Kabanata Dalawa

8.7K 108 27
                                    

"BEE!!! Where art thou? May klase na tayo!" napasimangot ako noong makita ko ang text message sa akin ng kaibigan at kaklase kong si Geriel. Oo nga pala, late na ako sa klase. Tanghali na kasi ako nagising. Nahirapan akong matulog kagabi at nahihilo pa rin ako hanggang ngayon.

Kaagad kong ipinasok sa shoulder bag ang aking cellphone at nagmadaling maglakad papunta sa College of Business and Accountancy Building kung saan matatagpuan ang classroom namin ng blockmates ko. Nasa may gate pa lang ako at may kalayuan ang building sa gate kaya kailangang full speed ang paglalakad ko.

Pero kahit gaano ako ka-late at kahit gaano kabilis ang paglalakad ko na halos hindi ko na nabibigyang pansin ang mga nakakasalubong ko ay hindi ko pa rin nagawang pigilan ang mga paa ko sa paghinto.

Automatic ang naging reaksyon ko. Palagi akong ganito. Kahit nasa medyo malayo siya, alam kong siya iyon. Nakakapagtaka nga na kahit gaano kadami ang tao sa paligid ay nararamdaman ko kapag nasa malapit lang siya. Ang lakas lang ng radar ko pagdating sa kanya.

Siya? Isang taong pinili kong iwasan. Isang taong gusto kong kalimutan pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawa.

Paano ko nga ba magagawang kalimutan ang isang taong araw- araw ko rin namang nakikita? Kahit anong gawin kong pag-iwas ay nagkukrus pa rin ang landas namin. Nasa iisang building lang kami at nasa parehong department.

 Ang daya-daya lang, kung sino pa 'yong tao na gusto mong malayo sa'yo, siya pa rin yung ipinipilit ng pagkakataon na makasalamuha mo.

Siguro, kahit ano pang gawin ko ay hindi ko na rin sya maiaalis sa sistema ko. Naging parte rin naman siya ng buhay ko. Kung tutuusin nga'y ang pinakamasasayang sandali ng buhay ko ay ang mga panahon na kasama ko siya.

Sasabihin ko ba sa kanya o hindi? Dapat ko bang ipa-alam sa kanya?

Hindi ko alam, hindi ko alam kung dapat pa ba niyang malaman pero ayoko rin naman na umalis na may nakakasamaan ng loob. Hangga't maaari ay gusto kong ayusin ang lahat ng gusot na meron ako sa huling taon ko.

Isang taon. Iyon na lamang ang meron ako.

Gusto kong makipag-ayos sa kanya kahit pa iniiwasan niya rin ako na para bang may nakakadiri at nakakahawa akong sakit.

Pareho lang naman kami, pareho naming iniiwasan ang isa't isa. At hanggang ngayon ay isang malaking misteryo pa rin para sa akin kung bakit siya lumayo. Kung bakit hinayaan n'ya na umabot kami sa ganito. Kung bakit naging total strangers na kami sa isa't isa.

***

"YVONNE!!!" malakas na sigaw ni Geriel noong makarating ako sa classroom namin. Mabuti na lamang at naisipan ng mga paa ko na humakbang. Para kasing may sariling utak ang mga paa ko kanina, automatic na huminto.

"Bee! Nakatulala ka na naman." Nag-aparisyon naman si Amy mula sa kung saan, katulad ni Geriel ay isa rin siya sa mga malalapit kong kaibigan.

"Is there something wrong?" Nakita ko ang concern sa mga mata ni Amy, maging si Geriel ay ganoon din.

Haaayy! I am blessed na magkaroon ng mga kaibigan na tulad nila. Sayang nga lang at hindi ko na sila makakasama nang mas matagal. Parang ang daya ko lang, iiwan ko agad sila. Nangako pa naman kami sa isa't isa na walang iwanan at sabay naming tutuparin ang mga pangarap namin.

"Lately, napapansin namin na madalas kang tulala. Ano bang nangyayari sa'yo? Sinapian ka ba ng engkanto o na-abduct ng alien ang totoong Yvonne Marguerite De Vera? Nakakapanibago ka bee, alam mo ba yon?" walang prenong sabi ni Geriel. Pero sa kabila ng parang machine gun niyang bibig at sobrang tinis na boses ay ramdam ko ang concern niya para sa akin.

Just Believe- PUBLISHED under LIB-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon