CZARINA'S POV
"May nakakatawa ba?"
Oo. Ikaw. Ang nakakatakot niyang mukha kanina ay minsan 'ko nang nakita nang mabastos si Abby sa club sa Australia. Ibang tao siya sa tuwing galit siya. Kaya kinilig ako nang makitang gano'n siya kanina. Kaso nga lang ay alam 'ko rin na nagkagano'n siya dahil sa inis sa nangyari sa 'kin.
"Ma'am, sa billing station na lang po tayo," sambit sa 'kin ng nurse na sinundo pa ako.
"Ah, sige," sumunod na lang ako sa kaniya papunta sa billing station. Ginamot lang naman ang sugat niya pero natatakot parin ako na baka ma-infect kaya minabuti 'kong dalhin siya rito. Matapos 'kong bayaran ay dumaan ako ulit sa E.R.
"Sure ba na wala siyang kaylangang inuming gamot? Stitches?" kanina pa ako nagtatanong pero sadyang natatakot ako sa sugat niya sa kamay!
"Wala na po Ma'am Czarina," natatawa pang sagot sa 'kin ng nurse na nasa station. "Pero kung natatakot ka po sa lagay ng kamay ni Sir T, ipa-admit niyo na lang po para ma-monitor namin kung dudugo pa." that's a better idea. Hindi pa maalaga si Troy sa ganito.
"Ayoko."
Pinanood 'ko siyang bumaba ng kama at lagpasan ako. Hanggang sa paglabas niya ng E.R. ay pinanood 'ko siya. Ni hindi man lang niya ako nilingon.
Kahit anong pilit 'ko ay ayaw talaga niyang magpa-admit dito sa hospital.
"Troy!" humabol ako sa kaniya pero mabilis ang paglalakad niya. Nakasuot pa man din ako ng heels! "Hey, wait for me!"
Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako pero nang makita na malapit na ako ay iiling-iling siyang tumalikod at iniwan ulit ako!
Ganiyan naman siya palagi eh. Mahirap basahin. Minsan sweet siya sa 'kin. Tapos biglang mawawala ng matagal. Kanina nga lang ulit kami nagkita, eh. Pagtapos 'ko siyang sundan sa ibang bansa ay ngayon na lang ulit kami nagkita.
"Troy!" muling tawag 'ko pero hindi na niya ako pinansin. "Troy naman? At least talk to m-- ah! Aray!" bwiset! Nadapa ako! Ang sakit ng tuhod 'ko! Bwiset! Bwiset!
"What happened?" masama ang tingin 'ko nang lingunin si Troy nang lumapit sa 'kin. It's his fault! Inupo niya ako at tinanggal ang heels 'ko sa paa. Ayan na naman siya sa pag-check sa 'kin. Halos ilabas niya ang sama ng loob nang makita ang dumudugo 'kong tuhod at ilang gasgas sa binti dahil sa pagkakadapa 'ko. Nakasuot pa man din ako ng satin dress! "Your hands," inangat 'ko ang mga kamay at pinakita sa kaniya. "Dami mong gasgas,"
"Your fault." bulong 'ko at mukhang narinig naman niya. "Ang sungit-sungit mo kasi! Bakit nagpapahabol ka pa?! Trip mo bang habulin kita nang habulin?!"
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomansaSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...