Kabanata Anim

4.7K 76 9
                                        

Bakit ba kailangan pang magbago ng mga bagay-bagay? Bakit hindi na lamang panatilihin kung ano ang nasimulan? Bakit parang ang daya naman? Bakit ba laging ako na lamang ang minamalas?

Napakaraming tanong ang gumugulo sa isip ko. Napakaraming 'bakit' na hindi mabigyan ng rason.

Kasalanan na ba ang existence ko ngayon? Sa laro ng buhay, bakit ako na lamang ang laging talo? Hindi ba pwedeng ako naman muna ngayon ang maging masaya? Hindi ba pwedeng ako naman ang maswerte?

"Jamilla." Nasa malalim akong pag-iisip nang marinig ko ang isang boses mula sa di kalayuan. Nandito ako ngayon sa rooftop ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Pinaglilimian ko ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan. Pero kahit anong gawin kong pag-aanalisa ay wala pa rin akong makuhang kasagutan.

"Jam..." muling banggit niya sa pangalan ko. Kilala ko ang boses na iyon, ang malalim na timbre nito. Hindi ko na kailangan pang lumingon para lamang kumpirmahin kung sino siya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatingin sa langit, pinapanood ang ulap na parang sumasayaw sa itaas. Naririnig ko ang yabag ng kanyang mga paa na papalapit sa akin. Hindi ko iyon binigyan ng pansin. Bahala siya!

"Nakita kita na papunta rito. Napansin ko ang pagiging clouded ng mukha mo. Nagtaka ako kung bakit kaya sinundan kita." Bahagya siyang humalakhak pagkasabi niyon. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na siya at nakasandal sa barricade. Kahit kailan talaga ay straight-forward siyang tao. Kung ano ang gusto niyang sabihin ay sinasabi niya. Isa siguro iyon sa mga dahilan kung bakit hindi ko magawang mainis kahit pa napaka-pakialamero niya.

"Kurt! Pwede bang hayaan mo muna ako ngayon? Salamat na rin sa pagpunta mo dito. Naabala ka pa." Ano bang dapat kong sabihin sa taong ito? Ni hindi naman kami close. Bago pa lang siya dito sa kompanya. Sadya nga lang na mahilig siyang makisawsaw sa buhay ng may buhay.

"Sige, pero hayaan mo na lamang ako na manatili dito, na samahan ka. Kahit pareho tayong hindi magsalita."

Huminga ako ng malalim saka ko siya sinagot.

"Sige."

At binalot ng katahimikan ang paligid.

***

Company outing ngayon, parte ito ng team building activity ng H.R Department. Mountain climbing at swimming ang napagdesisyunan ng management. Heto ako ngayon, nasa gilid ng isang bangin at nagmumuni-muni.

Umihip ang malakas na hangin. Naramdaman ko ang pagdampi nito sa balat ko. Sandali akong pumikit, nang imulat ko ang aking mga mata ay sinilip ko ang bangin.

Magpatiwakal na lang kaya ako ngayon? Tumalon na lang kaya ako sa bangin? Wala rin namang pakialam ang ibang tao kung matapos na ang buhay ko.

Sino ba naman ako? Isang nobody lamang. Parang isang sumpa na nag-eexist pa rin ako hanggang ngayon. Para bang ipinanganak lamang ako para pahirapan.

Kasalanan ko ba na ipinanganak ako ng nanay ko sa hindi niya asawa? Tanga yung tatay ko eh, tinakbuhan ang nanay ko.  At noong nagpakasal na ang nanay ko sa ibang lalaki, nagkaroon ako ng ama... sa papel.

Pero impyerno ang buhay ko, mula noon, hanggang ngayon.

For the last twenty years of my existence, I never reached the stage of self-esteem and belongingness in Maslow's hierarchy of needs. At napakaimposible na maabot ko pa ang stage of self-actualization.

"Anong ginagawa mo diyan? Wag mong sabihing magpapatiwakal ka? Kahit hindi mo sabihin, alam ko na may mabigat kang dinadala. Simula noong dumating ako sa kompanya, hindi pa kita nakitang ngumiti."

Nilingon ko ang nagsasalita. Si Kurtney, palagi naman siyang ganyan, biglang sumusulpot kapag mag-isa ako.

"Wag mong isiping naiwan ka na ng mundo dahil nandito lamang ako."

***

Isinara ko ang aking laptop. Hindi ko na kayang ituloy pa ang pagbabasa ng kwentong ito. Gaano na nga ba katagal simula noong sinulat ko ito? Ako ba talaga ang gumawa nito?

Buti pa 'yung character na si Jamilla, kahit pinipili niya na mag-isa lamang siya ay may karamay pa rin.

E ako? Wala.

Hindi ako magkaroon ng lakas ng loob na sabihin kung ano ang nangyayari. Ayoko kasing kaawaan nila ako. Ayoko kasing damayan nila ako dahil naaawa lang sila. Ang gusto ko, damayan nila ako kahit di nila alam kung anong meron. Parang si Kurtney, kahit di niya alam ang dahilan, willing pa rin syang samahan si Jamilla.

Pero si Gab kaya? Ano kayang magiging reaction nya kapag nalaman nya?

Parang gusto kong malaman na hindi.

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon