BAILEY'S POV
Pagkamulat ko ay mukha agad ng katabi ko ang nakita ko, si Scarlett! Parang bigla akong nabato ng isangdaan na problema nang maalala ang nagyari sa amin kagabi, we had sex. Samantalang kakasabi pa lang niya na pakasalan ko muna siya bago mangyari sa amin 'yun! Kahit naman sabihin ko na siya ang may gusto nito ay ako pa rin ang lalaki, kahit na sabihin ko na sumunod lang ako ay nasa akin pa rin ang huling halakhak dahil walang nawala sa akin, samantalang nakuha ko na kagabi ang pagkabirhen niya.
Naupo ako at sumandal sa headboard, nakahiga siya sa dibdib ko habang tulog na tulog. Kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan 'yun, masaya ako sa nangyari sa amin, masarap, gusto ko ulit ulitin pero hindi na dapat masundan 'yon hanggat hindi pa kami kasal sa isa't-isa. Mahirap masundan 'to nang masundan, baka makabuo kami bigla. Kaylangan ko muna siyang pakasalanan.
Mukha siyang anghel kung matulog, pakiramdam ko ay nasa labi ko pa rin ang labi niyang malambot. Masarap talaga sa pakiramdan. Bumuga ako ng hangin bago alisin ang paningin sa kanya at tumayo. Binihis ko ang mga damit saka pumasok sa banyo't naligo. Naging mabilis ang pagligo ko at pagbihis ng damit na bago. Kaya nang lumabas ako ng banyo ay natigilan ako nang makita ang gising na si Scarlett na nakasandal sa headboard ng kama at pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay. 'Di pa rin siya bihis dahil pinalibot lang sa katawan ang kumot na ginamit namin.
Tangina naman talaga, Bailey Smith! 'Di ka nag-iisip! Bobo ka!
"Good morning," bati ko nang hindi man lang makatingin sa kaniya! "Ah," umubo ako ng peke at saka lumapit sa kanya at maupo sa kama. "Sa nangyari kagabi..."
Hinarap niya ako at saka kinuha ang kamay kong nakapatong sa kama, "bakit? Don't tell me na nagsisisi ka," saka siya tumawa at binitawan na ang kamay ko. Inayos niya ang nakapulupot na kumot sa katawan, "paabot na lang ng mga damit ko," katulad nang pinag-uutos niya ay kinuha ko ang mga damit niyang hinubad kagabi at inabot sa kanya, "what happened was both our decision. Wala akong pinagsisisihan, ikaw ba?" Maganda ang pagkakangiti niya sa akin.
Ang iniisip ko ay paano kung may mabuo? Tch.
Bumaba ang tingin ko sa tyan niya kaya sinundan niya ng tingin ang paningin ko hanggang sa tumawa siya ng malakas. Simangot tuloy ang mukha ko nang harapin siya! "Inaalala mong baka mabuntis ako? Baliw ka ba? Hahaha!" Bakit ba hindi siya nag-aalala? Baka nga kasi may mabuo! Paano na ang pag-aartista niya? Si Scarlett ba talaga 'tong kausap ko? Tch!
"Iniisip ko lang na baka may mabuo! Wala naman masama ro'n!" Asik ko at iniwas ang tingin sa kanya. Naupo ako paharap sa gilid habang siya ay nakasandal pa rin sa headboard ng kama. "Pero kung meron man... pananagutan ko,"
"Sige," natatawa niyang sagot. Aish! Bakit hindi niya sineseryoso ang bagay na 'to?
"Kapag may naramdaman ka, tawagan mo agad ako. Magpapa-check up ka,"
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...