Time frame: five months ago
SCARLETT'S POV
Lalabas na dapat ako ng pinto nang maaninag ko ang sarili sa salamin. Red skirt, black top, fish-net stockings, boots and red lipstick... I look so damn fine. Inayos ko pa ang buhok sa likuran ng tenga bago lumabas ng bahay at dumiretso sa sasakyan. Mabilis ang pagmamaneho ko papunta sa night club na parati kong pinupuntahan. Gray Skies...
Pinarada ko ang kotse sa gilid. Tinanggal ko ang shades sa mata bago lumabas ng sasakyan. Nilakad ko ang daan papunta sa entrance, marami agad ang nagbulungan nang makilala ako dahil wala akong sinuot na pang-disguise. Rinig na rinig ko ang mga bulungan nila. Ang iba pa ay nakikita ko ang pagkuha nila ng mga picture sa 'kin.
"She's Scarlett, right? OMG!"
"Damn! She's so hot!"
"What is she doing here, my God!"
Pinapasok agad ako ng bouncer. Maingay na tugtugin ang sumalubong sa 'kin. Tunog pa lang ay natu-turn on na ako. Ito 'yung gusto kong ingay. Ito 'yung kaylangan ko para makalimot. Ito 'yung distraction na kaylangan ko kaysa magmukmok ako sa bahay at alalahanin ang pagtatalo namin ni Bailey.
"Fuck, man! She's hot!"
"Arnold, shut the hell up! That's Scarlett!"
"Scarlett-- what?! That chic?!"
Dumiretso ako sa counter at naupo sa upuan. "Vodka." Order ko na ginawa agad ng bartender at inabot sa 'kin 'yun.
Para akong agaw eksena dahil halos lahat ay napapatigil sa pagsayaw at pinapanood ang bawat kilos ko.
"Damn it! Is she okay? Vodka ang order!"
"Let her do her thing! Come on, let's dance Kenneth!"
"Fine... hahahahahahaha!"
Malakas ang tama ng vodka sa 'kin. Agad akong napayuko nang maramdaman ang hapdi no'n sa lalamunan ko. Iniling ko ang ulo nang makaramdam ng kakaibang sakit, sakit sa ulo! "One more, please..." utos kong muli na sinunod agad ng bartender. "Isa pa..."
"Wow! A hard-drinker! May problema siguro hahahahahaha!"
"Samahan natin p're!"
"'Wag na! Hayaan niyo na lang! Baka pahinga niya 'yan eh!"
Hindi ko mabilang kung ilang inom pa ang nagawa ko. Nang lingunin ko ang dance floor ay parang tinatawag naman no'n ang pagkatao ko. Tumayo ako at kahit gegewang-gewang ay lumakad ako ro'n. Pumunta ako sa gitna at nagsimulang sabayan ang maingay na tugtugin.
Glad You Came
The WantedSiguro dala nang kalasingan ay nagawa kong tumalon-talon habang nakikisabay sa sayawan ng ibang tao. I miss this. I miss clubbing. I miss dancing with loud musics. Ito 'yung first love ko, eh. Club is my safe space before. And this club is also the reason why Bailey and I met...
Ah, fuck.
Napahinto ako sa pagsayaw nang maalala ang masayang pag-amin niya sa 'kin nang nararamdaman niya. Noong ikwento niya sa 'kin ang unang beses na nakita niya ako. Haa! How come I still remember his words? Ilang taon na 'yun ah!
Humawak ako sa damit sa bandang dibdib nang makaramdam ng kakaibang sakit. Ibang-iba. 'Yung sakit na para kang sinasakal at hindi ka makahinga ng maayos. Naiintindihan ko naman 'yung mga nangyari pero bakit ganito parin ang nararamdaman ko? Is it because I loved him too much?
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...