Just Believe by ShaniahMystiqueBlue
Life Is Beautiful Publishing Corp.
Chapter 31
The Letters
"Iwan mo na ako dito." Sabi ko kay Vin nang makarating kami sa bahay namin sa Tagaytay. Ito ang ancestral house ng family namin.
"hindi kita iiwan baby love, tsaka bahay ko din naman ito kaya magstay ako dito hanggat gusto ko." Sagot ni Vin.
May magagawa pa ba ako, joint property naming dalawa ito. Ano kayang naisipan ng Grand parents namin at pareho sa amin ipinamana ang bahay na to.
Pero wala na akong panahon para isipin pa iyon.
Binuhat ni Vin ang gamit ko at pumasok na kami sa loob ng bahay. As usual nakasakay ako sa wheel chair.
Binuhat nya ako na parang bagong kasal paakyat sa kwarto ko.
"Ang gaan gaan mo na." sabi sa akin ni Vin. "Kumakain ka ba? Sa gaan mong yan kahit electric fan pwede ka ng lipadin."
Alam ko na ang payat payat ko na, para na akong kawayan.
Para na akong yung character sa Corpe's bride.
Binuksan ni Vin yung pinto ng kwarto ko, ibinaba nya ako sa kama ko.
"Thanks Superlove."
"Anything for you, baby love."
"Stay ka lang dyan, wag kang tatayo. Kukunin ko lang ang gamit mo." Sabi ni Vin at lumabas na sya ng kwarto.
I'm sorry Gab but it's the only way I know for you not to see my sufferings.
For you not to see that I'm slowly decaying.
I'm sorry.
Maya-maya pa'y bumalik na si Vin sa loob ng kwarto ko dala ang mga gamit ko.
Binuksan nya na yung maleta. "Ako na mag aayos ng gamit mo."
Pinapanood ko lang sya habang pinapatas ang mga gamit ko sa cabinet.
"Kasya pa ba sayo ang mga ito? Hindi kaya lumipad ka kapag suot mo ang mga ito."
Oo na, ako na ang sobrang payat.
"Ewan ko sa'yo."
Ipinagpatuloy lang nya ang ginagawa nya hanggang sa something caught my attention.
"Ano to?" sabi ni Vin habang nakatingin sa isang translucent blue box na may nakawrap na blue ribbon. Sa loob noon ay may maliliit na blue bottles.
Gamit ang wheelchair, lumapit ako sa kanya at kinuha ko yung box.
"Pwede bang iwan mo muna ako?" I said dryly.
"Are you sure you're gonna be okay here?"
I nodded.
He left immediately.
I opened the box. Iniipon namin to ni Gab araw araw. Yung box ko, nasa kanya. Yung box nya nasa akin.
Sa box na binigay ko sa kanya, nakalagay ang mga tulang sinulat ko. Isang stanza bawat bote.
Sabi ko sa kanya basahin nya yun kapag wala na ako. Ito namang box nya, hindi ko alam kung anong mga nakasulat.
Ang sabi ko sa sarili ko, babasahin ko ito kapag talagang malapit na.
And I guess, that time is now.
Ngayon na mismo.
Nanginginig pa ako habang kinakalas ang ribbon na nakapulupot sa box.
![](https://img.wattpad.com/cover/838547-288-k535011.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Believe- PUBLISHED under LIB-
SpiritualPublished! Now available in all Precious Pages Stores, National Book Stores, Pandayan Bookshops, Expressions nationwide. 119.75 php Grab your copy now! "Happy ending does exist. Hindi mo lang makita dahil ayaw mong tingnan. Hindi mga mata ang magt...