SCARLETT'S POV
Malaki ang ngiti kong hinarap ang flashes ng mga camera pati ang pagpapalakpakan nila, kung kukuhaan nila ako ng picture, dapat lang ay maganda ako!
"Come on! Wala nang mas hihigit pa sa pag-arte ni Scarlett, she's beautiful and sexy!"
Sabay kaming napatingin ni Anya at palihim na nagtawanan. Sa lakas ng boses nung dalawang staff ay narinig na namin hanggang dito sa stage.
Hawak kamay kaming pumunta sa gitna nitong entablado at sabay-sabay na yumuko para magpasalamat sa panonood sa tanghalan namin. Pagtapos no'n ay nalaglag ang pulang kurtina para sabihin na tapos na talaga ang theater play namin.
"Woah! You're really amazing, Scarlett!" Bungad sa akin ni Ate Aica. Lumapit siya sa akin saka ako pinalakpakan. "I almost believed that you're in love with James!" Si James ang kapartner ko sa performance ngayon.
"And that is why no one can beat me." proud kong sagot na kinatawa niya. Natawa rin silang mga nakarinig sa sagot ko.
Nakita ko si Anya na palapit sa akin at abutan ng bottled water, kinuha ko ang inaabot saka ininom. "Thanks. Nasaan ang PA ko, bakit ikaw ang nag-abot?"
"Kausap si Ate Ciara." Aniya bago inguso ang mga nasa gilid, si Ate Ciara at ang PA ko nga. "Bakit ang layo naman nila? Tsk!" Hinarap niya si Ate Aica. "Hi, Ate!"
"Hi, Anya! Ang ganda ng performance mo. Pinabilib mo ako." Hinawakan niya sa braso si Anya bago yakapin. "Nakaka-proud tuloy na sa akin kayo nag-training dati!" Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Wala 'yon, Ate! Inborn ang kagalingan ko sa pag-arte hehehehe!" Inirapan ko siya nang mag-inarte na naman.
"Kaya ang arte mo eh 'no?" Sabat ko bago siya tawanan dahil umasim na naman ang mukha niya. "Joke lang hahaha!"
"Kung wala lang tayo rito ngayon, alam mo nasapak na kita!" Mahinang aniya saka ako inambahan na agad din niyang binaba.
Natawa ako bago iekis ang braso. "Baka unahan ka pa ng fans ko sa pagsapak sa akin." Tinaasan ko na lang sila ng balikat.
Ang tawa ni Ate Aica ang pinaka-nangibabaw sa aming tatlo. "Hahahaha! Para parin kayong mga bata! Sige na, may kaylangan pa akong asikasuhin sa Director, bye girls!"
"Bye, Ate!" Kumaway kami ni Anya sa papalayong si Ate.
Nang mawala sa paningin namin ni Ate Aica ay mabilis na hinawakan ni Anya ang kamay ko saka ako hinila sa gilid, kung saan walang masyadong Staff na nagtatrabaho. "Girl, nasaan ang mga Bodyguards mo?" Hinanap pa niya sa paligid ang mga Guards ko na baka kausap pa rin ni Ate Ciara.
Tinaasan ko ulit siya ng balikat. "Baka nasa Manager ko pa."
Sumama naman ang timpla ng mukha niya. "Seryoso ka ba? Alam mo naman na may mga stalker ka!" Ako lang din ang natawa sa sinabi niya.
Stalkers.
Simula nung mabalita sa news na ex-boyfriend ko si Troy Gamboa ay bigla akong nagkaro'n ng mga stalker. Minsan nasusundan nila ako sa loob ng buildings na napupuntahan ko. Minsan papauwi sa bahay. Sa trabaho ko, hanggang sa practice ko ay may sumusunod na sa akin. Alam naman ng mga tao na may boyfriend ako, pero nung nalaman nila na may namagitan sa amin ni T ay para silang mga linta na biglang naglabasan.
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...