Natulala na lamang ako nang biglang bumagsak ang hardbound notebook ko. Sumakto pa talaga sa pahina kung saan ko sinulat ang tulang 'The Character' dalawang taon na ang nakakaraan.
Gaano ba ako katagal na nakatulala sa kawalan?
Isang minuto? Dalawa? Tatlo? It feels like forever.
Ewan ko. Hindi ko rin alam.
Nakabalik lamang ako sa realidad noong maramdaman kong may tumama sa akin. Noong tingnan ko kung ano iyon ay bumagsak sa lap ko ang isang stressball. Ang bola na madalas naming gamitin sa klase. Patay kang bata ka! Lagot ako sa lagay na ito, hindi pa naman ako nakikinig sa discussion. Hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi ng propesor dahil ang isipan ko ay naglalakbay sa kawalan.
"Miss De Vera."
"Yes Ma'am?" Patanong na sagot ko sa kanya. Umiling-iling lamang siya. Siguro ay napansin niya na I'm spacing out. Oh My Heavens! I'm dead!
'Ha-ha-ha! Pinapatawa mo ba ang sarili mo Yvonne? You're not yet dead. Will be dead soon pa lamang ang status mo!' Somebody at the back of my head nagged me. Hindi ko na lamang pinansin bagkus ay tiningnan ko na lang ang propesor sa unahan. Bahagyang nilingon ni Prof. Corales ang white board na nasa may gilid niya. Nakasulat doon ang ilang mga terms na may kinalaman sa discussion. Tumango lamang siya na para bang pinapahiwatig na simulan ko na ang pagsagot kahit wala naman talagang tanong. Siguro ang ibig niyang sabihin ay kailangan kong ipaliwanag ang kung anuman na nakasulat doon.
Tumayo ako. Huminga ako ng malalim bago ko muling binasa ang nakalagay sa board. Nagsimula na akong magpaliwanag. Sa totoo lang, wala rin akong naiintindihan sa mga pinagsasabi ko. Tahimik lang na nakikinig ang mga kaklase ko, malamang ay inaabangan nila na magkamali ako.
"Correct. Have a seat."
Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lamang at tama ang sinagot ko. Nakatsamba lang siguro ako. Umupo na rin ako pagkatapos noon. Kinalabit naman ako ng kaibigan kong si Amy na seatmate ko rin.
"Anong nangyari Bee? May problema ka ba?" bulong niya pero sapat na para marinig ko. Napansin ko rin ang pagdako ng kanyang paningin sa nakabukas na notebook sa sahig.
"Tsk. Tsk. Kaya pala." Umiiling pa niyang sabi na tila ba nauunawaan kung bakit. Sabagay, matagal na kaming magkakilala, siguradong alam na niya ang dahilan.
Tumango na lamang ako sa ko pinulot ang notebook. Nakinig na lamang ako sa klase, so far maayos naman ito na natapos.
***
Naglalakad ako pababa sa hagdan noong may mahagip ang mga mata ko na isang pamilyar na mukha na pumasok sa loob ng library. Hindi ko alam kung napansin din niya ako o hindi. Ginawa ko na lamang ang una kong naisip, dineadma ko siya. Ganoon naman palagi, nanatili na lamang kaming estranghero sa isa't isa.
Hawak-hawak ko ngayon ang stress ball ni Prof Corales. Matapos ang klase ay hiniram ko muna ito sa kanya, naisip ko lang na kailangan ko ito ngayon. Overstressed na ako. Nakakastress na masyado ang mga nangyayari. Napakarami kong tanong na hindi masagot-masagot. Masakit na sa utak!
Pinagpatuloy ko na lamang ang pagbaba sa hagdan patungong ground floor. Habang bumababa ako ay isa lamang ang sumasagi sa isip ko... ang mukha niya, ang ekspresyon nito. Blank and cold. Cold like a lifeless night.
Naiiling na lamang ako sa naiisip ko, sa mga naaalala ko. Buo pa rin sa memorya ko ang mga ngiti niya. At ngayon, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kausapin. Dapat pa ba niyang malaman? Wala na akong sapat na oras, I am really running out of time. But time is not the only contender in this race.
Napapikit ako ng mariin at mahigipit na hinawakan ang stress ball. Mabuti na lamang at hindi pa ito nasisira. Bakit ba ganito ang araw na ito? Sobrang nakakastress!
BINABASA MO ANG
Just Believe- PUBLISHED under LIB-
EspiritualPublished! Now available in all Precious Pages Stores, National Book Stores, Pandayan Bookshops, Expressions nationwide. 119.75 php Grab your copy now! "Happy ending does exist. Hindi mo lang makita dahil ayaw mong tingnan. Hindi mga mata ang magt...
