CHLOE’S POV
Parehas kaming napatigil ni Dennis sa paglalakad nang makita namin si Ethan sa labas ng classroom namin. He's looking at us with those lonely eyes. Alam 'ko na may problema pero hindi 'ko magawang tanungin kung ano bang nangyayari. I know I can ask but I didn't because we're already done.
Pasimpleng tumingin sa 'kin si Dennis bago ako kalabitin. "Ex mo," bulong niya.
Tinignan 'ko lang si Ethan bago ako umiwas at maglakad palayo sa kanya. Sumunod naman agad si Dennis sa 'kin.
"Hindi mo kakausapin? Kawawa naman!" Bulong na naman niya.
"Kung naaawa ka, eh 'di ikaw ang kumausap." Malditang sagot 'ko bago kunin ang earphone sa bag at isalampak sa tenga 'ko.
"Pero kahit na!" Kahit may kanta na akong pinapakinggan, mas naririnig 'ko pa rin ang boses niya. "Parang others ka naman!"
Huminto ako at nilingon muna si Ethan bago muling tjgnan si Dennis. "Anong others? Ang sabi 'ko sa 'yo, kung ikaw naaawa, then talk to him." Mariin na ang pagkakasabi 'ko.
"Ako ba ex nun?" Tinuro ng nguso niya kung nasaan si Ethan. "Chloe, kausapin mo na. Malay mo may sasabihin lang na importante?"
I rolled my eyes. "Not interested."
"Chloe naman?" Huminga siya ng malalim bago pumunta sa harapan 'ko at harangan ang daraanan 'ko. "You're acting as if you don't care. Pero kita 'ko sa mata mo. You're also asking yourself why he's here. Tama naman ako 'di ba?" Hindi ako nakasagot. "Kakausapin mo lang. Back up mo naman ako."
Mas naiinis lang ako dahil sa mga sinasabi ni Dennis. Pinipilit niya akong kausapin yung taong kinaiinisan 'ko. He's pushing me to do something I don't want!
"Ayoko," I answered while staring at his eyes.
I saw defeat in his face. "Chloe naman," nilagpasan 'ko siya at nauna na 'kong umalis. "Huy,"
Hindi ako lumingon. Ayoko na lingunin si Ethan. Tama na yung sakit na nararamdaman 'ko. Nakita 'ko siya kanina sa may labas ng canteen. For sure magtatanong lang siya kung kumusta na 'ko. He always tries to strike up a conversation with me.
Ayoko siyang lingunin kasi baka mamaya, hindi 'ko kayanin, takbuhin 'ko bigla.
"Huy," habol pa rin ako ni Dennis hanggang sa makalabas kami ng campus at mapuntahan 'ko ang kotse 'ko. "Chloe!" I started the car and was about to hop in when Dennis closed the door. "Makinig ka kaya muna sa 'kin!"
Nagulat ako sa ginawa niya. Halos lumabas ang puso 'ko sa gulat! Pero pinili 'kong humarap sa kotse 'ko. Ito na naman siya. Nagagalit na naman siya.
"Look at me," marahan niyang sambit kaya nang humarap ako sa kanya at nanlalaki ang mga mata niyang makita na umiiyak ako. "Bakit ka umiiyak?"
Umiwas ako at pinunasan ang pisngi. Bakit nga ba ako umiiwas? I feel pathetic again! Yung sakit na matagal 'ko na kinalimutan, bumabalik na lang sila bigla-bigla. The trauma he brought me. The pain Ethan brought. Yung promises niya na hinding-hindi niya gagawin sa 'kin 'to… they're all coming back to me now.
"Chloe," mahinahon na tawag sa 'kin ni Dennis at pinilit akong iharap sa kanya. "Sorry…"
Umiling ako at umalis sa harapan niya. "Ayoko siya kausapin kasi masasaktan na naman ako, Dennis." I made him realize the pain of my every word. "Kaya ayoko."
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...