Kabanata Pito

4.4K 80 14
                                    

 "Anak may problema ka ba?" tanong ng mommy ko pagkapasok niya sa loob ng kwarto ko. Kulay asul ito gaya ng paborito kong kulay.

 "Wala naman po. Medyo masakit lang po ang ulo ko. Nakakahaggard na po sa university eh kasi exam week na rin." Sagot ko sa kanya na hindi tumitingin sa kanya.

 Hindi ko kayang magsinungaling sa harap niya mismo kaya pinili kong nakatalikod na lamang. Alam kong tatraydurin ako ng mga luha ko sa oras na makita ko ang concern sa mukha ni Mommy. Siguradong nagtataka na siya at nag-aalala sa kakaibang kinikilos ko.

Ang totoo niyan, wala naman talaga akong paki-alam sa exam week. As if naman may bearing pa yun, gagraduate ba ako? Hindi naman di ba?

"Okay. Just tell me if you need something. Nasa baba lang ako." Tumango na lamang ako, maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas sara ng pinto.

Wala akong mapagsabihan ng problema ko. Pati sarili kong magulang ay pinaglilihiman ko na rin. Hanggang kailan ko ba gagawin ito?

Siguro mas mabuting mawala ako na hindi nila namamalayan. At the very least,  everything will be a lot easier for me and for them. I don't want them to suffer from the same pain because I know they love me so much that they are willing to endure every pain with me.

It will just make things more painful. A lot harder.

Mahihirapan akong umalis dahil alam kong pipigilan nila ako. Siguradong gagawa sila ng paraan. Pero kahit ano namang pigil nila, isa lang naman ang patutunguhan nito di ba?

Mawawala rin ako. Tanggap ko na ang katotohanan na iyon. Pinilit ko itong tanggapin sa sistema ko mula noong malaman ko. Kung sasabihin ko iyo sa kanila, siguradong hindi nila matatanggap. Mahihirapan silang pakawalan ako. Masasaktan ko lamang sila.

Notification Received

Flamedhearts0026 posted on your message board.

"Waaaaaahhh...... tunay ba iyon? Aalis ka na talaga? Last na story na talaga yun? Iiwanan mo na talaga kaming mga fans....Please tell me na joke lang yun. Please. T.T"

Napangiti ako ng mapait dahil sa nabasa ko. Seriously, mahirap para sa akin na talikuran sila. Ang mga taong iyon ang mga naging kaibigan ko noong nakalipas na taon. Kahit hindi namin nakikita ang isat' isa dahil ayokong magpakita sa kanila  ay nanatili pa rin sila sa fan list ko. And they all know that I want to remain romantic_destiny a mystery.

Remain a mystery up to the last minute? Pwede rin siguro.

I posted a status on a social networking site with my username romantic_destiny. Ginamit ko iyong linya ni Kurtney bilang status.

"May mga bagay na hindi natin kayang kontrolin, mga bagay na hindi saklaw ng ating kapasidad. Kung kailangang lumisan ay lilisan at kung kailangang manatili ay mananatili."

Sa ngayon ay kailangan kong ilihim ang lahat. Wala na rin namang mangyayari kung malalaman nila. Ayokong mahirapan sila. Ayokong masaktan sila nang dahil sa akin.

Kahit ako na lang ang magdusa. Kahit ako na lang ang mahirapan.

Kahit ako na lamang mag-isa.

Kahit ako na lang....

Flamedhearts0026 and fifty others commented on your status.

Halos pare-pareho naman ang sinasabi nila...manatili  na lang ako... huwag na lamang akong umalis. Iyon  ang hiling nila.

Pero...

Gab Mikhail Evangelio commented on your post on College of Business and Accountancy's Group.

Nakabukas din kasi ang real account ko at nagpost ako sa group department namin. Mabilis ang pagkalabog ng dibib ko. Parang may mga dagang nagririgodon sa puso ko. Nakita ko pa lamang ang pangalan niya sa notifications ko ay ganito na ang epekto. Bakit? Kinakabahan ba ako o ano? May ibig-sabihin ba ito?

Yvonne Marguerite De Vera: "Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mananatili sa mundong ito kaya hangga't nandito pa tayo, gawin natin ang lahat para maging masaya, pasalamatan ang dapat pasalamatan... kaya hangga't nandito pa ako.. I just want to say thanks to all of you.. lalo na sa'yo kilala mo na kung sino ka."

Like. Comment.

Gab Mikhail Evangelio: Say things only when you mean them but you're welcome nonetheless.

Like. Comment.

I mean it. I'm grateful to meet them, all of them na sa sobrang grateful ko ay ayokong sabihin sa kanila na nahihirapan ako ngayon.  Ayoko rin naman na kaawaan nila ako o di kaya'y masaktan pa ang mga taong sobrang naging malapit sa akin tulad nina Amy, Lena, Geriel at Riz.

Pero...

Ewan ko ba! Ang gulo ko rin! Dahil kahit ayokong malaman nilang lahat, may isang tao na gusto kong pagsabihan ng nangyayari  sa akin.

Kahit kailan ay hindi ko nagawang paglihiman siya. Kahit kailan ay di ko nagawang magtago ng sikreto sa kanya...

Sa pagkakaalalam ko ay iisang bagay pa lang ang di ko nagawang sabihin sa kanya noon. 

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon