Kabanata Labing-apat 2/2

3.6K 61 8
                                    

 

"Baliw ka ba Yvonne? Lalapitan mo pa talaga sya e kita mo na ngang nagsabihan sila na mahal nila ang isa't isa. Kung di man kabaliwan yun e di katangahan." Sabi nung lalaking nakahawak sa braso ko samantalang si Gab papalapit sa amin na may nakakalocong ngiti.

"Di pa nagiging tayo nanlalalaki ka na agad, o sige. Bye bye na. Mambababae na lang din ako. Ciao!"

Pero syempre imagination ko lang yun.

Waaah.

 Masama 'to, gumagana na naman ang imagination ko.

Namimiss ko ng magsulat.

Gusto ko na ulit magsulat.

Bad idea.

Ikaw na imagination ka wag ka ng gumana. Please.

Eto na talaga. Lalapitan ko na talaga si Gab kaso may kausap na naman syang babae. Ginugulo ni Gab yung buhok nung girl.

"Kuya, sabi ni Ate aalis ka na sa bahay, mag-aasawa ka na daw." Sabi nung babae.

"Ate mo talaga ang daldal."

"Kuya naman eh, ate mo din yun. Sige ka di na kita tatawaging kuya." Nagpout naman yung girl.

"kailangan kasi tong gawin ni kuya, kasi dito sasaya si kuya. Niah, pakibantayan yung si Terry, baka mamaya maisipan na ding mag-asawa."

"kuya naman eh, di yun gagawin ni Ate Terry. Kaw nga tong mas bata sa kanya, mauuna ka pang mag-asawa. Daya mo din kuya no?" sagot ni Niah.

"Love kasi ni kuya yung girl eh." Sabi ni Gab.

"si Ate Yvie ba yun?" tanong ni Niah then nagpuppy-dog eyes pa sya. Waaahhh. Ang cute talaga ni Niah, gusto ko na syang i-uwi sa bahay at gawing tunay na sister. Ngumiti naman si Gab. "Yaay.. si ate Yvie ang sister-in-law ko."

Ang saya nilang tingnan na magkapatid. Buti pa sya may kapatid.

Kahit mas matanda si Terry sa kanya, siya pa rin ang tumatayong kuya, may pagka-isip bata kasi si Terry pero pag hinihingi ng sitwasyon, lumalabas ang pagiging matured nya.

Ang cute talaga tingnan pag magkakasama yung tatlo, para silang triplets kasi magkakamukha sila, one year ang gap ni Gab sa parehong kapatid.

Naiinggit ako sana may kapatid din ako. Gusto kong maging sisters sina Terry at Niah. Magpa-ampon na lang kaya ako sa pamilya nila?

Gusto ko ding maging kuya si Gab.

Gusto ko din sya ang mapangasawa ko sa future. Kasi maalaga syang tao.

 Swerte ang babaeng mapapangasawa nya.

Kung sino man ang Yvie na yun ang swerte nya kasi isang Gab Evangelio ang mag-aalaga sa kanya.

Yvie? Parang narinig ko na yung pangalan na yun dati.

Bigla ko na lang nahawakan ang singsing na pendant na nakasabit sa leeg ko.

May isang tao na tumatawag sa akin ng Yvie. Si Niah yun.

Sa sobrang tagal nakalimutan ko na ang pangalang Yvie.

Hawak-hawak ko pa rin ang sing-sing na galing kay Gab.

Handa na ba ako?

Handa na ba akong isugal ang konting panahon na meron ako para lang makasama sya, para lang maging masaya.

Handa na ba akong humarap sa altar at sabihin ang katagang 'I do'?

Handa na ba akong pakasalan sya?

Hindi ba yun magiging unfair sa kanya kasi masasaktan ko lang sya?

Hindi ba kadayaan yun?

"kailangan kasi tong gawin ni kuya, kasi dito sasaya si kuya"

Iyon nga ba ang magpapasaya sa kanya?

Gusto kong maging masaya sa mga huling sandali ko pero ayokong may masaktan dahil lang sa akin.

Ayokong maging unfair, ayokong maging sakim.

"Margue, I love you."

Palagi nyang sinasabi yun pero di ko man lang masabi pabalik sa kanya ang parehong kataga kahit gustong gusto ko din yung sabihin.

Ayokong pagsisihan sa bandang huli kapag sinabi ko yun.

Sasabihin ko lang yun sa isang lalaki kapag pumayag na akong pakasal sa kanya.

Kamalas-malasan ko parang wala na akong masasabihan nun dahil kahit sasabog na tong puso ko sa magic three words na yun, di ko pa din masabi dahil ayokong makasakit.

Handa na ba ako?

Bakit ko ba muling tinanong ang sarili ko kung handa na ako?

Siguro kasi handa na ang sistema ko na sabihing.. "Boy, I love you so."

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon