03

647 22 3
                                    

SCARLETT'S POV





"Siya 'yung older brother ni Abby and most especially Scarlett, that's your hot ex-boyfriend,"





That's T? 'Di ko siya nakilala! Ang laki ng pinagbago niya, mula sa paglaki ng katawan niya, he looks manly now! Wow! Ilang taon ko siyang hindi nakita simula nang maghiwalay kami at maging kami ni Bailey. Although I still sorry because of what I did, ginamit ko siya para makalimot noon, I bet he's mad at me now.





Iniwas ko ang tingin kay Anya at pinanood na lang ulit ang endorsement nito. Mas gumwapo siya, ang gandang lalaki na niya! I wasn't able to know na siya pala 'to, para akong naloka sa nalaman. Naging model siya, he's in the showbiz like me!





Mabuti na lang ay nag-ingay ang cellphone ko kaya agad ko 'yun kinuha sa pouch at sinagot ang tawag ni Ate Ciara. "Hello?"





[You! You're not in your house!] Nilayo ko ang telepono sa tenga ko nang magsimulang manigaw ang manager ko, [bakit ba bigla-bigla ka nawawala? Gusto mo yata magaya kay Czarina eh! Palalagyan na kita ng guards mamaya rin!]





"Nasa condo lang ako ni Anya," angil ko rito. "I drove myself here,"





[Anak ka ng pating, Scarlett! That's ten kilometers from your place! Drinive mo? Wala ka pa ngang isang taon sa pagmamaneho! Gusto mo ba maaksidente? Nako talaga! Tatanda agad ako sa'yo!] Ngumuso ako sa sinabi niya, [anyway, susunduin ka na namin d'yan,]





"Uuwi na lang ako,"





[We don't have the luxury to do that, baka nawala sa isip mo na may schedule ka today? Hello, Scarlett? Ang endorsement mo?] Masungit niyang pagpapaalala kaya napabuntong hininga na lang ako. Naging artista nga ako, hindi ko naman na magawa ang mga gusto ko. This is pretty annoying, 'di ko rin masabi ang mga salitang gusto ko dahil baka masira ang image ko, do I really have to be like this para lang sa pangarap ko? Bumuntong hininga na naman ako at napahawak sa noo ko, [we'll be there in an hour,] I doubt that pero dahil may pera na nakasalalay, for sure they'll be here in less than an hour.





"Take care,"





[Just leave your car there, ipapasundo ko 'yan mamaya at ipapahatid sa bahay mo, clear?]





"Crystal clear," sagot ko saka pinatay na ang tawag.





Kaagad akong humarap kay Anya nang marinig ang pagtawa niya. Unlike me, talagang nag-focus siya sa theater, ni hindi ko siya nakitang lumabas sa TV, wala siyang tinatanggap na guesting sa shows, mga side-line jobs as hosts, mga lalabas sa movie o teleserye, lahat 'yun, she declined it all. Her only reason ay hindi siya nag-artista sa theater para lumabas sa TV, gusto lang niya umarte sa ibabaw ng entablado. Ako kasi ay tumanggap lang ng offer na lumabas sa TV, ayon, nagsunod-sunod na. Hanggang sa magkaro'n na rin ako ng endorsements, mga shops na ako mismo ang nagmo-model sa products nila, I also accepted few movie roles. Kahit na sabihin kong focus din ako sa theater ay naging artista pa rin ako sa TV, kaya naging ganito ako kasikat, kaya magkaiba ang buhay namin ngayon ni Anya.





She's contented to do everything she wants, samantalang ako ay parang nagkaro'n ng posas sa leeg. Kaylangan ko palaging ngumiti, kaylangan maging mabait, kaylangan 'di magkaro'n ng issue, kaylangan ko rin alagaan ang pangalan ko kundi pagbabayarin ako ng management. Mayroon kasing pangit na batas sa GLC kung saan ako minamanage ni Ate Ciara na kapag nadumihan ang pangalan ko ay magbabayad ako ng kalahating milyon. Nasa kontrata namin 'yon kaya todo alaga rin talaga ako, noong una ay nasasayahan ako dahil maraming sumusuporta sa akin. Hanggang sa isang araw, napagod na lang ako sa ganitong paraan ng buhay ko.





Together, You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon