SCARLETT'S POV
Dahil sa pag-uusap naming 'yon ay mas nakahinga na ako ng maluwag. Like, we both gave assurance that we needed. Sa pagpapasalamat niya, it's like he told me that it's a good call for our relationship.
At natutuwa ako dahil magkasabay namin na inaayos ang nasira naming relasyon. We're both easily fixing the relationship we once had. It's the best feeling I've felt. He made me feel so alive and challenged once again.
"Nice work! Nice work!" sambit ng lahat nang matapos ang shoot.
Lumapit sa 'kin ang manager 'ko pati na ang personal assistant 'ko. They covered my body with a jacket dahil malamig ang studio. Ang manager 'ko naman ay inabot sa 'kin ang iced americano na syempre hindi na lasang iced americano dahil sa two hours na shoot na 'yon, I only got to sip four or seven or I don't know! Natunaw na ang yelo at wala na rin lasa kundi sa tubig na may kaunting kape.
"Please get me another of this." utos 'ko sa PA na agad sumunod sa akin. Kinuha ni Ate ang cup at tinapon sa trash bin. "Wala na akong sched, 'di ba?"
Kinuha niya ang Ipad sa bag at in-open ang schedule book 'ko. At gano'n na lang ang panlulumo 'ko nang makita na puno ako this month hanggang next month! Wala na akong pahinga.
"But you have the whole day today." bawi ni Ate nang ngumuso ako habang nakatingin sa sched. "Bakit hindi ka mamasyal? That's a good way to relieve stress."
At saan naman ako mamamasyal? Ayoko umalis. Mas gusto 'ko na lang na matulog at magpahinga.
Dinala nila ako sa dressing room na alay sa 'kin. Pinalitan nila ang damit 'ko ng Prada products na sponsored ako. Even my lipstick. All. Lahat noong mga ineendorso 'ko ay binibigyan ako ng mga gamit nila na kaylangang makitang gamit 'ko. Pati sapatos ay pinalitan at pinalitan ng designer.
After nila akong ayusan at inabot sa akin ang isang paper bag ng Prada. Hindi 'ko na kaylangang tignan or magtanong dahil alam 'ko nang sponsor ito.
We stopped talking when someone knocked on the door, "come in," sagot ng manager 'ko habang nakatingin doon habang ako ay nasa harapan ng vanity mirror. "Oh? You're here."
Tinignan 'ko mula sa salamin kung sino ang dumating. Si Bo Ram. Nasa likuran niya si Dave na hindi na alam kung paano pipigilan ang alaga. But when our gaze met, he instantly bowed his head.
"Good evening, Ms. Lee." magalang ang pagbati niya.
"Good evening," sagot 'ko at nginitian siya. Dahil nandito ang team 'ko ay pinalabas sila ni Ate Ciara.
"Noona! You're so pretty!" sambit ni Bo Ram nang malapitan ako. Sumandal siya sa lamesa at pinagkatitigan ako. "You're a great model." aniya. "I saw Hyung, he was watching you hahahahaha!"
He did? Parang hindi naman. I never saw him looked at me. Or he did when I looked away? Ay ewan!
"Bo Ram." pigil ni Dave at lumapit sa harapan 'ko. Napatayo ako nang yumuko siyang muli. "The woman in front of us is not your Hyung's girlfriend anymore. She is our airline's model."
Parehas kaming natigilan ni Bo Ram dahil sa sinabi niyang iyon. Kay Dave 'ko pa pala mararamdaman ang uneasy.
He looked at me and smiled, "please understand... maraming mata at bibig dito," he made me understand our situation kaya napatango ako.
Nawala sa isip 'ko ang bagay na 'yon. No one knew our relationship. Tama na 'yung pagtataka nila nang batiin ako ng gano'n sa kanila. Tapos tinulungan pa ako ni Bailey nang matumba ako. Tama na 'yun. Ayokong lumaki 'to at madamay siya sa gulo ng buhay na meron ako.
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...