17

2.1K 96 7
                                    

BAILEY'S POV


Ako ang unang nagising matapos ang napakagandang gabi namin. We're both fully dressed but I can still remember what happened. Hindi tulad noon, wala nang pag-aalinlangan ngayon. Handa na kami parehas sa mga mangyayari ngayon, hindi tulad noong unang beses naming gawin iyon. At inaamin 'ko na mas maganda ang ganito kaysa noon na takot ang naramdaman namin.



Niyakap ko siya nang mahigpit at mas hinigpitan ko rin ang hawak sa kamay niya. Ayaw ko siyang bitawan dahil baka panaginip lang pala 'to. Nakakatawang isip na ngayon 'ko pa naisip na panaginip 'to matapos ang lahat.



"I love you," bulong 'ko at dinampian ng halik ang ulo niya.



Marahan akong tumayo at lumabas ng kwarto niya. Bumaba ako sa kitchen at nagluto ng breakfast namin. Patirik na ang araw kaya naisipan 'ko na mag-jogging pagkatapos magluto. Mabilis lang naman dahil pagkauwi 'ko ay gising na siya at hinihintay ako sa may doorstep ng bahay niya.



"You're awake," lumapit ako kay Scarlett at hinalikan ang labi niya.



"Yeah," she smiled at me and gave me another kiss. "I thought you went home after cooking me breakfast,"



Aba! Paano ako makakauwi? Ayoko nga! I want to stay longer! 'Saka lalabas kami, 'di ba? Ipapasyal pa namin 'yung pinsan 'ko. "Nag-jogging lang," umupo ako sa harapan niya at hinawakan ang mga kamay niya. "'Di ako nakapagsabi kasi tulog na tulog ka,"



Scarlett nodded and smiled at me, mukha naman siyang hindi nagtatampo. Mukha lang siyang malungkot dahil akala niya ay umalis na 'ko. "Okay," she smiled sweetly at me. Nakakaadik iyon. "Maligo ka na tapos kumain na tayo," she even touched my cheeks while saying it.



"Okay," I obliged politely. "Paliguan mo 'ko?"



Tumaas ang kilay niya at inilingan ako. Wala akong mabasa na hiya sa pagitan namin kahit na mag-joke ako patungkol sa bagay na 'yon. Bigla ay naging open kami sa ganitong bagay. Ang sarap sa feeling.



"Aanhin kamay mo kung ako magpapaligo sa 'yo?" pero naroon parin ang kasungitan niya! Hahaha!



"Sungit mo naman," ginulo 'ko ang buhok niya at akay-akay siyang tinayo. "Tara, pasok na tayo,"



"I'll reheat the foods and you go, take a bath first," dumiretso siya sa kusina kaya sinindan 'ko siya. Nagulat pa nga siya nang makita na sumunod ako sa kaniya. "Hindi ka pa ba magugutom? Maligo ka na para makakain na tayo,"



Inipit niya sa bun ang buhok at pumunta sa stove. She knows how to cook kaya maayos niyang pinainit ang mga niluto 'kong breakfast.



"Babe," tawag 'ko rito.



Together, You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon