CHLOE'S POV
Ayos na kami ni Ethan. Bukod pa ro'n ay may muntik na mangyari sa akin. Sa tuwing naaalala 'ko tuloy ang mga kalokohan namin ay nangangamatis ako! Nahihiya ako! Pero sige, aaminin 'ko, masarap siya…
What?! Anong sinabi 'ko?! Pabuhusan nga ako ng holy water! Nakakahiya!
"Kumusta 'yung rest house?" Bigla ay tanong ni Florence habang kumakain kami ng lunch sa airport, uuwi na kasi kaming Manila ngayon. Mamayang alas dos ang flight namin kaya nandito na kaming lahat. Tapos na rin kasi 'yung inaayos ni Bailey na problema. "Hindi 'ko napuntahan, eh. Papupuntahin 'ko na lang sila Fie 'saka Faye para makita 'yon."
Ah… 'yung rest house ba? Napunta kay Ethan ang paningin 'ko pero parang wala siyang narinig.
Bukod kasi ro'n ay hindi alam ng mga kaibigan namin na maayos na kami. Magkahiwalay kaming umuwi kahapon sa bahay nila Florence dahil ayaw pa niyang ipaalam sa kanila. Mas mabuti raw na kami muna ang nakakaalam dahil kami lang naman daw ang nasa relasyon. Gusto muna niyang ayusin ang gulo sa pagitan namin bago sabihin ulit sa iba. This time, we wanted to focus more on ourselves.
"Ayos naman. Maganda 'yung rest house niyo. Pupunta ulit ako ro'n." Sagot 'ko habang nakatingin kay Florence pero ewan 'ko kung bakit naubo bigla si Ethan.
Taka namin siyang tinignan dahil sa pag-ubo niya. Gusto 'ko sana bigyan ng tubig kaso sabi niya ay 'wag muna kaming maingay sa iba. Kaya iniwas 'ko na lang ang tingin 'ko at kumain ulit.
"Woi! Ayos ka lang? Tubig oh!" Mabuti na lang ay inabutan siya ni Jayden ng tubig kaya nakainom siya agad. "Gulay na nga lang kinakain, nasasamid pa!"
Nang maubos ni Ethan ang tubig ay 'saka lang niya hinarap si Jayden. "Nasamid lang, ah!"
"Ewan sa 'yo! Ano-ano kasi iniisip…" bulong pa ng best friend 'ko.
Napabuntong hininga na lang si Ethan bago iiwas ang tingin kay Jayden. Pero sa 'kin naman siya napatingin! Pero katulad ng dating gawi, sinubukan 'ko ulit labanan ang tingin niya nang walang reaksyon. 'Yung tipong wala akong pake na nakatingin siya sa 'kin at hindi 'ko siya kilala. Mukhang nagulat siya sa naging reaksyon 'ko pero nang maalala ang usapan namin ay agad siyang umiwas sa 'kin at naubo ulit.
"Wala naman akong iniisip." Bulong niya bago muling kumain ng pagkain niya.
Wala raw…
Iniwas 'ko ulit ang tingin 'ko at tinapos na ang kain 'ko. Hanggang sa mag-boarding kami ay hindi na nagtagpo ang mga mata namin ni Ethan. Mukhang sinusubukan din niya ang sarili na 'wag akong tignan. Sumakay ako sa unang upuan dahil ayokong makatabi ang mga kaibigan 'kong may love life. Ayoko maging third wheel!
Naglagay ako ng earphone at shades. Nasa gano'n akong sitwasyon nang tumunog ang cellphone 'ko. Chineck 'ko at nakita na nagmessage sa 'kin si Ethan.
[Akala ko ano na nangyari. Bat nakakatakot ka naman tumingin?] He texted.
Natawa ako at nilingon kung nasaang upuan siya pero hindi 'ko siya makita. Nagsisimula na kasing mapuno ang eroplano.
[Sa right mo.] Text niya ulit.
Tumingin ako sa right 'ko at nagtama agad ang paningin namin. He's sitting in the middle column and last row. Nakangiti siya sa 'king kumaway habang hawak ang cellphone niya. He pointed his phone kaya agad akong tumango at tiningnan ang phone 'ko. May text na ulit siya.
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...