Kabanata Dalawampu't Siyam

2.8K 39 7
                                    

Chapter 29

The Choice

 

"I won't take that chance Gab, I won't take that."

I will never risk my baby's life, never.

"But love..."

"No more buts Gab." I cut him bago pa man manggaling mismo sa kanya ang isang bagay na ayokong marinig.

It's my choice, the choice that I know I will never regret.

Tumayo ako habang patuloy ang pag-agos ng luha ko. Naglakad ako papalayo sa kanya at  lumabas na mula sa study room.

Rinig na rinig ko ang kanyang pagtangis.

Ang bawat luha nya ay parang karayom na tumutusok sa puso ko. Mas gugustuhin ko pang masaksak ng isang libong kutsilyo kaysa makita syang nasasaktan.

Sino ba ako para mahalin ng isang tulad nya?

Sino ba ako para pangakuan nya ng walang hanggang pagmamahal?

Maggagabi na pero ramdam ko pa rin ang tension sa pagitan naming dalawa.

Matapos ng pag-uusap namin kaninang umaga sa study room di ko pa rin sya pinapansin.

Gusto kong sanayin sya na wala na ako.

At bukod dun ayoko ng chance na sinasabi nya.

Nasa hapag-kainan kami ngayon. Hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain ko, si Gab ganun din.

I chose to stay beside you and just by choosing that I also chose to hurt you.

But Gab, now my choice is to go away.

Walang nagsasalita sa amin. Hindi ko sya tinitingnan, sa pagkain lang ako nakatingin, sa pagkaing di ko naman ginagalaw.

Ayoko lang talaga syang Makita.

"FINE!" biglang sabi ni Gab. padabog syang tumayo.

"Kung ayaw mo akong kausapin e di huwag. Kung gusto mong masanay ako na wala ka sa tabi ko eh di ipagpatuloy mo yang ginagawa mo. Iwasan mo ako, iyang pagkain lang ang titigan mo, baka sakaling maubos yan sa tingin lang."

Bakas na bakas sa boses nya ang sakit na idinulot ko sa kanya.

"Sa tingin mo ba magagawa kong masanay na wala ka. Sa tingin mo ba kahit ipagtabuyan mo ako ng paulit-ulit magagawa kong kalimutan ka. Margue impossible ang gusto mong mangyari."

Pero iyon ang dapat mangyari, dapat mo akong kalimutan.

"Oo Margue, mamatay ka na... yun ang gusto mong marinig di ba? Mamatay ka na! MAMATAY KA NA! ilang beses mo bang gustong ulit ulitin kong sabihin yun... gagawin ko. Mamatay ka na. bakit ba pinagpipilitan mong mamamatay ka na? "

"Kapag nawala ka hindi lang ikaw ang mamamatay...pati ako... dahil ikaw ang buhay ko."

wala akong nagawa kundi ang umiyak. Hindi ko pa rin sya magawang tingnan.

" mamamatay ka na! oo alam ko yun, alam nating lahat yun pero wag ka na sanang umasta na parang gusto mo ng magpatiwakal. Sa ginagawa mong yan hindi lang ang sarili mo ang pinapatay mo, pinapatay mo ang natitirang pag-asa ng mga taong nagmamahal sayo... ang pag-asa namin na mabubuhay ka."

At padabog syang umalis.

Ang sama ko. Ang sama sama kong tao.

Ang sama sama kong asawa.

Wala na akong idinulot sa kanila kundi problema.

Wala na akong ibinigay kay Gab kundi paghihirap.

Ang sama ko...

Ang sama sama ko.

Nanghihina ako.

Nahihirapan na akong huminga.

Tumayo ako.

Nahihilo ako, parang umiikot ang buong paligid.

Wag muna ngayon, may four months pa ako.

Please. Kahit four months lang.

And everything...

Went blurry...

Four months pa please.

Four months pa para sa baby ko.

Everything....

Went black.

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon