Chapter 24
Like Attracts Like
"Ano namang maganda sa tragedy?" biglang may nagsalita mula sa likuran ko.
"Exciting yung kwento kapag tragedy tsaka hindi naman tunay ang happy ending, wala yung idudulot kundi false hopes." Sabi ko.
"Ganyan ba ang pananaw mo?" nilingon ko ang lalaking kumakausap sa akin. Si Gab Mikhail, si Gab Mikhail Evangelio, ang lalaking noon ay sa malayo ko lang nakikita. The person who was found intimidating by many because of his enigmatic features, often called as Mr. M short for Mr. Mysterious.
Pero ngayon kinakausap nya ako, it's been three days since we met, since the day na nagkasalubong kami sa daan papuntang university.
I didn't know what gave me the guts to talk to him.
Maybe it's because we belong to the same organization and since that very day, on the fifteenth of September at exactly 2:30 in the afternoon I met the man I would call twin-flame.
Napakabilis ng mga pangyayari, we became friends in an instant.
"Alam mo Margue." Tumabi sya sa akin. He's the only person in the entire universe na tumatawag sa akin sa ganoong pangalan.
"Totoo naman na exciting ang mga tragic stories, pero in reality hindi di ba? And yeah, happy endings only give us false hopes. Iyon ang paniniwala ko noon pero ngayon hindi na." tumingin sya sa akin, sa mga mata ko. Nakikita ko ang repleksyon ko roon. Parang tumatagos hanggang kaluluwa ko ang mga titig niya. "Happy endings do exist. Minsan hindi natin makita dahil ayaw nating tingnan, happy endings exist...."
"If you just believe." Bigla ko na lang nasabi. Nginitian naman niya ako. Minsan lamang siya ngumiti kapag may ibang taong nakapaligid sa kanya tulad ngayon. At sa tuwing ngumingiti siya ay nararamdaman ko ang kakaibang pintig sa dibdib ko. Para itong musika, mayroong beat... mayroong ritmo.
"I have the same thing in mind, I am about to say that." And he smiled. A smile that could melt a thousand hearts.
May narinig pa akong bulong, "aba marunong palang ngumiti yun." Napangiti tuloy ako, hindi ko lang alam kung dahil sa nakakahawa ang ngiti ni Gab o dahil sa narinig ko.
"You know what, that is something I like most about you." Bulong nya.
"Huh?" anong sinasabi nya?
"You have the same thing in mind as I am."
Napatulala na lang ako sa mga sinabi nya and unknowingly tinititigan ko na pala sya at sya naman nakatitig lang din sa akin.
Lahat ng mga tao sa paligid nawala sa paningin ko, para bang naglaho na lang sila sa hangin.
Ito ba yung tinatawag nilang...
Serendipity?
Kindred Spirits?
Synchronicity?
Twin-flames?
"It's not only the opposites that do attract, cause like attracts like."
Simula noong araw nay un, palagi na lang kaming magkasama at nagkukwentuhan.
Tungkol sa....
'future' DAW namin...
Tungkol sa....
"Happy Ending" DAW namin
BINABASA MO ANG
Just Believe- PUBLISHED under LIB-
SpiritualPublished! Now available in all Precious Pages Stores, National Book Stores, Pandayan Bookshops, Expressions nationwide. 119.75 php Grab your copy now! "Happy ending does exist. Hindi mo lang makita dahil ayaw mong tingnan. Hindi mga mata ang magt...
