Chapter 27
The Moonlight Dance
"Ate, aattend ka ba ng College ball?" tanong ni Niah kay Terry habang busy na nagdodrawing sa kanyang sketchpad. Fine Arts student si Niah samantalang si Terry ay Culinary Arts. Nandito silang magkapatid sa bahay namin ngayon kasi babantayan daw nila ako. Sabado ngayon at walang klase.
"Ewan, bahala na, kapag umattend si Besshie aattend ako." Sagot ni Terry na busy sa pagkutingting sa kanyang cellphone.
"Sus, kung andun si Kuya Chase siguradong aattend ka. " pang-aasar ni Niah.
"Niah! Anong pinagsasasabi mo?" asar na tugon ni Terry.
"Don't worry ate, bagay naman kayo ni Kuya Chase." Sabi ni Niah with a knowing smile.
Natatawa na lang ako sa dalawang ito.
"Eh, ikaw. Aattend ka ba ng ball?" balik na tanong ni Terry kay Niah.
"Oo naman, masaya kaya dun" and Niah smiled sunnily. The same sunny smile as Gab's.
"Kasi nandun ang Onni-sama mo?" pang-aasar na tanong ni Terry.
"Bakit napasama sa usapan si Onni-sama?"
"Eh bakit mo isinali yung kumag na si Chase?"
"Evangelio- De Ocampo, De Ocampo-Evangelio" sabat ko sa usapan nila.
"Ate Yvie."
"Yvonne."
Sabay na sabi ng magkapatid. Next time si Kuya Chase naman ang kakausapin ko para alagaan nya si Terry. Si Kuya Chase ang older brother ni Castiel, kagagaling lang nya sa ibang bansa.
I smiled at them habang hinahagod ang tummy ko.
"Baby, look at your titas, parehas in love." Sabi ko.
"In love???" sabay na sabi nina Terry at Niah.
"Hala! Ate Yvie? Saan nanggaling ang ideang yun?"
"Oo nga sis. Saan nanggaling yun?"
Napatawa ako. "Secret."
I'm trying my best to be happy and jolly as possible. Mas makakabuti kay baby kung mananatili akong masigla.
"Look Ate Yvie." At ipinakita nya yung kanina pa nyang dinodrawing. Isa syang sketch ng nursery. Pambabae yung design, mala fairy tale.
"Ang cute naman nito baby sis." Sabi ko habang inaabot ni Niah sakin yung sketch pad.
"Oo nga sis, next time kwarto ko naman ang lagyan mo ng design." Sabi naman ni Terry.
"Paano ko dedesignan yun eh ni hindi mo nga ako pinapapasok dun, ewan ko sayo ate." Sagot ni Niah. Sinamaan lang sya ng tingin ni Terry at bumalik din agad sa pagkutingting sa cellphone nya.
"Ate Yvie, anong gusto mo pang idagdag, okay na ba ang little mermaid na theme o gusto mo gawin nating sleeping beauty o snow white?"
Sleeping beauty? Snow white?
Bigla akong napatahimik.
"Ate Yvie, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Niah.
"Okay lang ako baby sis, napa-isip lang ako."
"About?" tanong naman ni Terry.
"Na, kapag natulog na ako, kaya ba akong isalba ng true love's kiss? Kapag huminto na sa pagtibok ang puso ko, kaya bang mawala ang spell ng dahil sa true love's kiss and we will live happily ever after na ang sunod? Mararanasan ko pa bang maisayaw ng isang prince charming sa isang midnight dance? Pwede pa ba akong maging tulad nina Snow White at Sleeping Beauty?" hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Just Believe- PUBLISHED under LIB-
SpiritualPublished! Now available in all Precious Pages Stores, National Book Stores, Pandayan Bookshops, Expressions nationwide. 119.75 php Grab your copy now! "Happy ending does exist. Hindi mo lang makita dahil ayaw mong tingnan. Hindi mga mata ang magt...
