Epilogue

4.1K 37 13
                                    

"GAB!" sigaw ko. Hindi ko nakaya!

"Forever Love, Calm down...malapit na tayo sa ospital."

Sinong nagsabing giving birth iseasy? Swear, ipagpapagawa ko siya ng rebulto, iyong mas malaki pa saStatue of Liberty.

"Inhale...exhale..." paulit-ulitna sabi ni Terry. Samantalang ako na hindi alam ang gagawin aysinunod na lang ang sinasabi niya.

"Teresa, alam mo ba iyang ginagawamo?" natatarantang tanong ni Gab.

"Kuya, matagal pa ba iyan?Bilis-bilisan mo naman ang pagdadrive. Manganganak na ang asawa ko."Sigaw ni Gab doon sa driver.

Bigla namang nagpreno ang sasakyan.

"KUYA NAMAN, sa hospital ang puntanatin, hindi sa morgue." Galit na sabi ni Gab.

"Love, okay lang."

Pagkadating na pagkadating namin sahospital ay isinakay ako sa stretcher at dineretso sa delivery room.Naghihintay doon si Ninong Dane at ang OB.

Nakahiga ako sa kama samantalanghawak ni Gab ang kamay ko. Matagal kong pinaghandaan ang araw na ito,ang araw na isisilang ko ang baby namin ni Gab.

Thankful ako na pinagbigyan ako ngDiyos na mabuhay kahit hanggang sa araw na ito.

Hindi ito magiging madali. Malaki angchance na hindi ko makayanan.

Ngiti ang unang namutawi sa akin ngmarinig ko ang iyak ng isang sanggol. Ng isang anghel. Nakatulog akomatapos kong manganak.

***

Nagising ako na nasa loob na ako nghospital room. Si Gab ay nakaupo sa tabi ko at hawak ang kamay ko.

Siguro ito na nga ang oras. Ang orasna hinihintay ko. Ang oras na kinatatakutan ko.

"Si baby?" tanong ko sa kaniya.Gusto ko ng makita ang baby ko.

"Nasa NICU." Sagot niya.

"Tara, puntahan natin."

Inalalayan niya ako pababa sa kama atsumakay sa wheel chair. Itinitutulak niya ang wheel chair habangpapunta kami sa NICU.

Pagdating namin doon ay binuhat ngisang nurse ang baby namin, through the glass window lang namin siyanakikita.

"Daddy oh, kamukha mo si baby."

Nginitian lang niya ako. "Alagaanmo si baby ha, naku mumultuhin kita kapag pinabayaan mo ang anaknatin." Pagbibiro ko sa kaniya.

Sinamaan niya naman ako ng tingin."Mommy, napag-usapan na natin to. Hindi ba't....." napatampalsiya sa noo niya. "Tama na... ayokong pag-usapan."

"Tara na nga lang sa garden."Pagyayaya ko sa kaniya. Tapos na ang one year ko at masaya akongmatatapos ang isang taon na ito.

Nabiyayaan ako ng napakabuting asawa.Ng napakagandang anak.

Gusto ko na maging formal angpamamaalam ko sa kaniya.

Nagpunta nga kami sa garden. "Gustoko sa bench maupo, tabi tayo."

Binuhat niya ako at inalalayang mauposa bench.

"Gab, may sasabihin ako at gusto kona ako lang ang magsasalita."

"Okay." Matipid niyang sagot.

"Forever Love salamat, salamat sapagkakaibigan, salamat sa pagmamahal. Salamat at hindi mo akosinukuan. Salamat dahil hindi ka tumigil na mahalin ako kahitipinagtatabuyan na kita. Salamat."

"Love."

"Ssshh." Ipinatong ko ang aking isang daliri  sa ibabaw ng labi niya. "Ako lang, 'di ba?"

"Sana huwag kang mapagod na mahalinako. Hihintayin kita, pero huwag ka namang susunod agad, alalahaninmo na may baby tayo."

At tumulo na ang luha sa mga mataniya.

Gamit ang mga daliri ko ay pinawi koang mga luhang iyon. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak.Kumurap-kurap ako saka ko siya hinarap na nakangiti.

"Masaya ako, Masaya ako dahilnakilala kita. Kahit saan man ako makarating... ikaw lang angmamahalin ko."

Hinalikan niya ang noo ko. Dumausdossa pisngi ko ang luha niya. Kasabay noon ay ang pagbagsak ng sarilikong luha.

"Iiwan ko dito ang puso ko, sapangangalaga mo."

Isinandal ko ang ulo ko sa kaniyangbalikat. Sa huling pagkakataon ay makakasama ko siya ng ganito.

       

"Mahal kita Forever Love, TwinFlame, Gab Mikhail Evangelio. But for now, just let me rest."

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon