.

Nakita ko naman mula sa back stage ang mukha ng audience.

Waaahhh.. nag-iiyakan ba sila?

Eh? Hindi naman gaanong kaganda yung story na yun. 

At sa wakas, natapos na ang play but the presentation doesn't end there. Nagsilayasan na papuntang backstage ang mga characters at ako naman pumunta na dun para sa finale kuno na pakana nila Rach.

"Little did I know that my life would change,

When you and I crossed each other's way

It was so sudden yet it felt magical

And I said to myself it was enchanting to meet you.

 

Little did I know that my heart would skip a beat,

Everytime you sit next to me

It was so strange, the feeling that is

And I said to myself maybe you're the one.

 

Little did I know that my voice would like to shout,

The words that I kept hidden at the back of my mind

It was so tempting to tell you how I feel

And I said to myself I'm scared, I couldn't.

 

Little did I know that my mind would dream of you,

At each passing hour, at each passing day

It was so wonderful, the feeling that is

And I said to myself, Boy I love you so."

Matapos kong basahin ang tula na yan na sinamahan pa ng instrumental version ng I love you so as background music , I looked at Gab na nakatingin pa rin sa akin with so much love and I mouthed the words. "I love you so, I really do. Forever Love"


Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon