Prologue

10.9K 211 65
                                    

Time frame: 2-3 years after graduation in Hundred University.




PROLOGUE





CHLOE'S POV





"I don't understand, bakit sinasabi niyo 'to sa akin? Do you have any proof?" Pinipigilan ko lang magalit sa sinasabi sa akin ng mga kaklase ko dahil paano ako maniniwala, ayokong paniwalaan ang mga kalokohan nila!





Hindi kasi 'yun magagawa ni Ethan sa akin.





"Then don't believe us!" Inis na rin na sagot sa akin ni Kiesha, siya ang nagbalita sa akin na may ibang kinakasama si Ethan ngayon mismo at nakita raw niya nang dalawin ang COBM, ang College of Business Management. Bumuntong hininga pa si Kiesha bago maupo sa bench at tabihan ako, "you know me naman 'di ba? 'Di ko 'to gagawin para saktan ka lang... the thing is, kalat na sa COBM ang relasyon niya kay Gabi..."





Gabi...?





Nilayo ko ang paningin sa kanila, ayokong umiyak dahil hindi ko 'yun gawain pero ayoko rin naman itago ang nararamdaman ko. 'Di ko alam kung anong nangyayari kay Ethan pero sa relasyon namin, alam kong may pagbabago sa amin. 'Di ko alam kung ano 'yun, parehas naman namin mahal na mahal ang isa't-isa perk bakit umabot na sa ganito?





He became an asshole ever since maglipat siya ng kurso. Hindi niya sinabi sa akin ang dahilan kung bakit, ang sinabi lang niya ay tinatamad na siya, ayon lang, hindi 'yun sapat na rason kaya hindi ko pinaniwalaan. 'Di ko 'yun paniniwalaan dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang mga camera niya. Enrolled siya sa BAC, a Communication course, mahal na mahal niya ang course niya pero bigla ay lumipat siya sa Business Management class.





At simula nang lumipat siya ay hindi ko na siya makilala, hindi na siya ang Ethan na nakilala at minahal ko. Nagbago siya, nag-iba na ang nararamdaman niya para sa akin.





Ano bang rason mo, Ethan?





Kaya ngayon na kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang walang reaksyon niya sa pag-aaral, ni hindi nagbibigay ng kahit na anong emosyon ang mukha at tanging buntong hininga ang mga nagagawa.





Anong nangyari? Anong pinagdadaanan mo? Ayos ka lang ba?





Pero lahat ng tanong ko ay nawala nang makita na lingunin niya ang babaeng nasa likuran at may ibulong sa tenga nito, agad tumango ang babae na kinatuwa ni Ethan, sa sobrang tuwa niya ay nawala pa ang mga mata niya nang tumawa. "Montenegro! Focus on my class!"





"Sorry, Sir, hehe," sagot pa niya bago umayos sa pagkakaupo at muling titigan ang blackboard kung saan nagsusulat ang propesor.

Together, You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon