Warning: R-18
ETHAN’S POV
Mas sumama ang titig ‘ko sa kaibigan ‘ko nang yumuko siya at takpan ang mukha niya gamit ang dalawang palad. Ang totoo niyan ay narinig ‘ko ang usapan nila ng girlfriend niya dahil magkasama kami simula kanina pa. Pagtapos umamin ni Scarlett na buntis siya ay binabaan na lang niya kami ng tawag! At simula no’n, parang tanga na ang kaibigan ‘ko!
“Tangina ka kasi eh.” Inirapan ‘ko siya at inambahan ng suntok. “Bakit ‘di ka nag-ingat! Ang bobo mo!”
Mas yumuko siya at nanatiling gano’n ang postura. “Man, believe me, ‘di ‘ko inakala na mabubuntis siya… hell… hindi na siya sumasagot!” Hawak-hawak niya ang cellphone sa kamay kasi kanina pa niya tinatawagan si Scarlett pero hindi na kasi sumasagot.
“Give her space, bro.”
Sumama ang tingin niya sa ‘kin. “Hindi pwede! Buntis siya at dinadala niya ang anak namin.”
Kinuha ‘ko ang beer na nasa harapan ‘ko at uminom. “Oo nga, gets ‘ko, bro. Ang ibig ‘ko lang sabihin ay bigyan mo muna siya ng oras kasi artista ‘yung tao. This is still her prime. Talagang magugulat ‘yon, matatakot, at kung ano-ano pa. Lahat ‘yon mararamdaman niya kasi nga artista siya. Gets mo?”
Hindi ako sinagot ni Bailey. Nanatili lang siyang gano’n ang pwesto kaya kinuha ‘ko ang telepono ‘ko at tinawagan si Callum na panigurado ay natutulog na. Akala ‘ko sasagutin ng kaibigan ‘ko pero mas nagulat ako nang sagutin ‘yon ni Charlotte. [“Ethan? Hello?”]
Aba nga naman! Umiisa pa ang isang ‘to! “Ay, sorry! Nakaistorbo ba ‘ko?!”
Tumawa si Charlotte bago ‘ko narinig ang paghikab niya. [“Hindi naman, I’ll wake him.”]
Magkasama sila? Pero anong oras na sa Pilipinas, ah!
[“Oh?”] Inis na bungad ni kapre. Wala talagang pakundangan ang isang ‘to. Bumabait lang kapag si Charlotte ang kaharap. [“Istorbo ka, Montenegro.”]
“Haha! Sensya na bro pero may chismis lang ako–”
[“Chismoso ang pucha.”]
“Oh eh ‘di ‘wag–”
[“Gago ang puta… tatawag tapos hindi sasabihin. Eh kung itali kaya kita sa Eiffel Tower?”]
Napaka nga naman ng kaibigan ‘ko!
“Ayon nga,” tumingin ako kay Bailey pero gano’n pa rin ang itsyura niya. “May problema… ay, hindi. Hindi ‘yon problema. May balita pala si Bailey sa inyo.”
Tinignan ako ni Bailey kaya nginuso ‘ko ‘yung cellphone ‘ko na nilapit ‘ko sa kanya. Inirapan muna niya ‘ko bago kunin ang cellphone sa ‘kin at kausapin si kapre. Mabuti nagkausap sila kasi mukhang kumalma na si bro. Sadyang wala lang akong kwenta kaya ‘di siya naging okay nung ako kausap.
“Anong break?! Hindi kami break! Buntis si Scarlett at magiging Tatay na ‘ko! Ayon ang balita, bobo!” Dumuro pa siya kaya mas lalo siyang nagmukhang tanga.
Sandaling napatigil si Bailey sa pagdadaldal dahil sa bombang pinasabog niya. Gulat din siyang napatingin sa 'kin pero tinaasan 'ko na lang siya ng balikat at hinayaan siyang makipag-usap kala kapre.
![](https://img.wattpad.com/cover/82590556-288-k362896.jpg)
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...