Kabanata Labing-dalawa

4K 72 13
                                    

REPOSTED!

This is the un-edited version so expect technical errors. May mga nabago sa book version.

Thank you for reading!

Chapter 12 

Forever Love

Sumugod ang lahat ng blockmates ko sa hospital kung nasaan ako ngayon. Syempre, wala namang pagdadalhan si Gab sa akin kundi yung pinakamalapit na hospital. So here I am with my blockmates inside this creepy hospital room ng Holy Trinity Medical Center and as for Gab, nakaupo lang sya sa side ng bed at di binibitawan ang kamay ko. Nakipagdaldalan na lang ako sa mga kaklase ko at si Gab tahimik lang na kinukutingting ang cellphone nya.

"Yvonne." Tawag sa akin ni Mark Castiel De Ocampo at may inihagis syang dalandan. Nasalo ko naman yun gamit ang free hand ko. "Thank you Cas. Matagal na akong hindi nakakakain nito, one of my favorites pa naman to."

Inagaw naman ni Gab yung hawak ko. Ang kj naman ng taong to.

"Bawal ang maasim, acidic!" he said dryly.

Yung totoo, ikaw ba ang doctor at hindi si Dr. Dela Vega.

Si Dr. Dela Vega, sya yung doctor kanina. Matangkad  sya, nasa late twentys at gwapo. May pagkachinito din sya. And speaking of the handsome doctor, bumukas yung pinto kasama yung magandang nurse kanina.

Yung mga kaklase ko naman nagdadaldalan pa din.

At the corner of my eyes nakita ko namang nagningning ang mga mata ni Riz. Di ko sya kaklase but since she's one of my closest friends nandito sya, paniguradong nasabihan na sya nina Geriel at Amy. May paghampas pa talaga sya sa braso ni Geh. Akala ko ba si Charles Angeles ang gusto nito.

"Ms. De Vera." Tawag sa akin ni Dr. Dela Vega.

"Yes Doc."

"Don't stress yourself too much and take your medicines regularly." Ang kulit ng doctor na to, paulit ulit masyado. He looked around. "Pakibantayan ang makulit na pasyenteng to."  And he smiled a sunny smile but his expression suddenly changed, yung parang may halong gulat at pagtataka.

"Ri-ri"

Sino si Ri-ri?

"Kuya Dane." Napalingon ako sa nagsasalita. Si Lariza  Mae Cantos, ang loka-loka kong kaibigan. Ang mukha nya parang kamatis na tinubuan ng mata, ilong at labi.

"How are you? Ang laki mo na ah."

"Ah.... Ano kasi...ah... okay lang naman ako." Nahihiyang sagot ni Riz.

"Ah...Ri-ri... alis na muna ako. May pasyente pa ako eh. I'll call upon you this weekend. And you Ms. De Vera, yung mga bilin ko. You can go home na." and with that he left kasama yung nurse na nagcheck ng vitals ko kanina habang naguusap si Doc Daniel at Riz.

Riz let out a sigh.

"Ano ba beh, makahampas wagas." Sabi nya sa dalawang katabi nya, sina Lena at Geriel.

"Eh kasi... eh kasi..." sabi ni Geriel. "Bakit di mo sinabing may kilala kang gwapo?"

Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Geriel. Pero si Gab, parang wala pa din sa sarili.

E ako, parang ewan ko ba. kapag katabi ko si Gab, gumagaan ang pakiramdam ko. Pero hindi ko kayang gawin ang gusto nyang mangyari. Hindi ko kayang matali sya sa taong mamamatay na. pero mahal ko sya at gusto ko rin syang makasama pero ayoko nga syang pahirapan.

"Narinig mo naman yung sinabi ng doctor, don't stress yourself much, let me carry your weights." At mas hinigpitan nya yung hawak sa kamay ko. Napalingon naman ang lahat ng blockmates ko.

"I am your twin-flame kaya lahat ng meron ka, dapat meron din ako. Kaya kung meron kang mabigat na dinadala, i-share mo sa akin." Dagdag nya.

Ayaw ko nga syang pahirapan, sya naman tong gustong gustong mahirapan.

"Margue." He said in a voice so sweet and so touching.

J'aime toi."  At may inilabas sya mula sa bulsa nya. Isang maliit na box na mukhang luma pero properly preserved.

Binuksan nya yung box at nakita ko ang isang sing-sing. Kinuha nya yung sing-sing at iniabot sa akin.

"Para saan yan?" tanong ko.

"Just look at it", sagot nya.

Kinuha ko nga at tiningnan ko, ang ganda ng singsing na ito. It's an emerald ring.

Forever Love 1912

Iyan ang naka-engrave sa singsing.

"Forever love?" I said na parang nagtatanong.

"Sa mommy ko yan, bigay ng lola ko. It's been in the family for 100 years, pinagpasapasahan na ng ilang generations namin." Sagot nya. "And according to the tradition, the oldest son will give the ring to the person he loves."

So that means? Impossible. Hindi to pwede.

"I want you to take care of that ring."

Iniabot ko pabalik sa kanya.

"You know I love you, so take care of it." Sabi nya. "Hindi ko naman sinasabing suotin mo na agad yan."  May inilabas syang necklace at kinuha yung singsing. "Ang sabi ko sayo muna." Ginawa nyang pendant yung ring. "Alagaan mo ito ha, habang ako naman ang mag-aalaga sa'yo." Tumayo sya at isinuot sa akin yung kwintas. "When the time comes that you are officially an Evangelio, suotin mo na yan."

Hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng luha ko.

"Hindi ko maipapangakong masusuot ko to, pero oo aalagaan ko ito." Sagot ko.

At ang mga kaklase ko ay nagsigawan lang ng "Ayieeeeeeee"

"Tara na, ihahatid na kita sa inyo or iuwi na lang kaya kita sa bahay ko."

Hinampas ko sya sa braso. "Magtigil ka nga."

He chuckled. "I love you Margue."

Seriously, hindi ba sya magsasawang sabihin yun, samantalang ako ni isang beses, hindi ko nasabi sa kanyang mahal ko sya.

Sabay sabay na kaming lumabas ng mga kaklase ko. Nagpaalaman na rin kami at sinabihan nila akong magpahinga. Lumapit si Cas sa akin. "wag na kasing magpupuyat." At ginulo nya ang buhok ko.

Ngayon lang ulit kami nagkasabay umuwi ni Gab after more than a year. Nakasakay kami sa taxi ngayon ayaw nya kasing mag-jeep kami. Nagjijeep lang ako palagi kasi ayokong magpahatid sundo sa driver, hindi na ako grade school student. Si Gab naman, nung malamang nagjijeep lang ako e hindi na nya masyadong dinadala ang car nya.

We traveled in silence. Ayoko syang kausapin pero magkahawak parin ang mga kamay namin. Ayaw nya akong bitiwan.

Kumanta na lang sya.

Way Back Into Love.

Sinimulan nya yung kanta at nung part na ng girl, kinanta ko.

Ganito kami noon.

Kanta lang ng kanta kapag napagtitripan.

Huminto na yung car sa tapat ng bahay ko.

Lumabas ako at nakita ko si Mom na naghihintay sa labas, eight pm na kasi.

Lumabas na rin si Gab sa taxi after nyang magbayad.

"Hi Ma." Bati ko.

"Good evening Ma'am I'm Gab Evangelio, may I have a word with you?"

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon