"Hmmmm."
"I-I-I-I-ay nakalimutan kong sabihin sa iyo na may meeting ang book lovers' club mamayang 1pm." Ano ka ba naman Yvonne, I love you lang di mo pa masabi!
"Alam ko na iyan, nasabi na sa akin ni Riz kanina." Eh di sila na nga ang close ng bff ko. Epic fail na naman ako.
"Sabi ni Geriel may event kayo mamaya para sa literature, manonood ako ha."
Ano raw? Ni hindi nga ako naghanda para doon tapos manonood siya? Kung hindi pa nga ako niremind ni Rachelle kanina ay hindi ko malalaman na may gagawin kami for today.
"Ano!?! Manonood ka? Bahala ka! But I'm telling you. Magkakalat lang ako doon, kanina ko nga lang nalaman na ngayon na pala iyon."
Bigla naman siyang tumawa. "Ano ka ba naman Margue..." hinawakan na naman niya ang kamay ko. "Ikaw na ata ang pinakamagaling na performing artist na nakilala ko."
Umakyat na ata lahat ng dugo ko sa mukha. I don't know kung dahil sa kilig o sa hiya o dahil sa kuryenteng gumagapang mula sa kamay niya habang ang puso ko naman ay nagmamarathon. May balak atang sumali ang puso ko sa track and field events sa Olympics.
"Tapusin na nga lang natin itong pagkain."
Hindi ko na siya pinansin habang kumakain kami. Matapos noon ay pinainom niya ako ng gamot.
***
Naglalakad kami ngayon papuntang Book Lovers' Club. Tahimik lang kami. Masarap sa pakiramdam yung ganito. Iyong kahit walang nagsasalita sa aming dalawa ay para pa rin kaming nagkakaintindihan.
Ano nga bang tawag doon?
Synchronicity.
We have that thing or baka naman coincidence lang ang lahat, lahat lahat ng similarities namin? Pero too much coincidence ay masyado nang nakapagtataka.
Perhaps synchronicity between two different bodies exists thus, embodying them a single soul.
What could that be? Friendship? Love?
Or probably BOTH!
Muli kong naramdaman ang kamay ni Gab na nakahawak sa kamay ko. Akmang bubuksan ko ang pinto ng opisina nang bigla niya akong hinila papalapit sa kanya and he gave me a featherlight kiss.
The first kiss of my hand.
Pwede niya ng palitan ang Meralco. Napakarami niyang supply ng kuryente. Palagi na lang akong nagaground. Binitawan na niya ako at tumalikod. "See you later" sabi niya habang kumakaway palayo.
End of the world na ba? Bakit biglang bumalik ang makulit at romantic na Gab na kilala ko?
Fate! Ang lakas mo mang trip!
Nang mawala na si Gab sa paningin ko ay binuksan ko na ang pinto. Nasa loob na ang mga kaibigan ko. Busy sila. Nagdadaldalan.
Sabi nila ay mayroong meeting pero kami-kami lang din ang nandito. Nagkukwentuhan lang sila at hindi ako makarelate. May meeting ba talaga o gusto lang nilang magkwentuhan kaya kami nandito?
Hindi ako maka-connect sa pinag-uusapan nila. Lumilipad-lipad pa rin ang kaluluwa ko dahil sa kilig. Kung siguro noon ko pa nalaman na mahal na namin ang isa't isa ay mas masaya kami ngayon. Isang taon rin ang nasayang namin dahil sa aming pabigla-biglang desisyon.
Sinubukan kong pakalmahin ang kaluluwa kong nangingisay na sa kilig. Kailangan kong magpractice ng kakantahin ko para sa performance mamaya. Kanina ko lang din nalaman kung anong kakantahin ko. I mean, hindi ko talaga alam yung piece, kanina lang inabot sa akin ni Rachelle ang lyrics at minus one. Pagkaabot niya ay isinilid ko na sa bag ko kaya hindi ako nagkaroon ng chance na masilip man lang kahit ang title noon.
Dakilang taga-awit lang ako mamaya sa presentation, isang extra, ayaw ko na kasing umacting. Tinalikuran ko na ang bagay na iyon. Kumanta na lang daw ako para kahit paano ay may participation ako. Ako iyong mag-aappear sa stage habang naka-freeze ang mga tauhan. Parte iyon ng aming act.
Inassign din nila ako na magpresent ng tula na ako mismo ang may akda. Pero hanggang ngayon, kahit isang word ay wala pa akong nasusulat. Ngayon ko lang narealize na natambakan na ako ng trabaho dahil sa kamumukmok ko. Magsusulat na lang muna ako ng tula, madali ng magpractice ng kanta.
Bahala na si Batman, isama pa niya ang side kick niyang si Robin.
Habang nagsusulat ako ay biglang bumukas iyong pinto. Nagsipasukan ang mga members ng club. Napaaga kami ng thirty minutes sa kadahilanang gusto nilang magkwentuhan. Nag-usap lang ng kung anu-ano para sa papalapit na college fest slash foundation week.
At exactly three in the afternoon ay magsisimula ang presentation namin. Alas-dos na at hindi ko pa rin alam ang kakantahin ko.
Kinuha ko ang piece mula sa bag. Nanlaki ang mga mata ko noong mabasa ko ang title. Talaga bang nananadya ang coincidence o ang fate?
Sa lahat naman ng kanta ay 'I love You So' pa ni Toni G. ang naisipan nila.

BINABASA MO ANG
Just Believe- PUBLISHED under LIB-
SpiritualPublished! Now available in all Precious Pages Stores, National Book Stores, Pandayan Bookshops, Expressions nationwide. 119.75 php Grab your copy now! "Happy ending does exist. Hindi mo lang makita dahil ayaw mong tingnan. Hindi mga mata ang magt...