Kabanata Labing-isa

4.1K 69 18
                                    

REPOSTED!

This is the un-edited version so expect technical errors. May mga nabago sa book version.

Thank you for reading!

Chapter 11

The Contract

"Mahal ko sya at lahat gagawin ko para sa kanya. Kahit pa isipin ng ibang tao na isa akong tanga dahil pipili lang din naman ako ng mamahalin at yayayaing magpakasal ay yung pang mamamatay na e wala akong paki-alam. I've been stupid enough to ignore her like plague dahil lang natatatakot ako. Natatakot ako sa nararamdaman ko. I avoided her because I felt something unusual, something strange na sa kanya ko lang naramdaman. Her presence gave me chills that I couldn't seem to understand. I avoided her because I don't want to lose the friendship that we had yet that's where it ended up. Pero ngayon, I don't want to make the same mistakes. I want to be by her side hangga't nandito pa sya. Please, give me her last year. Gusto kong ako ang kasama nya habang nandito pa sya pero mas hihilingin ko na wag mo na lang po syang kunin muna sa akin, sa amin. Lord please, dito muna po sya."

Nagising ako na parang may bubuyog na bulong ng bulong sa may tainga ko. When I faced the direction of the sound I saw him. Nakaub-ob sya sa side ng bed at hawak nya ang kamay ko.

He's praying.

When I looked around nakita ko na isa itong hospital room.  Kasasabi ko lang kanina na magpapa-check up ako ulit.

I need my cellphone. Kailangan kong itext sa mga classmates ko na wala silang pagsasabihan ng nangyari kanina.

I don't want anybody else aside from them na malaman ang situation.

Paano nga ba ako napadpad dito?

"Nahimatay ka kanina." Nababasa nya ba nasa isip ko?

"Khail."

"May sasabihin ka dapat sa akin kaso bigla kang natumba, buti na lang nasalo kita."

Sasabihin?

Ano yun?

I will.......

Ah.

Yun pala yun.

"Khail... I will...." His eyes lit up. "...not marry you, I'm sorry."

"You don't have to be sorry but I'm telling you Margue, it's either you'll marry me or I'll marry you."

Nasaan ang option dun?

"But Khail."

"Gab." He squeezed my hands. "I am Gab, your partner, your twin-flame remember?"

Buti naman naaalala pa rin nya yun. He is Gab, the twin flame of my soul, my partner, my bestfriend.

Inalis nya yung kamay nya tapos kinuha nya yung bag na nasa side table, yung phone ko nasa loob naman ng bag ko na katabi ng bag nya.

"Gab, pakuha ng cellphone ko, nasa front pocket, itetext ko lang sina Geriel at Amy, pati na rin si Castiel."

Kinuha nya yung phone tapos inabot nya sa akin.

"Kailangan pati si De Ocampo itetext mo?" he asked dryly.

Nagseselos ba tong nilalang na to?

"Itetext ko na lang ang buong klase." I answered dryly.

Binuksan nya yung bag nya at may inilabas na folder.

Is that the?

"Remember this." He still has that?

"Yeah." He handed me the folder.

We, Gab Mikhail Evangelio and Yvonne Marguerite de Vera hereby promise to remain with each other through ups and downs, through thick and thin and till the hell freezes over. We also promise to be best of friends forever and to be faithful with each other for we are twin-flames.

If ever one of us breaks this promise, the contract will be rescinded and the partner at fault will be liable for damages.

Signed:

Gab Mikhail Evangelio                                                                       Yvonne Marguerite de Vera

Witness: Xander James Dela Peña

 

"Ako ang unang sumira sa contract kaya hayaan mo akong pagbayaran yun. You'll be my master, I'll be your slave if that's the only means for you to allow me to be beside you. Let me be your slave, your guardian, your nurse, your protector, your bestfriend, lover and husband."

Hindi ba pwedeng wala na yung husband dun sa statement?

Ganoon sya kaeager na makasama ako?

"Margue, I love you and I am loving you more each day."

Once again he entwined his hands with mine and we stayed there until magbukas yung pinto at pumasok yung doctor.

"Ms. De Vera. I'm going to tell you directly, wala nang paligoy-ligoy, mas malala ang kondisyon mo ngayon. Huwag kang masyadong magpa-stress. Give yourself a breath of fresh air. Relax and enjoy your life. Maaaring bumuti ang kondisyon mo pag inalis mo ang stress sa system mo, okay thank you."

Umalis na rin sya agad, iniwan nya lang yung nurse na kasama nya.

"Miss, makakauwi ka rin mamaya before 7 pm, do you want us to call your parents?"

Hindi pwede.

"No!"

Napalakas ang pagkakasabi ko at hinigpitan ni Gab ang paghawak sa kamay ko. Maganda pa naman itong nurse na to kaya lang pag tinawagan nya si mama kakailanganin nya ng wig sa mga susunod na araw.

"Don't worry Ms. Nurse, I'll take care of her." May inabot si Nurse na papel then may sinabi sa kanya, lumabas silang dalawa.

Bakit kailangang lumabas?

Hindi ba pwedeng sa harap ko mag-usap?

E di yung nurse na yun na nga ang maganda.

Maya-maya bumukas na ulit yung pinto at pumasok si Gab.

"Anong meron sa labas?" I asked casually.

"May pinapirmahan lang na kung anu-anong necessary files." He answered.

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon