Kabanata Labing-apat 1/2

3.6K 62 11
                                    

Chapter 14

Handa na Ba Ako?

The next day, pumasok ako sa school kahit wala namang saysay ang pagpasok ko. Suot ko pa rin yung necklace na ang pendant ay yung heirloom ring ng family nya.

Sinalubong ako ng mga kaibigan kong baliw, sina Lena, Geh, Amy at Riz sa may gate. Sabay sabay na kaming naglakad papasok sa college building.

Sina Rach at JE naglalakad na din, kasama nila si Cas.

Ano bang meron kay Cas?

Well, according to my observation, gwapo din sya. Matangkad at brown ang buhok.

"Hi Yvonne." Bati ni Cas. "Musta?"

"Okay lang naman, nakapagpahinga ako ng maayos, salamat nga pala sa inyong lahat kasi pumunta kayo sa hospital."

Naglakad na kaming lahat papunta sa rooms namin.

"Don't forget ha, 1 pm sa may the book lovers office." Sabi ni Lena.

Nagnod naman kaming apat. At nagpaalam na din si Lena at si Riz nung nasa tapat na kami ng classroom ng block namin.

I made a list of what to do today.

1.               Attend classes

2.               Lunch with Gab

3.               Meeting sa book lovers' club

4.               Kakausapin si Ms. C.

Nag-vibrate yung phone ko.

" Margue.....bibisita ako sa bahay nyo mamayang gabi

-gab"

Eh?

Nireplyan ko na lang.

"Kaw bahala."

After ng madugong Transfer and Business Taxation, nagpasya na akong maglakad papuntang Food Court.

"Are you out of your sanity?" naglalakad ako sa may hallway nang marinig kong may naguusap sa may side stairs at pamilyar na pamilyar yung boses nung nagsasalita.

"I'm perfectly sane Terry." Sabi naman nung lalaki, nakatalikod lang sya sa akin pero likod pa lang nya kilala ko na.

"But Khail." Sabi nung babae na si Terry. "Hindi maganda yang pinapasok mo. Mahal kita Khail at ang    gusto ko lang na gawin mo ay yung magpapasaya sa'yo and I think that what you are trying to do will not guarantee you a happiness."

"Terry, I'm into it already and I'm not asking for your approval. I'm just telling you this para maging ready ka kasi alam kong  maaaring hindi mo sang-ayunan ang desisyon ko. Mahal kita Terry, hindi naman mawawala yun eh, at kung gusto mo talaga akong maging masaya hahayaan mo ako and besides I have the permission of both parents.  Ibalato mo na ito sa akin okay."

Bigla namang niyakap ni Terry si Khail, I mean si Gab pala. Para na akong spy dito.

E di sila ng sweet.

"Teresa, bitaw ka nga!. Ginagawa mo naman akong bata nyan eh." Maktol na sabi ni Gab.

Kumalas si Terry sa pagkakayakap. "Anong Teresa? Ginagawa mo naman akong matanda nyan eh." Biglang sumimangot si Terry. Ayaw nya talaga na tinatawag sya na Teresa. "Therese na lang or Terry but don't dare call me Teresa again or else..." sabi nya with her nakakalocang smile.

"Or else?" Gab asked challengingly.

"Secret na lang muna yun, baka nakakalimutan mo kilalang kilala kita Gab Mikhail Evangelio," she kissed his forehead tapos umakyat na sa stairs.

Yung hitsura ni Gab ay parang batang inagawan ng candy. Heto namang si Terry pasuspense pa.

Lalapitan ko na sana si Gab para makapaglunch kami kaso may biglang humawak sa braso ko.

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon