05

601 26 8
                                    

Time frame: A month after.





SCARLETT'S POV





Titig na titig ako sa magandang gown ni Ate Vanessa na may kumikinang na bato sa dulo ng long gown niya, kitang-kita ang magandang kurba ng katawan at 'di halata ang pagbubuntis niya. Si Bailey ang best-man at si Czarina naman ang maid-of-honor, kaya habang tinatahak ni Ate ang daan ay nasa tabi niya ang Daddy nilang umiiyak na rin.





"Ang ganda niya," rinig kong bulong ni Florence kaya napalingon ako sa kanya at natawa na lang nang makita ang titig na paningin sa Noona ng nobyo ko, "pati 'yung suot niya maganda, ang perfect nito," mahinang bulong, kinakausap ba niya ang sarili niya?





"Mararanasan mo rin 'yan," bulong ko sa tenga niya kaya nang harapin ako ay mahina kaming natawa. "Wala pa ba kayong plano ni Jayden?"





Nasa kabilang bahagi ang mga lalaki habang kami ay nasa kaliwang bahagi ng simbahan. Maraming bisita, ang lahat ay tutok sa babaeng naglalakad sa aisle habang umiiyak at nakakapit sa magulang niya.





"Wala pa, matagal pa 'yon," aniya na tinakpan pa ang bibig, "wala pa sa isip namin 'yon," humarap siya sa akin saka ako nginitian, "kayo ba?"





May nangyari na nga sa amin eh. "Wala pa rin, pero napag-uusapan na,"





"Talaga?" Gulat niyang tanong at napahawak pa sa mga kamay ko habang 'di mapigilan ang mga ngiti, "kelan? May date na ba? I'm excited!"





Napangiwi ako bago tignan si Bailey na sakto ay nakatingin din sa akin kaya nginitian ko siya at kinawayan, "wala pang date kasi hindi pa naman nagpo-propose, sadyang napag-uusapan lang," saka ako mahinang natawa at inakbayan si Florence na madali kong nagawa dahil maliit siya at matangkad ako, haha! "Ang isipin natin ay kasal ni Charlotte at Callum, haha!"





"Oo nga!" Masayang sagot ni Florence sa akin saka pinagkatitigan ang likuran ni Charlotte na pinapanood si Ate Vanessa. "Pitong taon na rin silang engaged, ilang taon na lang ay makakasal na sila," ayon nga lang ay alam namin na mauunahan pa rin namin silang dalawa. Wala tuloy sa sariling napatingin kami kay Chloe na tahimik na pinapanood ang paglalakad ng bride sa aisle, sa sobrang tahimik niya ay halata namang may naalala siya. "Iniisip mo rin ba ang naiisip ko?" Mahinang bulong niya sa akin.





Bumuga ako ng hangin, "oo," napunta kay Ethan ang paningin ko na nakatitig lang din sa naglalakad, ni hindi mabasa kung galit ba o sadyang wala lang pake sa naglalakad dahil sa kawalan ng emosyon. "Tulala rin si Ethan," hininaan ko ang pagbanggit sa pangalan niya, "I bet they're thinking about their promises before the tragedy,"





"Gano'n naman palagi," mahinang tugon ni Florence kaya nilingon ko siya, "nasa huli palagi ang pagsisisi," sagot niya saka lumingon sa akin at nginitian ako, "'di ko masisisi si Chloe kung pinili niya 'yon, sadyang sayang lang,"





"May sayang ba ro'n? Wala naman," sabay kaming napatigil nang sumingit sa usapan si Chloe na nakatingin sa amin at nakangiti ng malawak. She heard us! "Dapat hindi niyo na iniisip kung ano 'yung sayang at kung ano ang maiiwan kapag pinili mo kung anong nakakabuti sa sarili mo. I did it to move on, ayon lang, para sa sarili ko, ako na muna ngayon." Kahit may ngiti sa labi niya ay hindi ko malaman kung inis ba siya sa amin o hindi! "Kapag kasi inisip niyo palagi na sayang... you'll never be okay,"





Bumitaw ako sa pagkakaakbay kay Florence saka nilakad ang daan palapit kay Chloe saka siya niyakap ng mahigpit. "Magkwento ka lang sa amin, okay? Makikinig kami,"





Together, You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon