Kabanata Sampu

4.2K 84 17
                                        

"Ha-ha-ha!" hindi ko na napigilan ang pagtakas ng sarkastiko kong tawa. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang reaksyon ng aking mga kaklase. Halatang naguguluhan sila sa mga nangyayari. Ramdam na ramdam ko ang pagtitig sa akin ng mga kaibigan ko. Paano bang hindi sila magtataka? Halos madrain na ako sa kakaiyak tapos bigla naman akong tatawa ng malakas. Nababaliw na yata ako.

 "Yvonne, I'm serious." Malalim ang boses na sabi ni Gab. Bahagyang nanindig ang balahibo ko dahil sa tonong iyon at sa titig niya sa akin.

 "That's a more stupid idea and you know that." Inalis ko na iyong pagkakahawak niya sa braso ko at tinalikuran siya. Pumasok ako sa loob ng classroom.

'Yung professor ko na si Ma'am Corales, the very pretty Ma'am Corales looked at me with questions and concern in her eyes. Alam ko sa sarili ko na kailangan kong sabihin sa kanya. Siya lang naman lagi ang takbuhan ko.

Umupo na ako sa pinakadulong seat at doon na ako humagulhol.

What have I done to deserve this?

Bakit Gab? Why are you suddenly telling me that you love me? Wag mo na akong kaawaan.

"Yvonne." Tawag sa akin ni Ma'am Corales.

"Tumunghay ako at tiningnan sya.

"I'll tell you everything later ma'am." Pinunasan ko ang aking pisnging basa ng luha.

Thirty minutes nang delayed ang klase dahil sa akin. "Don't mind me." I composed myself the best way possible. "Please proceed to the lesson. I'm okay." Pero hindi naman talaga ako okay.

With that, nagsimula nang magdiscuss si Ms. C.

And as for me, heto lutang.

Umalis na rin si Gab. Nagpunta na sa room niya na nasa first floor. Nagtext sa akin si Xander, isang common friend kaya ko nalamang nandoon sya.

"Hey Yvonne, anong nangyari kay Khail at parang sobrang nalugi. Ikaw lang naman ang nakita kong kasama nya kanina and by the way, himala yun ah after a millennium magkasama ulit kayo. Parang may something....."

He is Khail for everyone but Gab to me.  Pero dahil tinawag niya akong Yvonne ay Khail na rin ang itatawag ko sa kanya. Hindi na kami tulad ng dati at hindi na rin maibabalik pa iyon.

Hindi ko na lang nireplayan si Xander, ano namang sasabihin ko sa kanya. At anong something?

Siguro nga, something, something na sobrang gulo, something na sobrang sakit.

Natapos ang klase na hindi man lang ako nakikinig. Nanatili akong tulala sa kawalan.

Lunch break na at wala akong ganang kumain. Sino ba namang gaganahang kumain kung ganito ang sitwasyon?

Napadaan ako sa tapat ng classroom nina Gab I mean Khail and yeah, mukha talaga syang nabankrupt.

Gab Mikhail Evangelio, wala namang ganyanan, mas lalo mo akong pinahihirapan.

Nakita ko ang paglingon ni Xander sa direksyon ko. Katabi nya si 'Khail' kinalabit nya ito at inginuso ako.

He just stared at me.  And I stared back at him.

"MR. EVANGELIO WHAT ARE YOU LOOKING AT?" kaagad akong nagtago sa isang pillar na malapit sa room ni Khail.

"Kanina ko pang napapansin na wala ka sa sarili. If you have problems, leave them before you enter my class." Sabi ng terror na professor. Si Mr. Torre, ang matandang masungit. Matangkad ito, payat at nalagas na ang buhok niya, half-bald siya, may malaking salamin na parang kay Ninoy Aquino.

Tumayo si Khail. "I'm sorry sir, I can't just leave them. If you'll excuse me." Kinuha niya na ang kanyang bag at lumabas. Pero bago siya tuluyang umalis ay nilingon niya muna si Mr. Torre, "This is a very matter of importance, I'm sure you'll do the same if you are in my shoes." With that he left.

Ano bang naiisip niya? Anong balak niyang gawin?

Para naman akong ispiya na nagtatago sa likod ng pillar. Saan na nagpunta yun? Makaalis na nga, hahanapin ko na lang si Ms. C.

Naglakad na ako papunta sa kabilang building.

"There you are, Margue."

I turned around to face the owner of that voice. "Khail!" I called him that. For me, now he's just the Khail everyone knew not the Gab I have known and love.

O sinasabi ko lang talaga iyon sa sarili ko? Pinapaniwala ko lang ang sarili ko na di ko na siya kilala, na di siya naging parte ng buhay ko.

Siguro, iyon nga ang dapat kong gawin.

He must be just Khail. The stoic and mysterious Khail. He is no longer the jovial Gab.

Paulit ulit na ako ng sinasabi ko sa sarili ko. Iniiba ko lang ang sentence construction.

"Margue." Literal akong napanganga noong bigla siyang lumuhod sa harap ko. Nagbaback-flip at head bang naman ang mga makukulit na paru-paro. Malakas ang kalabog ng dibdib ko.

Nasaan ba kami ngayon? Nasa may college lobby, malapit dito yung classroom niya. At anong oras ngayon?  Lunch break pa rin halos ng karamihan at usually sa lobby sila tumatambay.

 "Yvonne Marguerite de Vera." Napalingon na rin yung mga estudyante na nasa room ni Gab kanina, pati si Mr. Torre.

"Margue, allow me to take care of you. I don't care if we only have a year left. At least in a year, you'll be mine and I'll be yours. Nevertheless, I will still be hoping that we will be having a longer time. I will still pray for you, for us. Please Margue, allow yourself to carry your burden with me. Please, don't lose hope, please live longer."

Nanahimik ako sa sinabi niya pero ang tambol sa dibdib ko ay dumadagundong na naman. Hindi ko alam ang isasagot ko. I want to live longer. I want to be with him.

"Kung hindi man tayo umabot hanggang forever, ipaparamdam ko sa'yong posible ang forever sa loob ng isang taon."I offered my hand to him. Nakakahiya na, dapat tumayo na siya.

I smiled at him, and for the first time in what seemed like thousands of years, I smiled a real one.

This man always knows how to strengthen me up. That's why I so love this man.

 "I will..."


 

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon