CHLOE'S POV
Ang katok sa pinto ang nagpagising sa 'kin. Ayoko pa sana bumangon kasi inaantok pa 'ko pero napatigil ako nang marinig ang boses ng mga kaibigan 'ko.
Bumangon agad ako at binuksan ang pinto ng kwarto 'ko. Ang busangot na mukha ni Scarlett ang bumungad sa 'kin. Nakaamba pa ang kamay niya na para bang kakatok ulit. Sa likod niya ay si Charlotte na may suot na headband na may tenga ng pusa.
"Good morning, ha?" Masungit na bungad ni Scarlett at tinignan pa ang suot na relo. Wow. Yayamanin. Branded. "Late ka na!"
"Late? Saan?" Kinusot 'ko ang mga mata at humikab pa. "Antok pa 'ko. Bakit ba…" bumaba ang tingin 'ko sa mga suot nila.
They're wearing pretty clothes! Nahiya 'yung pantulog 'ko! "Saan ang lakad niyo?" Turo 'ko sa mga damit nila.
"Duh!" Malakas na sigaw ni Scarlett bago pumasok sa kwarto 'ko. Kasunod niya si Charlotte na sinarado agad ang pinto. "We have a party to attend!"
Tumango-tango si Charlotte. "Yup. A party."
"Party?" Ulit 'ko. "May party? Saan? Sino may party? Sinong may birthday?" Please don't tell me na nakalimutan 'ko birthday nila kasi kung oo, oh my God! Sorry agad!
Kinuha 'ko ang phone sa pagmamadali na baka may nakalimutan ako pero napatigil din nang magsalita si Scarlett. "Gaga ka talaga. 'Di ka nagbabasa ng group chat!" Angil niya kaya taka 'ko siyang tinignan.
"Huh?" Alam 'ko na may group chat kami pero hindi ako nakakapagbasa nitong mga nakaraan dahil busy ako. "Ano bang meron?"
Lumapit sa 'kin si Charlotte. "Naghanda kami ng party para sa 'yo kasi aalis ka na bukas papuntang Paris." Malungkot ang boses niya nang sabihin 'yon pero mukha naman siyang masaya. "Two months ka ro'n." Naging mas malungkot tingin ni Charlotte sa 'kin. "Tapos another two months kasi magtatrabaho ka sa collaboration niyo ni Chris Monet."
"Oo nga pero… a party? Seryoso kayo? May mga trabaho kayo!" Angil 'ko.
"I took a day off." Nakangiting sagot ni Scarlett at mayabang na iniflip ang buhok niya.
"And I also got a day off. Icocover ni Matt 'yung patients 'ko." Mayabang din na kwento ni Charlotte at tinaas-taasan pa 'ko ng kilay.
"Si Florence?" I asked. "Sila--"
"Nako! Lahat kami nag-day off para ma-celebrate 'to!" Malakas na naman na sagot ni Scarlett. Ito na naman ang microphone niya sa lalamunan! "Kaya maligo ka na! Naamoy 'ko na hininga mula rito! Yuck!"
Pinalo 'ko agad ang braso niya kaya maarte siyang humawak do'n. Bumigat ang paghinga niya at akala mo sinaksak 'ko siya!
"You… you…" maarte niyang sabi at halos maluha na. "Kaylangan mo ba talaga akong… saktan?"
At ano na namang kalokohan 'to, Scarlett?
"Minahal naman kita! Pero bakit 'di mo makita 'yon?! Bulag ka ba?! Bulag ka na ba, ha?! Sagot!" Itinuro pa niya ako na para bang nasa taping kami ng kung anong palabas. Bwisit na babaeng 'to. "Tapos kung kailan wala na 'ko sa 'yo… 'saka ka lalapit sa 'kin na para bang… pagmamay ari mo 'ko!"
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...